| |
Kakacheck ko lang sa website ng PCSO dahil gusto kong malaman kung magkano na ang jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. Under construction pa ung website na sabi nga ni Arvin eh naglilipat daw sila ng servers. Kapag nga binisita mo ung Search Lotto Results page, HTML code ang lalabas, hindi ko lang alam kung may DB info ba dun sa code, hindi ko na din kasi binasa masyado. Dahil hindi ko nakita ang hinahanap ko, nagrelay na lang ako sa Google searches, at un nga, salamat sa ABS-CBNNews.com, nalaman kong 685M na pala ang jackpot. Six hundred eighty-five million pesos. Holy cow!
Masyadong malaking pera na ang pinaguusapan kaya hinayaan ko na lang na Google ang magconvert ng 685M Php to Dollar, at heto ang total na lumabas — $15,585,873.5000. Ganyan kalaki, may dalawa pang extrang zero. Anakng. Napakalaking pera nyan. Fifteen Million Dollars, pwede ko nang mabayaran ung bahay namin ng buo saka ung tatlong sasakyan namin. Mababayaran ko na din ang lahat ng utang ko sa credit card, pati na ng mg kapatid at magulang ko. Ako na din ang aako ng magbayad ng student loan ng dalawa kong kapatid na lalake. Mapagaaral ko na din ang kapatid kong babae kahit saan nya gustong magaral, ipasa muna nya ang entrance exam. Hindi ko na pagtatrabahuhin ang mga magulang ko. Kung gusto man nilang pumunta ng Pilipinas, ibibili ko sila ng condo na pagtitirhan nila. Bibigyan ko din ng porsiyento ung mga kamag-anak ko. Kapag tapos na ang lahat ng bayarin ng pamilya ko, pwede na siguro akong magasawa. Hehe.
Iintayin kong makapunta dito sa Amerika si Arvin para matuloy na ung cafe na pinaplano namin. Cafe na may bakery at mini bookstore. Tas may music room pang kasama para may mga banda na pwedeng tumugtog. Tapos mamamasyal kaming dalawa kung saan-saan. Syempre, pupuntahan pa din namin ang La Mesa EcoPark at saka Enchanted Kingdom. Bibili ako ng Facebook stocks. At saka Google. Magda-dance class na ako, tas magtuturo ako. Magdodonate ako sa Philippine Red Cross at Bantay Bata 163. Magbibigay din ako sa St. Joseph’s Parish. Makakapanood na ako, kasama si Arvin ng play sa New York. Siguro winter kami pupunta dun para may snow. Ipapasyal ko din ung mga magulang ko, kahit saan nila gustong pumunta. Mago-out of town kami ng mga kaibigan ko. Pupunta ako ng Japan.
Napakalaking halaga talaga ng 685M dahil kahit pati ako eh hindi na makaisip ng pwede ko pang gawin. Malamang sa malamang mao-overwhelm ako kapag nanalo ako ng ganyang kalaki. Hindi ako makakausap ng isang buong araw at mahihimas-masan na lang kapag may naghampas na sa akin ng pera katulad ni Mr. Krabbs. Napakaswerte ng kung sino man ang makakakuha ng jackpot. Sobrang swerte. Kaya naman pagtapos kong gawin nitong entry, magiisip na ako ng numero at ipapataya ko na kay Arvin. Tapos magnonovena ako at ipagdarasal na sana-sana manalo. Magpapakabait na din ako, kung makakatulong man un.
Galit na ata sa akin ang Google.
Kanina pang umaga, hindi na kami makapagvoice chat ni Arvin sa Google Talk. Ang problema, hindi nya ako nakikita. Naririnig ko naman sya, nakikita ko din, pero di nya naman maview ang webcam ko. Black screen lang daw ang lumalabas. Naka-ilang troubleshoot na din kami, pero ganun pa din. Napilitan tuloy kaming mag-Yahoo! Video Call.
Dumaan ang araw, natulog si Arvin, nagpratice naman ako ng sayaw. Nakalimutan na naming pareho ang naging problema sa GChat. Pagkauwi ko ng bahay, sinubukan ulit namin ni Arvin. Ganun pa din. Black screen pa din ang lumalabas.

Hindi ko alam kung bakit at paano. Nagrestart kami pareho ng browser, nire-install ang Google Talk Plugin pati na rin ang Flash pero walang gumana. Pati si Kuya Ricky eh ginulo ko na din. Pinasubukan ko sa kanya ang Google Talk, pero ganun pa din. Ok ang voice at webcam sa side ko, pero hindi nya ako makita. Adik lang. Hindi ko talaga alam kung bakit ginagawa ng Google sa akin ito. I love Google! Pero bakit?! :(
At ito pa ha, sinubukan kong gamitin ang Google Talk account ni Arvin at voila, gumana ng maayos ang video chat. Nakikita na nya ako. Ok, totoo ngang galit na sa akin ang Google! Account ko na mismo ang may problema na hindi ko alam kung may solusyon pa ba. Well sana meron. Magoopen na sana ako ng ticket sa Support ng Google, pero may dalawang tao na din pala ang naka-experience nito. Ginatungan ko na lang ung hinaing nila. Wish ko lang eh may sumagot na nito.
