usapang rebate

22 Comments » April 25, 2008 » 827 days ago
buhay SATown, current events

Tax rebates coming earlier.

yan na ata ang pinakamaganda balitang nabasa ko sa Yahoo page.

ayon sa Savvysugar.com:

Those of you eagerly awaiting your tax rebate checks will rejoice at the Treasury Department’s announcement that they’re depositing the checks ahead of schedule. Their original announcement stated that May 2 would be rebate check opening day, but they’ve updated their schedule with the early start date of Monday, April 28.

siomai! makukuha ko na ung rebate ko next week! :D sakling-sakto na panggastos at sa paguwi ko ng Pilipinas.. yehey na yehey ito!

bakit nga ba may rebate? kasi ayon kay President Bush:

“The rebates — up to $600 for an individual, $1,200 for a couple and an additional $300 for each dependent child — are the centerpiece of the government’s $168 billion stimulus package, enacted in February. Roughly 130 million households are expected to get them.”

“The money is going to help Americans offset the high prices we’re seeing at the gas pump, the grocery store, and also give our economy a boost to help us pull out of this economic slowdown.”

ang taas na rin kasi ng presyo ng gasolina at bilihin dito. di lang halata pero humihina ang ekonomiya ng US. kelangan ng pera ng mga tao na panggastos. kelangan ko ng perang panggastos! hehehe.

ma, punta tayo ng mall.
bakit? may bibilhin ka ba?

wala po. maghahanap.
maghahanap ka ng bibilhin? wag na. gastos lang yan. dito na lang tayo sa bahay.

ma, kelangan nating tulungan ang ekonomiya ng Amerika.
……
saka kelangan ko rin po ng bagong damit. :)

*****

source:

http://news.yahoo.com/s/ap/20080425/ap_on_bi_ge/bush_economy

the family that dance together..

26 Comments » April 21, 2008 » 831 days ago
buhay SATown, so random

ano nga bang pwedeng gawin kapag sobrang BORED na sa bahay, kumpleto kayong mag-anak, may camerang nakalagay lang sa table at biglang magpapatugtog ng ‘papaya song’ sa computer?

ano pa nga ba, eh di sumayaw at ilagay ang video sa youtube. ^_^

un nga ang ginawa namin nung isang araw. kasalukuyang nasa kwarto kaming tatlong magkakapatid, nagkukwentuhan lang ng kung anu-ano nang biglang pinatugtog ng kapatid ko ung papaya song sa laptop. syempre dahil sa mga “bibo kid” kaming lahat, nagsimulang sumayaw ung mga kapatid ko. matapos ang kanta ay pumasok naman ung nanay ko. di ko na maalala kung anong pumasok sa kukote ko’t nasabi ko na lamang sa nanay ko na sumayaw sya kasama ng mga kapatid ko. eto namang nanay ko, na “bibo mommy”, eh sabing oo daw. dali-dali kong kinuha ang camera ko’t kinuhanan ng video ang dance number nila.

at ito un. :)

YouTube Preview Image
carlo, mama, mim

wala ako kasi sobrang nahiya na ako ng i-post ko ung supahpapalicious video ko dito. :P ako naman ung maingay na camerawoman. hehe.

bibong-bibo. ang saya.

ma, ilalagay ko ung video sa youtube ha.
bakit naman?
gusto ko lang. para makita din nila ate sa Pinas.
wag na baka ma-discover pa ako.
aok ma. sabi mo eh.

may pinagmanahan pala ako. hindi lang sa pagsasayaw ha, kundi sa sobrang pagkabilib sa sarili.. hehehe.. :)

sayang. di nakasali ung tatay ko at ung isa ko pang kapatid na lalake. malamang kung napasayaw ko sila, hindi ko naman mailalagay dito sa blog ung vid. mahiyain kuno kasi.. pamilya kami ng mga mahilig sumayaw.. at para sa akin, the family that dance together..

