two weeks notice

Posted almost 7 months ago buhay SATown

Nakakatawa talaga ang buhay eh ano. Hindi mo ine-expect ang mga pwedeng mangyari. Isang araw pwedeng sobrang lungkot mo tas ilang oras lang eh sobrang tawa naman. Alam mo un, bipolar lang.

Last week lang, naisulat ko ung kino-consider ko na pinakapangit na naging interview ko. Sobrang epic fail. Nalungkot ako, at sobrang sigurado akong hindi ko makukuha ung trabaho. Back to square one ang drama ko. Hanap na lang ulit ng ibang trabaho. Tanggap ko na, pero may iba pang nangyari.

Biyernes ung naging interview ko, pero pagdating ng Lunes, nakatanggap ako ng e-mail tungkol sa pagba-background check. Anakng. BACKGROUND CHECK. Ayokong magisip ng kung ano, pero sabi nga ng katrabaho ko, positive feedback kapag umabot na ng background check. Todo ang ngiti ko, sobrang saya. Pero un, wala na, pagpasa ko nung form, intay na naman. Buong linggo akong nakakatanggap ng emails. Para magfollow up at para magpadala ng iba pang requirements. Sa wakas, nagamit ko din ang diploma at transcript of records ko galing PUP. Sa tagal ko nang nagtatrabaho, ngayon ko lang nagamit un. May security clearance pa para sa trabaho. Iniisip ko, siguro nama’y natanggap ako dahil hindi naman sila magaabala ng ganito diba? Diba?

Dumaan ang isang linggo, kanina, nakatanggap na naman ako ng e-mail. Tinatanong nung recruiter kung anung oras ako pwedeng tawagan. Sumagot ako na pwede nya akong tawagan kahit nasa trabaho. Alam mo ung wala akong magawang maayos dahil sa paghihintay ko ng tawag? Feeling ko talaga eh may relasyon kami nung recruiter. Tumawag sya, good news. Sabi nya’y tatawag daw ulit sya at the end of the day para malaman ko ang sagot. Dumaan ang isang araw, nagmamaneho ako nung tumawag sya. Hindi ko nasagot kahit na gustong-gusto ko dahil mahal ko pa naman ang buhay ko. Nagiwan sya ng voicemail, inemail ko sya paguwi ko ng bahay, tumawag sya ulit. Hindi ko na siguro kailangan pang i-kwento kung ano na ang sumunod na nangyari.

Pero ikukwento ko pa din.

Nakuha ko ung job position. Magsisimula na ako sa August. Sobrang saya. SOBRANG SAYA. Hanggang ngayon, hindi ko pa din maipaliwanag ang nararamdaman ko. Alam mo ung, chill lang, pero sa loob eh gusto kong sumabog. Sobrang natuwa din syempre pamilya ko. Isa-isa nang sabi ng mga ipapabili mga kapatid ko. Hay, sobrang salamat Papa God. Naiiyak ako. Tears of joy. :)

Bukas, magfi-file na ako ng two weeks notice. Matapos ang limang taon at siyam na buwang pagtatrabaho sa ospital, sa isang outsourcing company naman ako. Hay. Isa lang ang naipayo sa akin ng nanay ko, “Pahalagahan ang trabaho.” At yun naman ang gagawin ko. ^_^

1000 ways to die

Posted almost a year ago blabbers, buhay SATown

image

Yan ang lang nasa isip ko habang nagmamaneho kanina, papasok ng trabaho. Pero naisip ko, hindi naman ako kasing-sama nung nasa show. Hindi ko pa oras mamatay.

Nasa harapan ko ang isang construction truck (see attached image) kanina. Dun nagsimula ang pagiisip ko na paano kung biglang maluwang lang pala ang pagkakalagay ng locks dun sa, hmm, kung ano mang tawag dyan. Tapos eh magsslide ito papunta sa akin. Tumingin ako sa kaliwa ko, may sasakyan. Trapped ako, wala akong ibang mapupuntahan. Nung nagstop dahil nakared ung stoplight, naisip ko kaagad na iiwanan ko na lang na umaandar ang sasakyan ko, at mabilisang tatanggalin ko ung seatbelt sabay alis ng sasakyan. Wala nang oras para kunin pa ang bag ko. Basta ang importante, buhay ako.

Dahil na din sa takot kong baka magslide nga ung, kung ano man yan, sinigurado kong malayo ang distansya ko dun sa truck. Mahirap na, baka biglang umatras eh mabangga ako. Buti na lang country music ang pinapatugtog ko, napakalma pa ako ng kahit papano.

Alam kong morbid ang iniisip ko, pero matapos kong mapanood ung 1000 ways to die, dun ko nalaman na posibleng kahit ung simple pagkain lang ng marshmallow eh pwede mong ikamatay. Nagiingat lang talaga siguro ako. At paranoid na din.

Buhay pa naman ako. Halos pareho kami ng binaybay nung truck kaya naman nung nakapagpark na ako, saka lang ako nakahinga ng maluwang. Note to self: hindi na ako magpapalate bukas. Isasama ko na din ang mga construction trucks sa mga dapat iwasan, kasama ang school bus at PUB.

photoblog #25: snow

Posted a year ago buhay SATown

Sinong magaakalang dito, sa Texas, na umaabot ng 100degF ang temperature kapag summer eh posibleng magsnow. Hindi pa din ako  makapaniwala.

sulat galing kay Obama

Posted a year ago buhay SATown

We embrace you as a new citizen of our land, and we welcome you to the American family.

Matapos ang limang taon, naging ganap na akong Amerikano. Inampon na ako ng tuluyan ng Amerika, ang kumupkop at nag-alaga sa akin at sa pamilya ko sa loob ng limang taon.

Parang graduation ang nangyari. 235 lahat ng umattend ng oath. 50 countries ang ni-represent. Pagtawag ng mga bansang pinanggalingan, tumayo ang bawat isa. Nang tawagin ang ‘The Philippines”, tumayo kami ng kapatid ko. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Gusto kong umiyak sa tuwa. Hindi ko na napansin ang pagsakit ng aking paa dahil sa sapatos na suot ko.  May mga nagsalita, mga bagong citizen lang din. Kinuwento nila ang kanilang pagnanais na makapunta ng Amerika at ang mga sakripisyong kanilang ginawa para lamang matupad ang kanilang “American Dream”. Nagpalabas ng video na nagbigay ng pugay sa mga sundalong nagbuwis ng buhay para lamang sa kalayaan. Naluha ako pagtapos ng video. Nakakatouch kasi. Matapos ang ceremony, nakuha namin ang aming certificate at pumila para magpapicture kasama ang judge. Ito na talaga, Amerikano na ako.

Sa ngayo’y hindi ko pa alam kung ano nga bang responsibilidad ko ngayong Amerikano na ako. Wala namang masyadong nagbago maliban sa pwede na akong bumoto at mas malaki na ang chance ko na matawag para sa jury duty. Pwede na din akong kumandidato. Baka magkaroon na ng kauna-uanahang presidente ng Amerika na Pilipino, hehe. Kailangan ko nang magapply ng passport, kung uuwi man ako ng Pilipinas next year. Iba na ang magiging pila ko sa airport. Makakapunta na ako sa Europe, sa Japan. Madami na akong lugar na pwedeng puntahan.

“You are now part of this precious history”. — Barack Obama

Hay, Amerikano na ako. Salamat President Obama, sa pagwelcome sa akin. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.