Iniisip pa lang nakakapapagod na.

29 Comments » July 9, 2008 » 616 days ago
Litratong Pinoy, buhay bahay

bisikleta

May nakikita ka bang mali sa litratong ito? Wala naman di ba? Pwera na lang kung iisipin mo kung bakit ang aking bisikletang dapat ay ginagamit na pang-ehersisyo para naman mabawasan ang mga naipong taba sa katawan ay nakasabit sa may kisame. Ito ba ay upang mawarm-up ako, na bago pa man simulan ang pagpadyak sa mga pedal palabas ng bakuran ay pagpapawisan na ako sa pagkuha pa lang nitong bisikleta?

Basahin mo ulit yung title. Kaya nga hindi na ako nagtataka kung bakit kahit gustuhin ko mang pumayat kahit kaunti ay hindi pa rin nangyayari. Ang isang balingkinitan na katawan ay isa na lamang malayong pangarap, isang matayog na bituin sa kalaliman ng gabi. Grabe, drama.

Ito ay ang aking entry para sa lingguhang litratong pinoy sa kategoryang balingkinitan. Ang litrato ay ang aking bisikleta na nakatago sa may tahian/tabasan, sa aming likod bahay habang ito ay nakasabit sa kisame. Maaari mo ring tignan ang iba pang mga lahok.

Malapit ka lang ba sa Maynila? Sali na sa Litratong Pinoy EB! Makilahok, mamasyal, manguha ng litrato sa buwan ng LitrAgosto! O ha, may halong advertising powers pa, hehehe:D Ang iba pang mga detalye ang makikita sa forum thread na ito. Join ka na!

ako? Pamilyado?

No Comments » July 29, 2006 » 1328 days ago
blabbers, buhay bahay

habang ginagawa ko ito ay nagpi-prito ako ng manok, nakikinig ng radyo at nagbabasa ng libro ni Bob Ong.. kung pano ko ito nagawa ay di ko rin alam kaya’t wag mo nang itanong..

.. yan malapit nang matapos ang niluluto ko.. isang batch na lang ng manok pwede nang kumain.. kung bakit ako ang nagpiprito eh dahil na rin wala ang mga magulang ko ngayon dito. naglilipat pa kasi kami ng gamit eh. kahit na sinabi ng nanay ko na sya na lang daw ang magpiprito pagdating nya, naisipan ko pa ring ako na lang ang gumawa.. tutal bored na ko dito sa bahay at para naman magkasilbi ako..

habang tumutugtog ang spongecola sa background at naririnig ko ang tilamsik ng mantika, bigla kong naisip, handa na kaya akong mag-asawa? kaya ko na kaya? di ko pa rin masasabi ngayon.. syempre naman, sooner or later, maga-asawa ako (sana!), iniisip ko kung pano kaya akong maybahay? kayanin ko kaya ang ginagawa ng nanay ko na may trabaho tapos paguwi eh, magluluto, maglalaba at kukulitin pa ng kanyang apat na anak at asawa?

nakakapagod siguro un pero dahil na rin sa pagmamahal nya sa amin eh nakakayanan nya.. ako kaya? madalas akong tanungin kung may balak na raw ba akong lumagay sa tahimik.. ang sagot ko lagi.. “kung sarili ko nga di ko pa maalagaan, un pa kayang mga anak at asawa ko?”

bata pa naman ako kung tutuusin.. di pa ako dapat nagiisip ng mga ganitong bagay pero di na rin ako bumabata.. 2-3 years from now, nasa “marrying stage” na rin ako.. kelan pa ko matututo ng mga dapat gawin kapag may pamilya na ko? ngayon na diba? … siguro start na itong pagluluto ko ngayon.. tama!!!

…. pero sana lang hindi masunong ung piniprito ko… hehehehe..

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.