…may choreography. :)

CBA*

22 Comments » March 7, 2008 » 876 days ago
blabbers, buhay SATown

nak, 3pm na nakaharap ka pa rin dyan sa laptop mo. kumain ka na ba?
opo ma. kanina pa.
ano ba kasing ginagawa mo dyan?
nagu-update po ng blog.
sus, blog na naman.

ma, gusto nyo turuan ko kayong magblog?
ay naku hindi na. eh di ala nang naglinis nitong kwarto nyo kung magbo-blog lang din ako?

may point nga naman ang nanay ko dun.

off ko ngayon. kadalasan kapag off ko, maghapon lang akong nakaharap sa laptop ko. madalas may ka-chat tapos magbo-blog. wala na akong ibang nagagawa kundi ang humarap sa PC ko. pahinga ko lang ata eh kapag kakain na o kaya nama’y wala nang kumakausap sa akin.

4pm na ngayon. 7am ako gumising kaninang umaga, pinaalis ko kaagad ung kapatid ko na gumagamit ng computer ko. adik. mula 7am ay may ka-chat na ako, di pa ako kumakain nun. halos 1pm na ata ako nakakain.

nakapaglinis ka na ba ng bahay?

ma, ano po un?

nakapaglinis ka ba ng bahay?
nahugasan ko po ung mga pinggan sa lababo.
un lang nagawa mo maghapon?

un nga lang ba ang nagawa ko maghapon? di naman. hmmm… madami rin akong naka-chat, nakasagot din ako sa mga comments ko sa blog, tapos nakapagbloghop pa. productive din naman ang maghapon ko. nakapagresearch din ako tungkol sa project ng kapatid ko. sumagot ng mga tawag sa telepono. not bad na rin.

tol, gawan kita ng blog!
ayoko ate, di nga ako mahilig magsulat eh.
kahit ano lang ang ilagay mo dun, host kita.
ayoko nga.
hater.

dalawa sa kapatid ko eh inalok ko nang magblog. pero, ayaw nila pareho. ako lang ata ung nahilig sa pagbo-blog. ayos na rin, at least di nila nababasa mga kadramahan at kaartehan ko dito.. ^_^ hmmm, magiging problema pa kapag na-addict sila kasi may kaagaw na ako dito sa laptop ko. buti na lang ayaw nila!

nak, halika nga rito.
opo ma, saglit.
anong saglit. bilisan mo, kanina ka pa dyan sa harap ng computer mo.
opo opo.

fine. fine. alis na muna ako.. online na lang ako ulit, after 2 hours.. ^_^

*certified blog addict

dahil di ko natiis hindi magblog

21 Comments » February 28, 2008 » 884 days ago
buhay SATown, homesickness

once a blogger, always a blogger.

dahil na-miss kong magblog (2 days lang ung hiatus ko), kahit na puyat ever ako eh naisipan kong magupdate na lang. kanina ko pa rin kasi tinititigan itong screen ng laptop ko, at since wala ring gustong kumausap sa akin sa YM eh why not magblog na lang.

maraming thank you sa mga dumalaw dito habang wala ako. as in sobrang thank you po! ^_^

==

isang pag-uusap:

nak, nakapagbayad na kami para sa tickets namin paguwi ng Pinas. ikaw na lang ang hindi nakakabayad.
eh dad, sa Linggo pa sahod ko sa paluwagan eh. pano po un?
tingnan ko kung pwede muna naming bayaran ung ticket mo. iche-check ko ung balance pa namin sa bangko.
*sana naman umabot pa* ok po.

anak ng teteng, maiiwan pa ata ako sa June ah. ayaw ko!!!

malapit na nga akong umuwi ng Pinas. yahoong-yahoo! June 10 ata ung naka-book na flight namin. bakit kami uuwi? dahil ikakasal ako. este ung kapatid ko palang lalake. makakauwi na rin ako sa wakas.. :) miss ko nang gumala. miss ko na mga kaibigan ko. miss ko nang gumala ulit. hehe.

ikakasala ang aking kapatid, ibig sabihin, maggo-gown ako. huwat! isang malaking ano daw? haay, kelangan kasi eh. gudlak sa akin, magiging babae ako for once. kelangan tuloy magpapayat. kelangang maganda sa araw na un. kahit na minsan lang sa tanang buhay ko eh maging maganda ako. last week ata un, sinukatan na kami ng nanay ko para sa susuotin namin sa kasal.

