Cars 2

Posted movie buff

Aminado akong hindi ko napanood sa sinehan ang Cars at Wall-E. Hindi ko lang feel ung previews, feeling ko hindi ko magugustuhan. Mali pala ako. Mali ako dahil Wall-E ngayon ang isa sa sasabihin kong paborito kong pelikula. Naaliw din ako sa Cars na ilang beses ko ding pinanood. Simula noon, naging fan na ako ng Pixar at pinangakong papanoorin ko lahat ng pelikulang ipapalabas nito.

Kaya naman kanina, 11:05am showing, nanood kami ng mga kapatid ko ng Cars 2.

Nakakatuwa dahil panay bata talaga ang mga kasama namin sa sinehan. Hindi na ako nahiya dahil pang-ilang animated film na naman ito na napanood namin. All in all, natuwa ako sa movie. Para sa akin, maganda ang Cars 2. Alam kong hindi lahat eh sasang-ayon sa opinyon ko.

Bago pa man kami manood ng Cars 2, alam na namin ng kapatid ko na mababa ang rating nito sa Rotten Tomatoes. Marami ang hater ng pelikula. May iilan na natuwa naman pero nakulangan. Mabibilang mo lang ang magrerekomenda na panoorin ito. At isa na ako sa mga un. Uunahan na kita, pambatang movie ang Cars 2. Hindi sya katulad ng Wall-E, Up at Toy Story 3 na emotional. Naiyak ako sa tatlong movie na yan, pero sa Cars 2, masaya akong lumabas ng sinehan. Pati mga kapatid ko eh nagulat. Unang Pixar movie daw na hindi ako naiyak. Mas mageenjoy ang mga bata dahil sa mga kotse na nagsasalita at sa racing scenes. Hindi ako big action fan pero natuwa naman ako sa action scenes sa movie. Ung spy car na may gadgets, chase scenes at ang mga cute na kotse sa Japan! Hehe. Graphics wise, wala na akong masasabi pa sa Pixar. Forte na nila yan. Sayang nga lang at hindi 3D ang napanood namin, malamang mas maganda ang labas ng pelikula.

May reputasyon na ang Pixar na hindi lang pambatang movie kundi para na din sa mga matatanda. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung kelan naman naging pambata na ulit ang cartoons, eh saka naman ito hindi nagustuhan ng karamihan. Kahit ung mga kapatid ko eh parang ayos lang daw. Malamang nga hindi sya talaga kasing ganda ng Toy Story 3 o Finding Nemo, pero mas maganda pa din naman ito kumpara dun sa ibang animation na napanood ko na. Siguro ang point ko lang eh, sana naman hindi masyadong maging technical ang mga kritiko. Chill lang, tipong i-enjoy lang sana nila ang pelikula. Well, trabaho nga naman nila yan, wala akong magagawa. Hehe.

Basta para sa akin, maganda ang pagkakagawa ng Cars 2. Kwento, script, characters at graphics. Sana nga kasama kong nanood ung pamangkin ni Arvin, paborito nya kasi Cars. Malamang natuwa din un. :)

PS.
May isa pa nga pala akong Pixar film na hindi pa napapanood, ung Ratatouille. Makabili na nga ng DVD.

nine minutes after 10

Posted blabbers

Hindi ko alam kung ano ang isusulat ko ngayon, basta gusto ko lang magpost.

Alas-dyes na ng gabi, iniisip ko kung matutulog na ba ako o hihintayin ko munang magising si Arvin. Iintayin ko na lang siguro. Pwede pa naman ako hanggang alas-onse. Nagbackread din ako dito sa blog, umabot ako hanggang page 15. Nakakatuwang basahin ung mga entry ko. Sabi nga nila, “love your own”. Minsan nagugulat pa din ako na sa akin galing ung mga salitang un. Ung mga kwento. Salamat talaga sa blogging. May outlet ako.

Sugarfree, Kandila ang kanta. Ang lungkot. “Brownout sa aking mundo”. Ang sakit sa puso. Nakikikanta pa kapatid ko. Wow.