Kaya sa ngayon, gamit ko muna ang account ni Arvin para lang makapagvoice chat kami. Kung hindi pa din maayos ang problema, mapipilitan ata akong gumawa ng panibagong Gmail account na ayoko namang gawin. Weird lang talaga. Hay, kung may nagawa man akong kasalanan sa’yo Google, sorry na please.
Nahihilo ako Dad. Sabay na lang ako sa inyo umuwi.
Huh? Hindi ka magmamaneho. Ganito, umuwi ka na ngayon tapos ipapakuha na lang natin sa kapatid mo ung sasakyan mo.
Kaya ko naman pong magdrive, gusto ko lang ng may kasama.
Baka hindi mo kaya. Sandali lang, tatawagan ko ang nanay mo.
Nung Miyerkules, mas naging mahalaga pa ang kotse ko kesa sa aking nararamdaman. May disadvantages din pala ang pagmamaneho, paano na lang kung magkasakit ka’t di mo na kayang magdrive, paano ka uuwi. Iiwanan mo ba ang iyong sasakyan magdamag? Ayoko. Kaya ko naman sigurong magmaneho, kakayanin ko, wag lang matuloy ang balak ng tatay ko. Ilang minuto pa ang lumipas, narinig ata ni Papa God ang dasal ko, saktong dumating na ang kapatid ko galing eskwela. Nagbus na lang sya, kasama ang nanay ko papunta ng ospital at dun na ako tinagpo. Sya na ang nagdrive papauwi.
Hindi ko alam kung anung nangyari sa akin. Nahilo, nanghina. Nagpaalam akong umuwi ng maaga sa trabaho dahil hindi na din naman ako makakapagconcentrate. Pinayagan naman ako, may pag-aalala pa nga sa mukha ng supervisor ko dahil ganun ako kabihirang magpaalam na umuwi ng maaga. Paguwi ng bahay, alas-dos ng hapon, natulog na ako. Nagigising sa tawag ng tatay at mga kapatid ko. Natulog ulit. Nagigising kapag nagtetext si Arvin, nakakapagreply pag tapos ay matutulog ulit. Alas-singko’y medya ng umaga, nagring ang telepono ko. Nagising ako sa tawag ni Arvin, bumangon na at kumain. Tinanong ako ng nanay ko kung kaya ko na bang pumasok. Pagtapos kong kumain, pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi ko pa kaya. Tumawag ako sa trabaho, nagpaalam na di papasok. Nahiga pagtapos ay natulog ulit. Sumatutal, halos kinse oras akong tulog.
4-day weekend ka ate ah.
3 1/2 lang.
Mahaba-habang bakasyon nga ako sa trabaho. Pero wala naman akong ibang nagawa kundi, natulog at kumain. Kaya ayoko nang nagkakasakit eh. Sayang ang araw. Pero at least alam kong normal pa ako, nagkakasakit pa din pala ako. Medyo nahihilo pa rin ako ngayon, pero wala na akong balak mahiga pa. Baka makatulog na naman ako, mahirap na.
Alam mo yung sa traysikel, yung bago ka pumasok sa loob e may maliit na tapakan ba sa may harap nung gulong ng sidecar. Yung maliit na tapakan.. yun nga, tama. Eh kasi… ang gawi ko, kapag malapit na sa bababaan. Yung gigilid na lang yung traysikel sa tabi ng kalsada kasi bababa ka na. Tipong iaabot mo na yung bayad mo sa pamasahe. Kapag ganun na kasi na malapit na ako bumaba, e nilalagay ko na yung kanang paa ko dun sa maliit na tapakan na yun. Inaapak ko na dun para pagkuha ng drayber nung bayad ko e tuloy baba na kagad ako, para mabilis ba.
E nung lunes… yung traysikel na sinakyan ko e wala nung maliit na tapakan na yun. Naisip mo na kung anung nangyari? Hinde pa rin? Eto pakita ko sa iyo…
![tumblr_lblhokQmne1qzq1o7o1_500[1] tumblr_lblhokQmne1qzq1o7o1_500[1]](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2010/11/tumblr_lblhokQmne1qzq1o7o1_5001.jpg)
Nung lunes, nung pababa na ako ng traysikel ay dahil na rin sa nakagawian na ay hinanap ng paa ko ang maliit na tapakan na iyon ngunit ang nahanap nito ay lupa. Kahit sabihin nating pabagal na ang traysikel para tumigil ay hindi pa ito tumitigil talaga. Sumama ang paa ko sa lupa, ngunit ang binti at katawan ko ay nakasakay pa rin sa traysikel. At sinasabi ko sa iyo, masakit kapag pabaliktad mo binaluktot ang talampakan.
Naimagine mo na naman siguro ang nangyari ano? Sinasabi ko sa iyo, dalawa lang ang naisip ko nang maramdaman ko hilahin ko ang paa ko mula sa ilalim ng traysikel; "Syet, nabali ang paa ko." at "Syet, parang sa youtube lang."
Eto ako.. isang linggo nag ala-zombie walk habang literal na nilalakad ang enrolment ko sa iskul. At kung kakilala mo ang enrolment sa iskul ko… Goodluck ‘di ba? Sana bukas e makalakad na ako ng maayos.
|
|