Isa sa disadvantage na nasa isang long distance relationship, maliban sa hindi mo makasama ang taong mahal mo, eh ung hindi mo sya makasama sa litrato. At kung katulad kita na naiinggit sa tuwing makakakita ng couples na magyakap sa litrato tapos ay iisipin mo na sana ganun din kayo, pero malayo kaya hindi pwede, eh normal lang yan. Believe me, sobrang hirap. Kaya naman sa tuwing umuuwi ako ng Pilipinas, todo as in todo kaming magpicturan ni Arvin. Tig-isa pa kami ng camera na dala minsan, para kung malowbatt ung isa, may spare. Dapat laging handa.
Dahil alam ko na wala nang patutunguhan ang pagkainggit, naisipan namin ni Arvin na gumawa na lang ng alternative. Alternative na paraan para kahit papaano ay magkasama pa din kami sa litrato. At dito na nagsimula ang pags-screenshot namin kapag naguusap kami na may webcam.

Mula YM, GTalk, Skype at ngayon nga’y ooVoo, nasubukan na ata namin lahat. Birthday, Valentines, Pasko at New Year o kahit na ung normal na araw lang, basta feel namin na maglitrato, click lang. Sabay pa kaming magbibilang bago i-screenshot. O diba, parang magkasama lang. Hehe. Ang gusto ko namang subukan eh ung video mismo. Para pwede kaming gumawa ng music video.
Bawat screenshot ay may sariling kwento. Mga napagusapan, napanood na pelikula, o kung ano man ang okasyon. Masaya ako’t may ganito kaming mga sandali ni Arvin. Kahit na malayo kami sa isa’t-isa, pakiramdam ko’y andyan lang sya.
Ang Bridge the Gap series ay pagtatalakay sa mga paraang ginagawa namin ni Arvin para mapunan ang layo sa pagitan naming dalawa. Sundan ang serye na ito upang makakuha ng mga tips at ideya sa mga pwedeng gawin upang mabasawasan ang hirap ng pagkakawalay sa minamahal.
Kanina lang ako kinabahan. Ung tipong akala ko mawawala ka na sa akin. Na magsasawa ka na sa mga pagtatampo ko. Bakit nga ba kasi lagi na lang akong parang defensive kapag may isang bagay tayong pinagtatalunan. Un na nga eh, hindi naman tayo nagtatalo, sinasabi mo lang ang opinyon mo, pero bakit galit na ako kagad. Hindi ko din alam kung bakit, basta ang alam ko, ayoko na ng ganito.
Ayoko nang mainis sa mabagal na internet connection. Ung hindi kita makausap ng maayos dahil delayed ang voice chat, nagca-crash naman kapag sinusubukan natin magvideo chat. Ayoko na nung sa panaginip lang kita nayayakap at nahahalikan. Ung kapag gusto kong maglambing sa’yo, hindi ka naman online at ang tagal mong magreply sa text. Minsa’y wala na akong maikwento sa’yo dahil madalas nakakalimutan ko na ito kapag kausap na kita. Ayoko nang maghintay, ayoko na nang ganitong setup. Nahihirapan na ako.
Nakipagtalo ako sa’yo dahil lang sa isang youtube video. Nawalan ako sa mood makipagusap. Idagdag mo pa na delayed ang paguusap natin. Sabi mo’y matutulog ka na, sabi ko sige. End call. Naglogout ka na. Hindi tayo nakapag-”iloveyou” sa isa’t-isa.
Nanonood lang ako ng How I Met Your Mother kanina, bigla kong narealize kung ano ang pupwedeng mawala sa akin kapag hindi ako nagbago. Ikaw un.
Mas hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko. Wala nang gigising sa akin. Wala nang magtetext ng “Kakain na ako”, “Maliligo na ako mahal” o “Gara. Nakatayo na naman ako dito sa bus”. Hindi ko na maririnig ang boses mong nagpapasaya sa akin. Ang mga panaginip ay mananatiling panaginip na lamang at wala akong ibang mapagsasabihan pa. Hindi ko kayang mawala ang nagiisang taong nagpasaya at nagpahalaga sa akin. Ang nagiisang taong minahal ako ng sobra kahit na madaming nagsasabing imposibleng magwork ang isang long distance relationship. Hindi ko kayang mawala ang isang taong alam kong makakasama ko habambuhay.
Ngayon ko na nararamdaman ang hirap, minsan ang pagod. Pero, ito rin ang nagpapalakas sa akin. Titiisin ko ang hirap na malayo sa’yo, alam ko kasing, mas mahirap kapag wala ka sa buhay ko.

