back to chikka
Error: this message was not successfully delivered.
Sa totoo lang, ni hindi ko naisip na makakatanggap ako ng ganitong message. Ever. At ngayong nabasa ko na sya ng ilang beses, saka ko pa lang nasisimulang tanggapin – hindi ko na magagamit ang Google Voice para makapagtext internationally. Nakakalungkot.
Ang hirap pa nyan, ni wala man lang pasabi ang Google na tatanggalin na pala nila ung International Text Messaging option nila sa Google Voice. Ano ba naman ung mage-mail sila isang linggo bago tanggalin ung feature diba? Pero wala, nalaman ko na lang na wala palang natanggap na text si Arvin buong araw kahapon. Ang dami ko pa namang text. Nakakalungkot talaga. :(
So paano na diba? Balik na naman ba ako sa $.15/text message gamit ang carrier ko? Magastos, pero pwede na din siguro. Kelangan ko lang namang gamitin un kapag wala ako sa bahay at wala si Arvin sa bahay. In short, kapag di kami magkausap online. At since magpapasukan na, ummm, ang galing lang sumabay ng Google. Grrrr.. Kahit na mahal na mahal ko ang Google, grrr, nagagalit ako sa kanya ngayon.
Pero ano naman ang magagawa ng galit diba? Sabi nga nila, kapag gusto madaming paraaan and believe me, mula kahapon nang malaman namin ni Arvin na ayaw na ng Google Voice, mga ilan nang paraan ang nagawa namin. Wala man sa kanila ang katulad ng Google Voice na libre ko syang matetext gamit ang telepono ko nang walang limit, walang hassle, eh pwede na din. Basta makakapagtext pa rin ako sa kanya. Ok lang naman kasi sa akin ang gumastos ng $.15/text, un nga lang mabigat sa bulsa. May sinabi din si Arvin na bulkSMS, $10 = 200 text messages, kaya lang ayokong magsignup na naman. Sinubukan ko ding magdownload ng app para sa iPod Touch, ung free SMS, kaya lang within US lang. SMS2EMAIL. At syempre, ang ever reliable, Chikka.com na sinubukan kong magregister gamit ang celphone ko, pero di naman ako nakatanggap ng login details. Buti na lang naalala ko ung email na gamit ko way, way back.
In the end, nagkaroon naman kami ng solusyon ni Arvin. Since ako lang naman ang may problema sa pagsesend, dahil matetext pa rin nya ako ng piso lang, kapag andito ako sa bahay at wala sya sa kanila, Chikka ang gagamitin ko. Ung iisipin ko na lang eh kapag wala ako dito sa bahay, well, pwede na nga pala ung SMS2EMAIL ng Sun. :)
Hay, buti na lang may Chikka. Babalik at babalik pa din sa Chikka, dahil sila pa rin ang Best Way to Send Free Text Messages.
[edit]
Ka-text ko si Arvin, baka ung sa Sun Cellular na lang gamitin namin. Kasi naman, di nya natanggap ung notification ng Chikka na magreply. Pero ok rin ung may ibang option, para kapag di nagwork ung isa, may back-up pa. :)
[/edit]






