hay

Posted a year ago inlove

Nanghina ako. Sobrang naramdaman ko ang pagkamiss ko sayo. Wala ka namang ibang ginawa kundi ang titigan ako na lagi nang nangyayari kapag magkausap tayo’t nakawebcam. Pero iba ngayon.

Naramdaman ko kung gaano kita kamahal, gaano ka kaimportante sa akin. Naisip kong ayokong mawala ka sa akin, na ikaw na talaga. Tinanong mo kung ayos lang ba ako, kung anung nangyari. Hindi ko na nasagot pa un, sabi ko’y wala lang.

Wala akong ibang hiling kundi ang sa wakas ay makasama ka. Hindi na mababago ang nararamdaman ko, ikaw na talaga ang para sa akin. Gara lang kapag namimiss kita, minsan nalulungkot ako. Pero nagiging ok din naman pagkalipas ng ilang sandali dahil alam kung darating din ung panahon na inaantay natin. Hintay lang talaga. :)

Alam mo naman siguro kung gaano kita kamahal diba? Sobra. :)

I love you mahal. *yakap!*

Maagang Yearend Post

Posted a year ago blog update

Thankful. Kung susumahin sa iisang salita ang naging 2010 ko, yan ang sasabihin ko. Sobrang thankful dahil sa dami ng blessings at magagandang nangyari sa akin ngayong taon. Hindi ko man natupad ang dalawa sa resolutions ko ngayong taon, babawi na lang ako next year. Hehe. Hindi din ako naging masipag sa pagbo-blog ngayong taon, pero masaya ako na andito pa din ang kundiman para kahit papaano’y may outlet pa din ako kapag tinotopak magsulat. Katulad ngayon, susumahin ko ang lahat ng nangyari sa akin ngayong taon, both good and bad. Sana wala akong makaligtaan.

Binasa ko diary ko, wala pa lang masyadong nangyari nung January at February. Nagsimulang maging masaya ang 2010 ko noong March, dahil umuwi ako ng Pinas. Halos isang buwan din akong nakapagbakasyon, 23 days na kasama si Arvin, araw-araw, walang palya. NakapagEK, LaMesa EcoPark, Subic at AliMall. Nakagala kasama ang mga kaibigan, nanood ng Miss You Like Crazy at ilang beses nagvideoke. Officially, naging tita na ako, may pamangkin na ako at magkabirthday pa sila ng anak ng kabarkada ko nung college. Kung pwede lang taon-taon akong umuwi, ginawa ko na. Nasira ang laptop ko, umiyak ako ng ilang araw at nagmove on. Nakabili ako ng bagong computer, desktop na, pagbalik ko galing bakasyon.

Nag@reply sa akin si Lea Salonga sa twitter. Feeling ko naging sobrang close kami dahil dun. Haha. Nakalimang taon kaming stay dito sa Amerika ng pamilya ko. 2nd year anniversary namin ni Arvin. Nagaral akong magmaneho noong July. Pinangunahan ako ng kaba at takot. Hindi ko alam kung kakayanin ko nga bang magmaneho. Matapos ang halos apat na taon na pagtatrabaho ng gabi, sa wakas, nalipat ako sa pang-umaga. Normal na ang kundisyon ng katawan ko. Wala nang pagpupuyat, hindi na kukulangin sa tulog. Ininterview para sa citizenship, pumasa naman. Naging ganap na Amerikano ako ngayong taon. Kailangan ko nang magapply ng passport para makauwi ako ng Pinas. Natapos ko (ulit) panoorin buong series ng Charmed, Seasons 1-8. Namoroblema sa host, lumipat ng host, naayos naman na after. Medyo taon-taon ko atang pinoproblema ito. Naaliw sa Just Dance, Just Dance 2 at Dance Central ng Kinect.

Naging busy din pala October hanggang December. 26th birthday. Naging Android user. Panglimang taon na pagtatrabaho sa ospital. Nagoathtaking para sa citizenship. Napilitang magsuot ng highheels, nakasurvive naman. Nakakita ng job opening, inapplyan din. Sa awa ni Papa God, natawag naman ako for interview. Mukhang naaliw naman sila sa akin. Wala pang resulta sa kung sino ang na-hire. Still hoping mode ako. Nakapasa sa driving test, nagkalisensya at nagkaroon ng sariling sasakyan. Nagpabangs at matutong gumamit ng blowdry. Nakapagpapicture kasama si Santa Clause.

Medyo madami-dami din pala ang nangyari sa akin ngayong taon. At katulad nga ng sabi ko, sobrang nagpapasalamat ako. Sa mga taong nakilala ko, naging kaibigan, nagstay na kaibigan. Madami mang nagbago at nangyari, mas lalo akong masaya dahil sa mga taong andyan pa din para sa akin. Sa pamilya at mga kaibigan ko, malayo man sila o nakakasama ko. Masaya akong matatapos ang 2010 na parte pa din sila ng buhay ko. Naks, drama. Hehe.

