Anung Pinakamagandang Unlimited Mobile Internet Plan?

Posted almost a year ago BridgeTheGap, gadget and stuff

Level up na ako ngayon dahil unlimited internet naman ang titignan ko kung saan ang the best na option. Tatlong mobile carriers lang naman ang pagpipilian, Smart Communications, Globe Philippines o Sun Cellular. Ang hinahanap ko kasi na plan e yung SIM-only, at yung maiksi lang o walang lock-in period. Ang plano ko kasi e bumili ng open-line na Android smartphone ‘tas mag-aapply ng postpaid plan para sa internet.

Depende na sa iyo kung gusto mo ng free o discounted na phone na kasama ng plan, pero may lock-in period na dalawang taon at nakalock pa ang phone sa network.

Sun Cellular’s Call and Surf Plan [source]

 

Plan 799. Unlimited internet.
Plan 999. Unlimited internet. Sun Call and Text Unlimited.

Para sa line-only application, kelangan lang ay isang valid ID, 1 month subscripton fee at 1 month deposit. Bale P1,598 ang babayaran upfront kung Plan 799 at P1,998 naman kung Plan 999. Yung dineposit ay makukuha kapag tinerminate na ang account, sabi nung nakausap kong agent.

Ito ang pinakamurang choice at P799/month, pero hindi ako confident sa nationwide 3G coverage ng Sun. Sa campus nga namin sa UP Diliman e sobrang hina ng GSM signal, pa’no pa kaya kung 3G. At based sa experience ko sa Sun Broadband e alam kong throttled ang internet speed nila. Mabilis sa first 200MB, ‘tas capped na sa 30kbps ang speed mo for the rest of the day. Yung upto 2mbps e mararamdaman mo lang around 1:00 AM – 6:00 AM.

Ilang beses sa isang araw ka lang naman mag-iinternet sa phone kaya dapat e mabilis naman ‘di ba?

Globe’s My SuperSurf Plan [source]

 

Plan 999. Unlimited internet. 1 Freebie.
Plan 1,799. Unlimited internet. P800 Consumable. 3 Freebies.
Plan 2,499. Unlimited internet. P1,500 Consumable. 5 Freebies.

Freebies:

  • 10 min. call and 200 SMS to Globe/TM.
  • 5 min. call and 25 SMS to other networks.
  • 20 min. IDD call and 10 International SMS.
  • My Super One. Unlimited call and SMS to one Globe/TM number.

Addons:

  • P175. Super One. Unlimited call and SMS to one Globe/TM number.
  • P349. Super TXT. Unlimited SMS to any Globe/TM number.
  • P450. DUO. Unlimited calls to DUO/SUPERDUO numbers, Globe Landline nationwide and selected landlines in DUO registered areas.
  • P599. Super DUO. 2-in-1 landline and mobile service that allows unlimited calls to Globe/TM, DUO/SUPERDUO numbers, Globe Landline nationwide and selected landlines in DUO registered areas.
  • P599. Super TXT ALL. Unlimited SMS to any network.
  • P599. Super UNLI.  Unlimited call and SMS to any Globe/TM number.

O ha, parang andaming choices. Pero kung basic na plan, ok na yung Plan 999 ‘tas 10 min. call at 200 SMS to Globe/TM.

Medyo magulo yung nakausap ko tungkol sa application requirements pero sabi niya ay ang kailangan ay 2 valid ID’s kapag line-only application. 1 month subscription fee at 1 month advance. Wala nga palang lock-in period ‘to, kaya pede iterminate agad-agad.

Tinanong ko yung agent nila kung capped ang internet nito pero sabi niya e hindi naman. Ewan ko lang kung baka throttled naman na parang sa Sun lol :P

SMART’s UnliSurf [source]

 

Plan 1,200. 1 month unlimited internet. *SIM not included.

Sa SMART lang ang option na hindi plan kundi isang monthly subscription service ang unlimited internet, kaya pwede either postpaid o prepaid ang SIM mo. Ito lang din ang walang kasamang kahit na anong freebies. Korny ‘di ba, e kitang ito nga ang pinakamahal. Hindi ko rin makausap ang rep ng SMART kaya ‘di ko matanong kung solid 30 days lang ‘tong service, kasi pa’no naman yung mga may 31st day? Ewan.

