lp-sa-iilang-sandali

LP: Sa iilang sandali


Kakarampot na lang ang baterya, kaunting oras na lang at mamamatay na ang phone ko. oh noes.

Ito ay ang aking entry para sa ika-140′ng linggo ng Litratong Pinoy na may temang Karampot o kaunti. Ang litrato ay ang aking Samsung M3510 na ayun, lowbat na, hehe.

what i love about you

Posted inlove

Ikaw ang unang lalakeng nagbigay sa akin ng bulaklak. Hindi ko ito inaasahan pero ginawa mo. Oo nga’t nagparinig ako sa twitter, pero di ko alam na seseryosohin mo. Sa paglalakad ko papalapit sa’yo ng araw na iyon, habang nakaupo ka sa may MRT Station Cubao, hindi mawala ang aking kaba. Late ako ng ilang minuto, medyo matagal ka na ding naghihintay. Nang lapitan kita, dun ko nakita ang isang dosenang rosas na iniabot mo kaagad sa akin. Wala na akong oras para magsalita, masyado akong masaya. Sobrang saya.

Ngayon, halos tatlong taon na ang nakalipas, sinorpresa mo na naman ako. Adik ka talaga, hehe.

Nagising ako, alas-kwatro ng hapon. Dahil sa pagtatrabaho ko ng gabi, tulog na naman ako ng umaga. Alam kong may narinig akong sinabi ng tatay ko, na bakit daw ako tulog eh ang dami ko daw package. Package, wala akong alam na binili ko. Dahil sa sobrang antok, hindi ko ito pinansin. Sa pagbangon ko, ayun nga, may package na nakalagay sa ibabaw ng computer table ko, galing sa Barnes and Noble. Lalo akong nagtaka, wala pa akong binibili dun. Sabi ng kapatid ko, baka may bomba daw. Hindi naman siguro sabi ko. Nang binuksan ko ang package, nakabalot pa ung package. Dun na ako kinutuban. Nang mabasa ko ang card, hindi ko alam kung anung mararamdaman ko. Dahan-dahan kong binuksan ang balot, hindi ko hinayaang mapunit. Isang libro, What I Love About You. Katulad nga ng sinabi mo dun sa card, dito natin isusulat ang mga kwento natin habang binubuo natin ang hinaharap. Hay, sinorpresa mo na naman ako. At this time, wala akong pagpaparinig na ginawa. Ang galing mo, naitago mo sa akin ito. :P

Salamat mahal. :D Hay, ngayon pa lang naiisip ko na kung anung mailalagay natin dito. ^^, Mga litrato, lahat ng alaalang pwede nating ilagay. Salamat talaga mahal, super thank you. *yakap!*

PS.
Ngayon ko na din natanggap ung US Passport ko. Pwede na akong umuwi sa Pinas! :D

photoblog #25: snow

Posted buhay SATown

Sinong magaakalang dito, sa Texas, na umaabot ng 100degF ang temperature kapag summer eh posibleng magsnow. Hindi pa din ako  makapaniwala.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.