Ilang araw na din akong nagiisip kung ano pa nga bang gimik ang hindi ko pa nagagawa para sa birthday ni Arvin. Video? Check. Sing and dance? Check. Wala na akong maisip na bonggang birthday gift para sa mahal ko ngayong taon. Kaya heto ako, dalawang oras bago magalas-dose, gumagawa ng entry gamit ang aking telepono. Buti na lang malakas ang wi-fi connection dito sa ospital.
Wala naman yan sa kung gaano kabongga ang regalo diba? Nasa thought nga daw. Eh kung malapit lang ako sa kanya ngayon eh malamang sa malamang may date kami ng birthday nya. Mabibigyan ko sya ng regalo, damit siguro o bagong relos, tapos mababati ko pa sya ng happy birthday tapos kiss. Sasamahan ko syang magsimba at kakain kami pagtapos. Hay, taon-taon ko na tong nasasabi, kung pwede lang na umuwi ako para sa birthday nya eh di ginawa ko. Sana pala sumama ako kay Bruno Mars, nasa Pinas sya ngayon eh.
Ayan, birthday na ni mahal. Happy Birthday mahal ko! Isang birthday sign para sa’yo. Intayin mo na lang ung card na pinadala ko ha. At saka may ano pa. Basta, secret. Hehe. I Love You! Happy happy Birthday mahal. :)

Yan ang lang nasa isip ko habang nagmamaneho kanina, papasok ng trabaho. Pero naisip ko, hindi naman ako kasing-sama nung nasa show. Hindi ko pa oras mamatay.
Nasa harapan ko ang isang construction truck (see attached image) kanina. Dun nagsimula ang pagiisip ko na paano kung biglang maluwang lang pala ang pagkakalagay ng locks dun sa, hmm, kung ano mang tawag dyan. Tapos eh magsslide ito papunta sa akin. Tumingin ako sa kaliwa ko, may sasakyan. Trapped ako, wala akong ibang mapupuntahan. Nung nagstop dahil nakared ung stoplight, naisip ko kaagad na iiwanan ko na lang na umaandar ang sasakyan ko, at mabilisang tatanggalin ko ung seatbelt sabay alis ng sasakyan. Wala nang oras para kunin pa ang bag ko. Basta ang importante, buhay ako.
Dahil na din sa takot kong baka magslide nga ung, kung ano man yan, sinigurado kong malayo ang distansya ko dun sa truck. Mahirap na, baka biglang umatras eh mabangga ako. Buti na lang country music ang pinapatugtog ko, napakalma pa ako ng kahit papano.
Alam kong morbid ang iniisip ko, pero matapos kong mapanood ung 1000 ways to die, dun ko nalaman na posibleng kahit ung simple pagkain lang ng marshmallow eh pwede mong ikamatay. Nagiingat lang talaga siguro ako. At paranoid na din.
Buhay pa naman ako. Halos pareho kami ng binaybay nung truck kaya naman nung nakapagpark na ako, saka lang ako nakahinga ng maluwang. Note to self: hindi na ako magpapalate bukas. Isasama ko na din ang mga construction trucks sa mga dapat iwasan, kasama ang school bus at PUB.