Masyado pang maaga para gumawa ako ng resolution, masyado pa ding maaga para mapredict kung ano nga bang mangyayari sa akin next year. Wish ko lang na sana, kayanin ko kung ano man ang ibibigay sa akin ng 2011. Hindi naman sa masyadong negatibo akong magisip, pero odd number kasi eh, medyo hindi masyadong maganda ang track record ng odd number year para sa akin. Pero we’ll see, baka magbago pa ang lahat.

May limang araw pa bago tuluyang matapos ang 2010. I’m looking forward sa kung ano man ang mangyayari pa. Salamat 2010, Hello 2011.

blogging out loud

Posted a year ago writings

so kamusta ka na?
eto, ok naman. ikaw kamusta?

eto, ayos lang din.

hmmmm..
bakit?

wala naman. nakakapanibago ka lang, ang tahimik mo na kasi.
ahh ganun ba? wala lang. wala din naman kasi akong masabi.

lagi ka na bang ganyan? walang masabi?
hmmm, hindi naman ata.

ang tagal mo na kasing hindi nakakapagblog. o nakakapagsulat ng kwento.
minsan, gustong-gusto kong magblog pero kapag nakaharap na ako sa blog, hindi na lumalabas ng maayos ang mga salita. mahirap ie-explain eh. basta naiisip ko ung kwento, ung punchline, pero nagiging korny na pagtagal.

ahh kaya ba ang paguusap natin ngayon ang ilalagay mong entry.
oo, pano mo nalaman?

eh kinakausap mo lang naman ako kapag ganyan ka, ung hindi mo maexplain ung gusto mong sabihin. dinadaan mo sa dialogue.

hindi ko talaga alam kung anung problema ko eh. may oras naman ako para magsulat. may dahilan din para magsulat pero wala talaga. tiningnan ko nga tong blog eh, dalawa lang entry ngayong December. nakakalungkot lang.
eh baka naman busy ka kasi sa buhay mo. o pwede ding magkwento ka tungkol sa mga nangyayari sa buhay mo ngayon.
ginagawa ko naman un eh, pero hindi na siguro madalas. nawalan na kasi ako ng gana dahil sa nangyari noon.

noon?
oo, noon. nung madami pa akong readers, nung active blogger pa ako. masyadong magulo. kaya aun, tumigil na lang ako.

well, di rin kita masisisi. natrauma ka siguro.
sabihin na nating medyo ganun nga.

well, wala naman akong magagawa. hindi naman kita mapipilit na magsulat lang. darating ang tamang oras na babalik ang amor mo sa pagsusulat. makakagawa ka ulit ng kwento, makakadaldal ng tulad ng dati.
sana nga dumating na ung panahon na un. gawin ko kayang resolution eh no. hehe.

naku ngayon pa lang, sasabihin ko na sayo na hindi mo matutupad yan.
salamat ha. ramdam ko na ang laki ng tiwala mo sa akin.

nagsasabi lang naman ako ng totoo. kilala kita.
oo na.

ganito. tingin ko babalik ang gusto mo sa pagsusulat kapag sinimulan mo ulit magsulat para sa sarili mo. ung katulad nung panahon na kwento ka lang. wala kang iniisip na ibang tao. dapat mahalin mo ulit ang pagsusulat. wag mong iisiping korny kagad ang isang entry na hindi mo pa naman natatapos isulat. wag mong pangunahan ang sarili mo. magsulat ka para sayo. wag ka rin sanang tumira sa nakaraan. tapos na un eh, wala nang magagawa pa. the damage has been done, ika nga. kaya move on ka, maghanap ka ng panibagong inspirasyon.

o anung nangyari?
tinatamad na ako eh. hindi ko alam kung pano tatapusin paguusap natin.

eh pano babalik ung sigla mo sa pagboblog kung pati ito eh hindi mo matatapos?
fine. fine. magsusulat ako para sa akin. dahil ito ang gusto ko. dahil mahal ko ang pagsusulat. hindi ko na din masyadong iisipin ang sasabihin ng ibang tao. basta sulat lang ng sulat.

that’s the spirit. o pwede na ba akong umalis?
oo. salamat ha.

you’re welcome.

30th month

Posted a year ago inlove, ldr

30th monthsary namin ni Arvin ngayon. At dahil buwan-buwan eh nagiisip ako ng maibibigay o gagawin para sa kanya, nauubusan na ako ng ideya, hehe. Buti na lang may ipinakitang picture sa akin si Arvin nung isang araw, *lightbulb*, alam ko na kung anung gagawin ko.

Gamit ang bagong tagging feature ng Facebook, eto ang 30th monthsary gift ko para kay Arvin. Mahirap gawin dahil sa kailangang gitna ung mga salita, pero kapag nakita mo na ang finished product, sobrang nakakaaliw. ^_^

Happy monthsary mahal! Salamat sa 30 months na pinapasaya mo ako. Kahit na minsan, madali akong magtampo eh andyan ka pa din. Hehe. 30 months and counting! :D love you! *yakap!*

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.