Kakarenew ko lang nitong kundiman kaya naisipan kong magpost naman dito. Happy 3rd Birthday na sa blog namin ni Arvin. :)
Interview ko kanina, alas-dyes ng umaga. Alam kong ready ako eh, nagprint pa ako ng resume, pinagaralan ang background nung company, nagbasa sa mga forums ng mga kung anug pwedeng tanungin sa akin. Ready ako, ang aga ko pa ngang nagising para lang hindi nagmamadali. 30 minutes bago magalas-dyes, umalis na kami ng bahay.
Akala ko ready ako. Habang naghihintay sa lobby, hindi ako makapagfocus sa panonood ng tv. Ung last space shuttle launch pa naman ang palabas. Maaga ako, kaya naman ilang minuto pa akong naghintay bago dumating ung unang magiinterview. Una dahil tatlong tao ang magiinterview sa akin. Medyo lagpas na ng alas-dyes, ayun, may lumapit na sa akin. Firm hand shake at eye contact sabi ng kapatid ko. Tama naman ata ang ginawa ko.
Unang interview, ok. Babae ang interviewer, naging maayos ang paguusap namin. Strengths, weakness. Situational ang mga tanong. Pakiramdam ko, nagustuhan naman nya ang mga naisagot ko dahil panay ang pagtango nya habang nagsusulat. 30 minutes ang nakalipas, umalis sya ng kwarto. Ilang minuto pa’y lalake naman ang pumasok sa loob ng kwarto. Second interview, walang pahi-pahinga.
Dito na nagunaw ang mundo ko. Kung hindi man ako matanggap sa trabahong inapplayan ko eh walang ibang pwedeng sisihin kundi ako lang. Napakasimple. Hanggang ngayong sinusulat ko itong entry, dapat iba ang ginawa ko. Panay “I’m sorry” at long pauses ang naisagot ko. Ilang minuto din akong tumitig lang sa white board, hawak ang marker na hindi alam ang gagawin. Sumuko na ako bandang huli, sabi sa akin ay ok lang saka ako pinaupo. Alam kong hindi ok. Hindi ako ok. Matapos un ay pinilit kong bumawi. Feeling ko huli na ang lahat. Kinamayan nya ako’t sinabing maghintay lang at tatawagin nya ung huling magiinterview.
Pangatlong interview, mas masama pa. Feeling ko nadapa lang ako nung 2nd interview pero ngayong pangatlo, hindi na ako makabangon. Nagkasubuan na. Buti at mabait ung interviewer para lang akong bumalik sa eskwela. Nagexplain sya, nakinig ako. Parang graded recitation lang. Nung matapos ang interview, tinanong ko sya kung nagfail ba interview ko. Hindi naman daw. Hindi gumaan ang pakiramdam ko. Inescort nya ako palabas, nun ko na gustong umiyak.
Ang sama sa pakiramdam. Pero tanggap ko na kung hindi ko makukuha ung trabaho. Charge to experience na lang kumbaga. Sobrang epic fail. Noon lang ako nakaramdam ng sobrang panghihinayang. Nakausap ko ang nanay ko, at sabi nya hindi pa daw ukol. Akala ko ready na ako, akala ko ito na. Pero tama nga siguro nanay ko. Hindi pa panahon.