Karmi at Komski

Kwadrado

Ang kundiman[dot]net ay blog nang dalawang taong kahit nasa magkabilang dulo ng mundo’y magkasama pa rin. Sila ay sina komski at karmi, Arvin at Carme. Grabe, parang tag lang sa wedding souvenir,  hehe.

Si karmi ay isang senior blogger na halos sampung taon nang nanggugulo sa mundo ng worldwideweb simula noong taong 2000. Isa syang IT graduate sa PUP na nakapagtrabaho na bilang isang document analyst, call center agent, retail store employee at ngayo’y isang computer operations analyst na nakikigamit ng internet sa ospital.

“Pwedeng paupdate po ng link?” naging madalas na mensahe nya ito sa mga kapwa blogger dahil sa palipat-lipat sya ng blog. May pagkakataon pa ngang nagkaroon sya ng tatlong blog sa loob lamang ng isang taon. Ang mga kwento nya’y kadalasang tungkol sa mga lalakeng minahal, mahal at mamahalin pa lang nya. Isang sleep-deprived emokid dahil laging kulang sa tulog at madrama. [more]

Si komski ay isang probinsyanong nag-aaral sa isang pampublikong unibersidad sa quezon city nang magsimulang magblog. Halos limang taon na rin ang nakalipas mula nang isulat niya ang kanyang unang entry, at ngayo’y tila bang naka-blogleave na ewan dahil masyadong busy sa kanyang magulong ‘di mawari kung ano ba talaga ang plano niya sa buhay.

Siguro’y maaalala siya dahil sa pinauso niyang kowts box na pwedeng ilagay sa sariling blog, mapa-love kowts pa ito, bible verses, at ang uber mabentang Bob Ong kowts. Sa mga kaibigan naman niya online ay siguradong nakilala siya bilang isang malaromantiko blogger na nagsusulat ng mga tagalog na tula’t mga maiigsing kwento na puro tungkol sa mga kursonada niyang babae. [more]

Sina karmi at komski, isang nasa Amerika at isang nasa ‘Pinas na katumbas ay 8,400 milya ang layo sa pagitan nilang dalawa, ay nakapagsasama sa blog na ito  sa kundiman[dot]net na binuo nuong Hulyo taong 2008 kung saan mababasa ang lahat ng kanilang mga sinulat bago pa sila nagkakilala, hanggang sa maging matalik na magkaibigan, at simula nang nagkatuluyan ay kung anu-ano nang ka-switan at kalokohan ang pinaggagagawa tulad ng pagkata’t pagsayaw at pagkukulitan online.

Pero bakit nga ba kundiman[dot]net? Wala lang. Nag-isip kasi sila dati ng tagalog na word, na maigsi. Hindi korny tulad karmski[dot]net, o ala namang dating tulad ng fourteen[dot]net, at higit sa lahat, available! ‘Di tulad ng cuida[dot]net. At siyempre, pareho nilang gusto yung kanta.

Kundiman
Silent Sanctuary

Para kang asukal, sintamis mong magmahal. Para kang pintura, buhay ko ikaw ang nagpinta. Para kang unan, pinapainit mo ang aking tiyan. Para kang kumot na yumayakap sa tuwing ako’y nalulungkot.

Kaya’t ‘wag magtataka kung bakit ayaw kitang mawala.

Kung hindi man tayo hanggang dulo ‘wag mong kalimutan. Nandito lang ako laging umaalalay. ‘Di ako lalayo dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw.

‘Di baleng maghapon umulan basta’t ikaw ang sasandalan. Liwanag ng lumulubog na araw kay sarap pagmasdan. Lalo na ‘pag nasisinagan ang iyong mukha. Hinding-hindi magsasawa. Ayoko nang magsawa.

Kaya’t ‘wag magtataka kung bakit ayaw kitang mawala.

Kung hindi man tayo hanggang dulo ‘wag mong kalimutan. Nandito lang ako laging umaalalay. ‘Di ako lalayo dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw.

Bahala na, ayoko muna magsalita. Hayaan na muna natin ang hatol ng tadhana.

Sina komski at karmi ng kundiman[dot]net, sundan ang kanilang kwento ng pag-iibigan na hahamakin ang oras at layo, hanggang sa makasama na nga nila ang isa’t isa habambuhay.

5 Responses to “ Karmi at Komski ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.