lisensyado

Lisensyado

Posted a year ago current events

Nakakuha na rin ako sa wakas ng lisensya sa pagmamaneho kaninang umaga. Kahit na natapos ako sa driving lessons ko nung Agosto pa, ganito yun e, nakaladkad kasi yung kanang paa ko ng traysikel dati kaya inantay ko pang gumaling ang paa ko na inabot din ng ilang buwan (na sumasakit pa rin paminsan-minsan ‘pag namamali ang apak).

Kahapon nga lang din ako ulit nakapgdrive muli, at NLEX na kagad, hehe. Eto minapa ko sa google maps ang ruta papuntang LTO sa Guiginto at lumalabas na 13 kilometro pala ang layo mula sa bahay namin.

route to lto guiginto

Namatayan pa rin ako ng makina kahapon :P Pero nung nagdrive ulit ako kanina e hinde na, hehe.

Ngayong may lisensya na ako ay marami na akong pedeng gawin, overspeeding, beat the red light, magcounter-flow, magpark sa no parking zones o sa harap ng mga driveways, pumasok sa no entry, at lumiko sa mga no left, right o u-turns.

Pero hindi ko naman gagawin ang mga yun, sana. Atsaka wala naman akong pera panggasolina kaya bukas, makikisiksik pa rin ako sa bus papasok sa eskwela.

6th-of-march

6th of march

Posted a year ago ldr

Hay. March 6 na sa Pinas. Magkasama na tayo ng ganitong oras, nakikipagbiruan ka sa mga pinsan at kapatid ko, kasalo kitang kumain. Buti hindi ka masyadong nahiya kahit na halos kalahati ata ng angkan ko eh andun sa bahay namin. Hindi ko na masyadong maalala ang ginawa natin ng araw na iyon, basta kasama kita. Nagexchange gifts tayo ng t-shirts, binigay mo ung Sugarfree na CD. Nagpicture at ipinost sa FB. Patunay na kasama na kita. Ang saya ng araw na iyon. Wala na akong ibang mahihiling pa. Matapos ang dalawang taon na paghihintay, nakasama din kita.

Isang taon na ang nakalipas nung huli kitang makasama. Ayokong magdrama ngayon, pero di ko mapigilan. Nakakamiss mahal. Sobrang miss na kita.

LP: Bughaw na Talulot

Posted a year ago Litratong Pinoy

Animo’y mga bughaw na talulot ng isang bulaklak ang damit na bumabalot sa katawang umiindak sa saliw ng musika ni Ke-dollar-sign-ha at Lady Gaga. Ang bawat kembot na tugma sa tiyempo ng makabagong tugtog ay sinusundan ng mga nakatitig na mata ng mga taong sa inyo’y nakapalibot. Bawat galaw ay nakakapang-akit, at sa pilantik ng mga daliri sa kamay na iniwawagayway sa langit ay humahalimuyak ang gandang Pilipina.

NLEX Girls sa Panagbenga 2011

Mga Pilipinang parang mga bulaklak na namumukadkad ang ganda.

Ito ay ang aking lahok para sa ika-141 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Bughaw (Blue). Ang litrato sa itaas ay ang mga babaeng mananayaw na kasama ng float ng Manila North Tollways Corporation (MNTC), na siyang namamahala sa NLEX, sa nakaraang Panagbenga 2011 nuong Linggo. Hindi kami naflatan ng gulong sa biyahe pauwi kaya ewan kung kasama talaga sila sa mga nagpapatrol sa daan :P

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.