ma, bakit naman ang agang hinihingi ung sukat? magpapapayat pa ako.
sus ate, as if namang pumayat ka pa.
kailangan na daw nung mananahi eh. hayaan mo, liitan na lang natin ung sukat para kapag pumayat ka, konti na lang ung ia-adjust.
ma, dapat po lakihan ung sukat kasi baka tumaba pa si ate.
kotongan kita dyan eh.

kailangan ko nang magpapayat talaga. seryoso na to. di lang sabi-sabi lang. sana lang may ginagawa ako para mangyari un diba? sana lang talaga.

excited na rin ako para sa kasal ng kapatid ko. hmm, mas bata sya sa akin, kaya medyo parang ayaw pa ng mga magulang ko sa umpisa. pero since andyan na, eh di go. tingin ko naman kaya na rin nyang magsimula ng sarili nyang pamilya. badtrip nga lang, naunahan nya ako. inaasar tuloy ako ng mga kaibigan ko.

tol, hindi ka na makakapagasawa nyan. ikakasal na si melo eh.
malay mo, ako ang ikasal sa june.
kanino naman?
hehe. ewan ko rin.

totoo ba un? di naman siguro. eh sa wala akong juwa eh, anong magagawa ko. oh well, basta masaya naman ako para sa kapatid ko. masaya kasi di na nya ako aawayin. hehe.

kasal, kasal.. matagal pa siguro bago ako ikasal. hanap muna ako ng matinong boiprend. :)

ah basta, excited na akong makauwi! ^_^ (un eh kung mabayaran ng tatay ko ung tickets ko) sana naman po…

run, karmi, run!

11 Comments » October 14, 2007 » 1020 days ago
blabbers, buhay SATown

last Saturday, sumali ako sa isang marathon.. ung marathon eh para makapagraise ng funds para sa Spina Bifida Association of Texas.. bakit ako sumali? para naman may kapaki-pakinabang akong magawa sa buhay ko.. ^_^

nakatakbo na ba ako sa mga marathon? hindi pa.. first time ko ito kaya naman wala akong kaalam-alam kung ano ba ang dapat gawin.. malamang, tatakbo, pero di ko akalaing mahirap din pala.. 7:30am ung start nung marathon, 5K ung sinalihan ko at ng tita ko.. bale, 3.1 miles ung tatakbuhin, sabi ng kapatid ko, madali lang daw takbuhin un.. saglit lang daw ang 3.1 miles.. Saturday morning ung marathon, so Biyernes pa lang, nagpraktis na ako dito sa amin.. 6 na beses kong nilibot ung buong subdivision.. ayos naman, pagod, pero kaya naman.. ready na ko, un ang akala ko.. hehehe..

before 6am, nandun na kami ng tita ko sa lugar kung san tatakbo.. kukunin pa kasi namin ung mga t-shirt na binayaran namin nung nag-register kami.. may number pa, astig, feeling ko tuloy talagang mananakbo na talaga ko.. hehehe… kaya rin kami maaga, para daw makapag-warm up kami sabi ng tita ko.. sige, takbo lang.. bago mag 7am, madami nang tao.. madami rin pala ang tatakbo, mapa-bata, matanda, andun lahat.. nakakatuwa lang panoorin ung iba’t-ibang klase ng tao na nagsasama-sama para makasali sa ganitong event.. dual-purpose nga naman kasi – nakatulong ka na, nakatakbo ka pa..

730am, nagsalita na ung host mismo.. paikot lang pala ung tatakbuhin namin, sabi ko sa sarili ko, saglit lang siguro un.. nagpuntahan na lahat dun sa start line, at inintay na patunugin ung horn na hudyat na simula na ang marathon.. sabi ng tita ko sa akin, basta hinay lang daw sa takbo, wag daw bibilisan kung hindi naman kaya ng katawan, at higit sa lahat, mag-enjoy.. ^_^ nang marinig ung horn (di ko alam kung anong tawag dun sa tagalog eh.. hehehe), nagsimula na ang takbuhan.. sa una, sabay-sabay kayong tatakbo, tapos hindi mo namamalayan, nauuna na ung mga kasabay mo.. tama nga ang tita ko, wag magmadali, dahil sa marathon, endurance din ang kailangan, hindi lang bilis..

Read the rest of this entry »

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.