Pero tama ba na isipin na mas reliable ang 3G ng SMART kasi mas mahal?

SMART’s Always On Plan [source]

 

Plan 300. 250MB for 30 days.
Plan 500. 500MB for 30 days.
Plan 750. 1GB for 30 days.
Plan 995. 2GB for 30 days.

Ito medyo bago, 30-day subscription service ulit from SMART. Ok ‘to kung nagiinternet ka lang sa phone para magupdate ng accounts at hinde ka masyado nagcoconsume ng bandwidth. Maganda kung icheck mo muna kung gano kalaki ang data usage mo sa isang buwan bago ka gumamit nito.

Ako kasi e plano ko gumamit ng internet video calling kaya malamang e ubos kagad ang data allotment kung 2GB lang isang buwan. At kung magbabayad ako man ako ng P995/month e magdadagdag ka lang ng 200 e unlimited na yun.

Pero kung mag-uupdate ka lang naman ng mga social services, check mo yung option na Gold Lite Plan na P300 ‘tas P299 Surf n’ Mail para sa unlimited Push Email (additional processing to increase credit limit on Gold lite plan). Check mo na rin yung post ko about Sending and Receiving Email via SMS/MMS in the Philippines.

Pero ok ‘to kung monitored mo naman ang internet usage mo, magagamit mo pa yung mga apps sa phone mo.

Sa tingin ko…

 

Ewan, wala na akong tiwala sa mga mobile broadband na ‘yan lol. Unang dapat iconsider mo e yung location kung saan mo gagamitin ang phone mo. Search mo na lang muna sa iba’t ibang forums ang experiences ng ibang users para macheck kung anong service ang may magandang signal strength. Dun lang naman nagkakatalo e, wala na sa price o package. Pa’no kung mura nga pero ala namang signal ‘di ba.

‘Pag based sa price naman at package, kahit na naging Sun Cellular advocate dahil sa walang kapares na murang SMS services nila, pagdating sa broadband naman ay hindi ako masyadong bilib. Sobrang pangit naman kasi na throttled yung speed ng internet. Sayang lang.

Gusto kong itry ang Globe SuperSurf. Gusto. Yun na lang kasi yung hindi ko pa nasusubukan na ISP. Sabi naman nung agent nila ay hindi capped ang internet kaya alang kaso. Ok na rin yung P999/month ‘tas may free 200 SMS ‘to Globe/TM. Onga pala, nakalagay sa site nila na hanggang August 31, 2011 lang itong promo na ito. Weird.

Sa SMART naman, hmmmm, magtatanong pa ako sa agents nila tungkol sa subscription ng UnliSurf. Kung bakit kasi hindi na lang nila ginawang Plan ‘to e, mas ok kasi kesa magreregister ka pa every month, e ‘tas feeling ko e talagang 30 days sakto ang subscription. Hindi pa nilibre yung isang araw para sa ibang buwan. May nababasa din ako na tweets na parang mahirap daw magregister, o ‘pag nagregister e hindi pa kaagad naaactivate.

Kaya rin gusto ko na alang lock-in period dahil hindi ka talaga makakasiguro sa kung ano talaga ang pinakamagandang mobile internet service. Kaya kung alang kwenta ang isa, edi pwedeng iterminate kagad ‘tas itatry mo na yung iba. Lalong mas asar kung pangit na nga yung serbisyo, ‘tas stuck ka pa sa kanila ng dalawang taon.

Ang Bridge the Gap series ay pagtatalakay sa mga paraang ginagawa namin ni karmi para mapunan ang layo sa pagitan naming dalawa. Sundan ang serye na ito upang makakuha ng mga tips at ideya sa mga pwedeng gawin upang mabasawasan ang hirap ng pagkakawalay sa minamahal.

2 Responses to “ Anung Pinakamagandang Unlimited Mobile Internet Plan? ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.