crazy little thing called love

Posted inlove, ldr

Dahil sa wala akong magawa, hindi ko pa din kasi makausap si arvin dahil wala pa silang internet. Halos tatlong araw na din, sobrang miss ko na sya. Buti na lang nakakatext ko pa sya, pero gusto ko pa din syang makita kaya nagrequest ako na magsend sya ng MMS. :)

Anyways, dahil nga sa wala akong magawa at dala ng pagkamiss ko kay arvin, naisipan kong panoorin ulit ang Crazy Little Thing Called Love. Sa mga di nakakaalam o panood nito, isa itong Thai film, highschool ang setting, may gusto si babae sa isang lalake. Ayoko nang ikwento, basta maganda, nakakakilig, hanapin nyo na lang sa torrent o kaya youtube.

Ayun nga, naisipan kong panoorin ulit ung movie, pero ayoko na sa PC lang. Gusto ko sa big screen. Kaya naman, naisip ko, “pwede kayang manood ng movie from USB na nakasaksak sa Xbox?” Ginogoogle ko ito kaagad at nalaman kong posible nga. Sinave ang movie sa usb na bigay sa akin ng katrabaho ko para sa database na ginagawa namin. Matapos ang halos isang oras na paguupdate, pagawa ng Xbox Live account dahil kailangan ko un bago magplay ung movie, successful ang panonood ko ng movie. Si Mario Mauer, nasa loob ng 55-inch tv, ang laki ng mukha. Sobrang gwapo talaga. Nakisabay na nanood kapatid kong babae, walang kilig galing sa kanya. Hindi pa kasi naiinlab.

Ayun, ilang araw ko nang hindi nakikita mahal ko. Sana talaga maayos na ng Smart ung internet nila. Gusto ko nang makita ulit sa webcam, marinig ang boses saka basta miss ko na sya.

Ang gwapo ni Mario Mauer, pero pipiliin ko pa din si Arvin anyday. Ok, no competition pala dapat un, hehe.

dahil almost one month na akong walang post

Posted blabbers

Naisipan kong dito na lang sa kundiman magupdate. Lagi na lang akong sa tumblr naglalagay, baka magtampo na itong kundiman. Naging eventful itong araw ko ngayon. May hindi magandang nangyari, meron din namang pambawi. Umpisahan ko ung di masyadong maganda.

Investigation. Yan ung sabi sa amin nung director namin nung ipatawag kami ng mga katrabaho ko. Inassure nung director namin na wala naman kaming kasalanan, kailangan lang kaming tanungin. Matapos kaming tumambay ng ilang minuto sa conference room, lumipat kami sa Human Resources. Hindi ko pa din alam kung ano ang gulong napasok ko. Isa-isa kaming tinawag sa loob. Hanggang ngayo’y wala pa din akong kaalam-alam sa nangyayari. Hangga’t sa dumating na ung oras ko, ako na ang pinapasok sa loob. Nagkasalubong kami nung isa kong trabaho pero di nya ako tiningnan o binati man lang. Goodluck.

Pagpasok ko sa kwarto, andun ung director ko at ung HR manager. Closed door meeting — isang desk at tatlong upuan. Dalawa silang nakaharap sa akin. Nasa hot seat ako. Nagumpisa na syang magtanong. Kanta. Tinanong ako kung may naaalala ba akong insidente na may kinalaman sa isang kanta. Nung umpisa’y wala akong maalala, pero ayun na, nagclick na sa akin. Kanta ni Bruno Mars. Biglang bumalik ang nangyari ng araw na iyon.

Dahil hindi pwedeng pagusapan ang nangyari, isu-summarize ko na lang. May nagreklamo. May nareklamo. Kailangan kong magbigay ng statement. Pinirmahan ko pa. Feeling ko eh isa ako sa mga nasa witness protection program dahil confidential daw ang mga sinabi ko. Naawa ako dun sa nireklamo. Naawa din ako sa nagreklamo. Napakahirap dahil kilala ko sila pareho, hindi lang katrabaho, kundi kaibigan. Naiyak ako, ewan kung bakit. Basta. Iyakin talaga ako. Matapos ang pagtatanong, nagpasalamat sila sa akin sa pagiging honest. Ayoko nang malagay sa ganung pwesto. Napakahirap. Paglabas ko ng kwarto, sinabayan ako ng director ko. Sorry ako ng sorry, pero pinigilan nya ako, thank you daw.

