You say good morning
When it’s midnight
Going out of my head
Alone in this bed
I wake up to your sunset
And it’s driving me mad
I miss you so bad
Nakarepeat ngayon itong kanta ng Simple Plan sa iTunes ko. TANGINA THIS ang drama ko ngayon dahil sobrang sapul ung kanta. Lalo ko tuloy namiss si Arvin.
Kailangan ko lang ilabas ito ngayon at baka sumabog ako kapag matagal kong itinago. Lumalabas na naman ang insecurities ko sa katawan. Ang hirap aminin, lalong mahirap na isulat ito ngayon na alam kong mababasa ng mga tao. Lately kasi, kung anu-ano ang napapanaginipan ko. Katulad nga ng na-status ko sa FB, pilit akong hinahabol ngĀ nakaraan at natatakot ako sa hinaharap. Kung saan man galing ang uncertainties na nararamdaman ko eh ewan ko. Leche lang. Natatakot talaga ako.
Ilang beses ko nang nabasa na paano mo nga naman maeenjoy ang kasalukuyan kung inaalala mo ang nakaraan at hinaharap? Tama sila eh, pero hindi ko mapigilan ang magalala at magisip. Paranoid. Kailangan ko lang atang magpakabusy at simulang mahalin muli ang sarili ko. Sa sobrang pagkakumportable kasi, natetake for granted ko na ang sarili ko. Hindi maganda. Paano nga naman ako mamahalin ng ibang tao kung sarili ko eh hindi ko man lang maappreciate. Gusto kong bumalik ung dating ako, ung minahal nya.
Sisimulan ko ngayon, goodluck sa akin. Sana magawa ko. Sana hindi na ako makapanaginip ng kung anu-ano. Hindi nakakatulong eh. Pipilitin ko na ding magsulat ulit. Para may outlet. Para gumaan ang pakiramdam ko. Ayokong mawala ang ngayon ko dahil lang sa pagiging paranoid ko sa pagaalala sa hinaharap. Mas hindi ko ata kakayanin un.





kaya mo yan tol
salamat tol :) *Hugs*
Hala anu yan:*
jet lag lang yan hehe makakabawi din.
:) tama!! ^_^ salamat juvil :)