LP: Jeepney Love Story
Sa tuwing uuwi ako ng Pinas, isa sa mga excited akong gawin maliban sa pagkain ng Palabok Special sa Jollibee ay ang makasakay ng jeepney. Okay lang sa akin ang makalanghap ng polusyon, maipit sa napakahabang trapiko at makipagsiksikan sa jeepney na pangsampuan lamang pero pinagkakasya ang bente sa loob, basta makasakay ako ng jeep. Kung dati rati’y hindi ko pinapansin ang mga nagpapaabot ng bayad, ngayo’y ako pa itong bibong batang aabutin ang bayad at magiliw na sasabihing “Ma,bayad daw po”. At sa aking pagbaba ay ninanamnam ko ang bawat sandali na ako’y nasa loob ng jeepney. Tama nga sila, kung ano ung bagay na hindi mo na karaniwang ginagawa ay saka mo ito pinapahalagahan. Gusto ko na tuloy magsimula ng Jeepney terminal dito sa San Antonio eh. Kung pwede lang.
Yang ang RYU. Biyaheng Parang, Marikina – Stop & Shop na madalas kong sakyan papasok ng PUP. Patok ang tawag sa mga ganyang klase ng jeepney. Makulay ang labas at loob, maingay ang patugtog na ang madalas patugtugin ay mga remixes ng mga usong kanta. Yan din ang mga klase ng jeepney na tinawag naming “Biyaheng Langit”, dahil sa sobrang bilis ng patakbo nito’y ang normal na isang oras na biyahe ay kaya nito sa loob ng tatlumpung minuto – kasama na ang trapik dyan. Biyaheng Langit dahil kailangan mo ding kumapit ng mabuti dahil para kang nasa roller coaster at hindi mo alam kung mabubuhay ka pa bago makababa ng jeepney. Minsan na akong nakasakay sa ganung klase ng patok. Bumaba na ako ng Cubao dahil mahal ko pa ang buhay ko.
Jeepney. Pampublikong sasakyan na Only in the Philippines. Kelan nga kaya ako makakasakay muli ng jeepney?
Ito ay ang aking entry para sa ika-120 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Publiko (Public). Ang litratong ito ay kuha noong March 2010, nung umuwi ako ng Pilipinas. Nasa loob ako ng taxi nang makita ko ang RYU. Hindi na ako nakapagjeep ng araw na iton dahil late na ako sa usapan namin. Ngayo’y iniisip ko, buti na lamang at nagtaxi ako. ^^






ahehehe…na-miss ko din yan sa PUP… lalo na yung jeep na ingkong at tungaw…
na-miss mo ang jeep?…meron nyan sa blog ko ngayon…tara sakay na… ^_^
OMG! patokero ka din! hahaha!:)
inaabangan ko ang Challenger (1-6) at Ermitanyo!! ung Tungaw ata Rizal na ang biyahe hehe:)
kakaiba nga talaga ang mga jeepney natin…not for the faint-hearted sabi ng kano kong kaibigan.:p
buti naman itong jeep na ito at hindi nag bunga nag maraming tao. Manila style – he-he.
Only in the Philippines, di ba?
Kahit mga expat namin dati ay naaliw sa jeepney.
patok na patok ang iyong lahok
eto ang aking lahok
gustong gusto ko ding sumakay sa ganyang mga jeep tuwing pupunta ako ng cubao kc nakakalibang ang mga ito at ang tutulin pa! Masayang LP!
http://stanmoisesjose.blogspot.com/2010/10/lp-120-publiko.html
naaaliw ako s mga blog mo madami n ako nabasa in an hour.. parang gusto ko n din mag sulat sa lahat ng nangyari s akin.. kaya pa kaya..