Aking Mundo

July 2008. Sa loob ng apat na taon ay nagbago-bago na rin ang aking mga sinusulat. Nung una’y ikinukwento ko ang mga nangyayari sa aking araw, sa iskul, sa klase, sa biyahe. Kasi naman, unang sabak ko sa kolehiyo at buhay Maynila. Iba ang karanasan, nakakapanibago.

Isang blog naman sa tabulas ang nakapagpasulat sa akin ng isang tula. Ewan, nuong una’y dahil lang sa wala akong magawa kaya ako nagsusulat, wala ngang sense yung mga sinusulat ko. Ngunit nung lumaon ay naihabi ko ang aking sariling buhay at mga karanasan sa aking mga tula. Nasanay na akong isingit sa mga taludtod at mga tugma ang aking mga nararamdam, ang poot at saya, lungkot at ligaya, ang paghanga at pagdusta, ang mga luha at tuwa, ang galit at sakit, at kung anu-ano pang mga drama.

Sobrang gusto ko ang aking mga tula.

Sunod ay hindi ko naman namalayan na nagsimula na rin akong magsulat ng mga kwento, sa paraan kung saan parang naka-speaker mode ang utak ng tauhan habang kinakausap ang sarili. Hanggang ngayon, ganun ko pa rin sinusulat yung mga kwento ko. Minsan kathang-isip lang, minsan totoo, madalas halo.

Mapapansing naging tema ko ang aking mga crush. Ang paghanga sa kanila ang aking naging inspirasyon.

Isa sa mga nakapagpaimpluwensya sa aking magsulat ng mga kwento ay ang isang serye ng manga, ang Salad Days, na dati ay pinadownload sa akin ang lahat ng volumes ni Tina. Bawat volume nito ay naglalaman ng tatlo o apat na mga maiigsing kwento ng pagsisimula ng pag-ibig at pagkakagusto ng dalawang tao. Mapamasaya’t malungkot, madrama o maaksyon, isinalaysay nito ang mga oras kung saan ang tibok ng puso’y nasa rurok, at ang isipa’y tuliro. Masarap magsulat ukol sa ganitong nararamdaman, ng sa humahanga’t nagmamahal.

Nag-iba ang lahat ng ito nang ang aking mga isinusulat ay naging isa sa mga mabibigat na dahilan ng pagkasira ng aking unang relasyon. Kaya’t natigil ang mga tula, ang mga tugma, at mga kwentong puno ng namumulaklak na mga salita. Bumalik ako sa blog na tungkol sa aking pang araw-araw na buhay.

Pero nasasayangan ako din ako kahit papano. Gusto ko ulit magsulat gaya ng dati. Sinusubukan ko pa rin, kahit paunti-unti. Pero masasabi kong mas madaling mapagalaw ang pluma sa mga pagkakataong mabigat ang nadarama. Mas madaling mapalabas ang mga salitang nagmumula sa isang malungkot na puso, kasabay ng mga luhang pumapatak mula sa mga mata.

Oo nga pala, hindi bababa sa apat— apat na babae ang humanga sa akin dahil sa aking pagsusulat… at isang lalake. Isa nga sa mga yun ang girlfriend ko ngayon. yung babae ha, hehehe:) Kaya nga hindi talaga swak magdrama, lalo na kung ganito ako kasaya sa kanya. Kaya nga puro kakornihan ang posts, pero sabi nila sweet daw:D

Anu nga kayang ang sunod kong isusulat pagkatapos nito?

GMail: arvncstro@gmail.com
YM: arvncstro
Google Talk: arvncstro
Skype: komski
Plugoo: Click to chat with me (if I’m online).

Twitter: twitter.com/rvn
Friendster: friendster.com/komski
Facebook: profile.to/komski
Multiply: komski.multiply.com
TinyAlbum: tinyalbum.com/user/arvin
MyBlogLog: mybloglog.com/buzz/members/komski
YouTube channel: youtube.com/profile?user=komski2
Imeem: komski.imeem.com
Del.icio.us: del.icio.us/komski
StumbleUpon: komski.stumbleupon.com
Blogger: blogger.com/profile/11287682119543574038
Technorati: technorati.com/people/technorati/komski
Shelfari: shelfari.com/rvn
Y! Answers: answers.yahoo.com/user/arvncstro

Kode.Dr.ag/on: kode.dr.ag/on Komski kowts: komski.awardspace.com/quotes
Awardspace: komski.awardspace.com
Tabulas: cornyscience.tabulas.com

One Response to “ Aking Mundo ”

  • maenoodle says:

    teka. babae ako.. gawin mo ng lima ang bilang hehe! at kung un sa tabulas ang una mong blog eh aba nabasa ko un lahat oha. sobrang gusto ko nga mga tula mo at mga kwento. may net na din ako ngaun d2 sa bahay kaso weekends lang din online, nag-aadik pa sa pt waha. di ko tuloy kayo madalaw mashado d2. hai garabe ang sweetness dito! daig nio pa magjowang magkasama. kakilig!

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.