100810

Posted almost 2 years ago blabbers

David: have you seen what Christine drew?

Lumingon ako kung nasaan ang whiteboard namin. May drawing nga. Dalawang sasakyan, may truck at police.

Me: oh wow. Was that…

David: yup it is.

Dinrowing nya ung aksidenteng nangyari sa amin noong Biyernes. Bigla kong naramdaman ang pagsakit ng likod ko.

Naaksidente kami noong Biyernes, papunta kami ng training. Nagkukwentuhan kami, nagtatawanan. Isang normal na araw para sa amin. Nakita namin ung truck, nakapreno naman kami kaagad. Akala nami’y ok na, hindi pa pala.

Hindi nakapreno ung sasakyan namin sa likod. Tinamaan ang bumper ng sinasakyan namin. Hindi naman masyadong malakas ang impact pero naramdaman namin. Sumakit ang likod at ulo pero salamat naman at hindi naging grabe ang epekto. Ilang minuto pay nakausap na namin ung babaeng nakabangga’t nagfile na ng police report. Buti na lang dumating na kagad yung police. Naka-attend pa kami ng training ng araw na iyon. Late kami ng 30 minutes.

Ngayong tinitingnan ko ang drawing, naisip ko na buti walang nangyari sa aming masama. Ganon pala un pakiramdam na maaksidente, hindi maganda. Hanggang ngayo’y medyo masakit pa ang likod ko na ewan kung dahil dun sa aksidente o dahil malikot akong matulog. Alam kong medyo morbid isipin pero muntikan na akong mamatay ng araw na iyon. Buti na lang hindi. Mace-celebrate ko pa ang pang 26th birthday ko.

Mga crush ni arvin castro

Posted almost 2 years ago blabbers

Marami yun, hehehe. Lalo na nung high school at mga unang taon ko sa college. At kahit matagal na rin yun, e mababasa pa rin yung mga posts ko tungkol sa kanila na madami-dami rin. Andiyan lang yun, ‘di nga lang madaling makita, kahit na i-Google pa, hehe. Eto ang format:

http://kundiman.net/tag/firstname-lastname

Kaya kung ang pangalan ko e Arvin Castro, ang URL ay http://kundiman.net/tag/arvin-castro

walang maisip na title

Posted almost 2 years ago blabbers

Dahil sa isang FB status bigla akong nakaramdam ng inggit, pagtatampo. Ewan ko ba. Kasama na rin ang pagkalungkot. Akala ko I’m one of them, pero di pa rin pala.

Nakakamiss ang may social life. Namimiss ko na ung mga kaibigan ko sa Pinas, ung kasama ko sa paglabas-labas o kahit na tambay lang sa bahay at nagtsitsismisan. At dahil wala naman ako sa Pinas, why not maghanap ako ng bagong set of friends ko dito diba? Nakahanap naman ako, pero hindi pa rin talaga un katulad ng mga kabarkada ko. Minsan hindi pa din ako makarelate sa kanila. Siguro dahil na rin sa edad. Nasanay kasi ako sa mga kabarkada ko na ako ang pinakabata, dito kasi Ate Carme ako. Wala bang pagkakaiba? Meron.

Ayon nga, nabasa ko sa status na lumabas ung mga kaibigan ko dito. Lunch, shopping. Tamang gala lang kasama ang girlfriends. Di ako naisama o sinabihan man lang. Nakakalungkot. Well, sige, granted na alam nilang di ako makakasama dahil sa trabaho ko, pero sana sinabihan pa din nila ako. :( Gusto ko din namang magshopping at kumain ng ice cream. Gusto kong malaman ung mga sikreto nila, mga problema para makatulong ako. Para makarelate sa kanila. Gusto ko ng company nila.

Hay. Binabasa ko ‘tong entry ko ngayon, parang napakaloser ko. Ambabaw. Oh well. Buti na lang wala nang nagbabasa masyado nitong blog.

nagpapaantok

Posted almost 2 years ago blabbers

Ala-una ng hapon, kauuwi lang namin ng bahay. Nakahiga na ako sa kama’t matutulog na sana pero automatic na kinuha ng aking kamay ang aking celphone at ang aking iPod. Tinext ko si Arvin para sabihing nakauwi na ako, sabay check na din saglit ng facebook account ko. Hanggang sa pagkakahiga ka dito sa kama, nagawa ko pang magtweet at magpost sa tumblr. At ngayon nga’y gumagawa pa ako ng blogentry.

Naalala ko tuloy ung link na shinare ni Arvin sa twitter account nya.

“Being bored is a precious thing, a state of mind we should pursue.” http://bit.ly/8WXvQH – rvn

Isinauli nung author ung bagong-bago nyang iPad dahil sa sobrang kaadikan nito, wala na syang panahon para mabore. Wala nang oras para magisip ng kung ano nga bang magagawa dahil lagi nyang dala ang kanyang iPad san man ito mapunta. Sabi pa nya sa article nya, “it’s too good”, dahil ano nga naman ang hindi magagawa ng iPad diba? Wala akong maisip.

Eto ako ngayon, ilang minuto na lang bago matulog, gumagawa pa ng entry gamit ang iPod Touch ko. Sa halip na magrelax eh nagiisip at gumagana pa rin ang utak ko. Tama nga ung author, kelangan ng oras para mapahinga ang utak at madetach sandali sa mundo. Kelangan ding matulog ng normal. Hehe.

Pramis matutulog na din ako pagkapost ko nitong entry. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.