Umpisa pa lang ng araw ko yan. Gusto ko nang umuwi.

Buti na lang, there is something to look forward to. Ngayon na kasi ang uwi ng tatay ko. Sinundo namin sya sa airport. Sana talaga katulad ng San Antonio ung airport ng Pinas. Para kahit hanggang sa loob eh makasama ung kamag-anak. Sana lang ganun, hehe. Anyways, ayun, di naman nadelay masyado ung flight ng tatay ko. Nakita namin sya kagad at nakuha ang bags. Paguwi, pasalubong time.

Kanya-kanyang kuha. Halos isang buwang grocery ata ung dinala ng tatay ko. Mga tsitsirya galing sa mga pinsan at tita ko. Heaven. Sobrang heaven. Basta akin ung Cheez-It.

This convo also made my day.

ako: dad, di na pala ako June uuwi. December na lang po.
dad: o bakit?
ako: ikakasal kasi si Treng, bridesmaid po ako.
*lingon at tingin sa akin*
dad: eh aba, magpapayat ka na.

Pumayag ang tatay ko, un ang mahalaga. Sa isang kondisyon, kailangan kong magpapayat. March pa lang ngayon, December pa ang kasal. I have 9 months para magpapayat. Goodluck.

ang-sumusunod-ay-naganap-sa-pagitan-ng-alas-dose-at-ala-una-ng-madaling-araw

Ang sumusunod ay naganap sa pagitan ng alas-dose at ala-una ng madaling araw.

Yan, yung title nitong post ay ang tinagalog na opening ng pinakapaborito kong TV series sa habang panahon, ang 24. Oo, dahil naniniwala akong wala na akong mapapanood pa kailanman na hihigit sa pagkamangha, pagkabilib, pagkasabik, pagkainis, pagkatulala, at kung anu-ano pang damdamin sa panonood sa bawat episode nito. Yun na.

At isang malaking parte ng TV series na ito ay ang mga Mafia, o mga organizadong sindikato na itinatag ng mga maimpluwensyang mga pamilya na unang nauso sa mga bansang europeo. Sila ang nagkokontrol sa pagbebenta ng kontrabando tulad ng droga at armas sa kani-kanilang mga teritoryo.

At ipinapakilala ko sa inyo ang eredero ng isang makapangyarihang pamilya sa kapatagan ng Bulacan…

pink mafia

Mula sa isang pamilya na ang pangunahing industriya mula pa noong dekada sitenta ay ang pananahi at ngayo’y ang pinaghahandaan ay ang paparating na pasukan sa Hunyo kaya’t sa paggawa ng uniporme nakatuon. Kung sa ibang panahon naman ay ang pangangalakal ng mga ibinabagsak na damit sa Divisoria na ibinibiyahe mula pa China. LOL.

Hindi ako naglaro ng Mafia Wars pero ang username ko naman sa Gangster Battle sa Facebook ay AC the DC.

Ito ang aking lahok para sa ika-143 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Kulay Rosas (Pink). Ang litrato sa itaas ay kinunan nuong Eng’g Graduation Party 2008 na ginanap sa isang club sa may Buendia. May isang wall na may kulay rosas na ilaw sa isang bahagi nung club at naisipan kagad namin na magpictorial doon, hehe. Maaga kasi kaming dumating:P

Dun rin sa gabing yun ang litrato ko na nag-aala-DJ sa dating LP post ko.

lp-dalian-habang-mainit-baka-lumamig

LP: Dalian habang mainit, baka lumamig.

Bago ka pa magpatuloy sa pagbabasa ay may itatanong ako sa iyo.. Sa iilang salita, paano mo mailalarawan ang kape?

May sagot ka na ba?

Kaya ko ito naitanong ay naalala ko kasi yung pinasagutan sa akin ng kaklase ko nung highschool at sabi daw nung orihinal na gumawa nung tanong, kung paano mo daw ilarawan ang kape ay maihahantulad ito sa pagtingin mo sa pakikipagtalik o sex.

Ito ay ang aking lahok para sa ika-142 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Kayumanggi (brown). Ang litratong ginamit ko ay ang natirang kape sa aking mug na tinapatan ko ng ilaw kaya ganyan, hehe.

Ang tema sa susunod na linggo, March 17, ay Kulay Rosas (Pink).

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.