Kung ikukumpara ang nararamdaman ko ngayon sa mga nakaraang araw, mas ok na ako. Wala na ung mabigat na pakiramdam na bumabagabag sa akin. Nakakahinga na ako ng maluwang. Sana ganito parati. Pero minsan, bumabalik pa din ung pakiramdaman na wala lang. Walang gana. Na parang itinatago ko ang sarili ko sa mundo. Hindi ko na nakakausap ung mga taong dati’y itinuturing kong kaibigan. Ewan ko kung anung nangyari sa amin, sa akin. May kasalanan ba ako? Ewan. Sana wala.

Tapos nang kumanta Sugarfree, si Alicia Keys naman nagyon. Pero hindi ko feel ung kanta. Next. Sana pwede lang ding i-fast forward ang buhay ng tao. Ung tipong kapag alam mong makakaranas ka ng sakit, pwede mong pindutin na lang ang fast forward para wala ka na lang maramdaman. Alam kong mali iyon dahil paano ka matututo kung iiwasan mo ang bawat sakit na daraan sa buhay. Wala lang, parang ang cool lang kung ganun.

Hindi pa din nagtetext si Arvin, napasarap ng tulog ang mahal ko. :)

Nakakamiss magpost ng ganitong random. Siguro’y hindi naman ako iniwan talaga ng muse ko. Hindi ako nawalan ng inspirasyon. Natakot lang ako sa mga pwedeng makabasa ng mga isinusulat ko. Kailangan kong tanggalin ang pagiisip ng kung anung iisip ng ibang tao. Kailangan kong magsulat ulit para sa sarili ko.

tatlong taon

Posted inlove, ldr

Box: How long have you guys been together?
Garrett: Four months.
Dan: That’s a very long time.
Box: Okay. Four months, all right? So now, in this four months, how many times do you think you’ve spent together, like in the same city? Physically.
G: Uh, I don’t know.
B: Forty days?
G: yeah. Forty days.
B. Tops. Yeah?
G: Sure, that sounds about right.

Dahil wala akong makitang Going the Distance quote, pinanood ko ulit ung movie para lang makuha ang paguusap na yan. Ito ung scene na kausap ni Garrett ung dalawa nyang kaibigang lalake. Pinagsasabihan sya na mag-ingat dahil mahirap ang long distance relationship. Malaki ang posibilidad na hindi ito magtagal dahil sa layo sa isa’t-isa. Alam ko kung ano ang ibig nilang sabihin.

Magtatatlong taon na kami ni Arvin sa June 14. Ito na ang pinakamatagal kong relasyon, at ito na sana ang huli. Hindi biro ang makaabot ng tatlong taon lalo na kung every other year lang kami kung magkita. 34 days. Sa loob ng tatlong taon, lagpas isang buwan lang talaga ung nagkasama kami ni Arvin ng personal, ung hindi problema ang time zone at kabagalan ng internet connection. Napakakonting panahon lang iyon kung iisipin pero napunan naman ito ng araw-araw na paguusap sa telepono at online. Kahit ung mga kaibigan ko sa trabaho ay tinatanong ako kung paano kung daw ba ito nagagawa. Mahal ko kasi talaga si Arvin kaya kinakaya ko ang distansya. Kinakaya ko, namin, para sa aming dalawa.

Box: Now, look, I have done the long distance thing. And it is hard. As hell. And it doesn’t matter how good the relationship is, it literally can just rip it apart. Look, it is just very hard to be away from the person you love for months at a time.
Garrett: I know. I know it’s not gonna be easy.
Box: That’s all I’m sayin’.
Dan: But maybe YOU never found the right girl.
Garrett: That’s not a bad point.

Alam mo ung saya na ibinibigay ni Arvin sa akin, ung simpleng text message o kaya’y korny na joke na binibitaw nya? Mga simpleng bagay na ginagawa nya para iparamdam na mahalaga ako sa kanya. Ung sabay naming panonood ng pelikula, ilang oras na video chat kapag mabilis ang internet nya. Ung kilig na nararamdaman ko sa tuwing sinusurpresa nya ako. Ung alam kong andyan lang sya, isang text lang, handang magcomfort sa akin.Lahat ng yan ang mga dahilan kung bakit balewala ang layo at pagkakaiba ng oras. Minsa’y nalulungkot ako dahil sa pagkamiss sa kanya, pero makausap at marinig ko lang ang boses, ok na. Nagiging madali dahil sa kanya. Swerte.

I guess I found the right guy. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.