when karmimay met rHo.

Posted 3 years ago blabbers, buhay SATown

karmimay!!!! sya na ata ung kauna-unahang tumawag sa akin ng karmimay. :)

di ko na maalala kung kelan pa kami naging magkaibigan dito sa blogosphere.. hmm, 2006 siguro? ata. hehehe. nasa blogspot pa sya noon at walang magawa kaya siguro naisipang gumawa ng blog. :) pareho kaming active sa pagbo-blog na kahit nasa trabaho eh, pagpo-post, pagbo-blohop at pagcha-chat sa YM ang inaatupag. hay, those were the days :D hehehe. nakakamiss lang. ^^ sa pagchichikahan namin noon, nasabi ko na pupuntahan ko sya sa kanila. :) at ngayon ko lang naisip, na dun nga pala sa lugar nya ung setting ng mga novels ni Nicholas Sparks :D hehe.

natuloy ba ang pagpunta ko? hindi. busy kasi, saka walang pamasahe. hehe.

after 3 years, sino ba namang magaakalang kahit na di na sya active sa pagbo-blog (masyado) at di na rin kami nagkakausap madalas katulad ng dati eh magkakaroon pa pala ng pagkakataon na magmeet kami. FINALLY! :D

nakausap ko sya sa YM last month at sinabi ngang pupunta sya dito sa Texas. abay, syempre, chance na un para magmeet kaming dalawa :) sinet namin ang EB kahapon, March 1. akala namin pareho eh di pa matutuloy ang pagkikita namin, pero sabi nga nya, be positive lang. ^_^ at talagang di naman ako makapapayag na umalis sya ng Texas na di kami nagkikita! hehe.

lagpas ala-una ng hapon, Starbucks. unang kita ko pa lang sa kanya, alam kong sya na un. :) nakakatulong talagang magpost ng picture online. hehe. feeling ko nakilala din nya ako agad dahil kinawayan nya ako. :) hehe. at un na nga, finally, nameet ko na rin sa wakas si rHo. :D

Read the rest of this entry »

stranger-magnet

stranger-magnet

Posted 3 years ago blabbers, buhay SATown

don’t talk to strangers. yan na ata ung unang bilin sa atin ng mga magulang natin mula nang tayo’y matutong gumala at makihalubilo sa ibang tao. wag na wag sasama sa ibang tao, wag makikipagusap sa di kilala. nauso pa nga ung commercial dati sa TV na may manong at dalawang bata, ung may kasamang butterfly ung mga bata na nagpapaalalang wag tatanggapin ung lollipop. effective ung paalala nung butterfly, dahil di nga sila sumasama, nakikipagusap sa di nila kakilala.

ngayon ko narealize, parang kailangan ko ata ng sarili kong butterfly.

nagbu-bus ako araw-araw. dahil hindi pa ako marunong magmaneho, kelangan kong magbus, rain or shine. medyo matagal din ung paghihintay ko, 15 mins. kaya naman kailangan kong aliwin ang aking sarili habang naghihintay. naglalaro ng DS, nakikinig ng kanta, at minsan nama’y kausap ko si arvin.. kanina, habang naghihintay ako, naisipan kong kunin ang aking camera. pagkaupong-pagkaupo ko sa bench ay pinikturan ko kaagad ung lalagyan ng sigarilyo na nasa may upuan, para subukan ung macro settings ng camera ko.. ayos, pwede.. kukuhanan ko na sana ung ilan pang basura, nang may kumausap sa akin.

(may sinabi sya na di ko naintindihan)
napansin ata nyang nakatitig lang ako sa kanya, kaya naman..
hi.
hi.
oh, what are you doing?
nothing, i’m just taking random pictures.
really? take a picture of me!

anu daw?! nawindang ako sa sinabi nya. nagulat kaya naman ‘ok’ na lang ang naisagot ko. natatawa ako sa sarili ko, dahil heto ako’t may hawak na camera at pinipikturan ang hindi ko naman kakilala. tumayo pa sya at nagpose, nag-peace sign pa nga. pagclick ko ng camera ay eto ang lumabas..

estranger.

note: di na sya nakapeace sign dahil nainip ata sya sa tagal ng pagkuha ko ng litrato nya. ayan, nagalit tuloy.

can i see it?
sure. here. hawak ko lang ung camera
(pilit nyang inaaninag ung picture. mga ilang beses nyang gustong kunin ung camera ko. pero ano ako, tange? no way.)

that is a nice picture of me.

gusto ko sanang tanungin kung gusto ba nyang isend ko sa email nya para mailagay nya sa myspace account nya, pero di ko na un ginawa, tinago ko na lang ung camera ko’t naupo lang dun sa bench. kinausap pa rin nya ako, at syempre, sumagot naman ako sa bawat tanong nya. nung dumating na ung bus ko, tumayo kami pareho. akala ko’y sasakay din sya sa bus, pero hinde, naglakad sya. nagbabay naman sya sa akin bago sya umalis.

don’t talk to strangers. naalala ko tuloy ung nangyari 2 years ago. may nakita akong babae, nawawala daw sya. kinausap ko, mukha namang mabait. tinulungan ko sya. pano? pinapasok ko sya sa bahay namin para gumamit ng telepono. 30 mins. later, tumawag ako sa 911 dahil ayaw umalis nung babae. dumating ung pulis at ambulansya. nalaman kong high ung babae at buti na lang daw sa sobrang high eh di nya magawang kumilos. sabi nung pulis, sinuwerte daw ako. ayos. ansaya diba? antalino mo talaga mimay!

sadya atang lapitin ako ng mga ganyan. swerte.

job-hunting-mode-on

job hunting mode ON.

Posted almost 4 years ago buhay SATown

naalimpungatan ako dahil sa pagriring ng celphone ko. tiningnan ko kung sino ung tumatawag, bossing ko. di ko na lang muna sinagot ung tawag dahil wala pa ako sa matinong pagiisip, baka may kung anong masabi pa ako. tumigil ang pagring ng telepono at inintay kong magleave na lang sya ng voicemail. at ayun nga, nagiwan ng mensahe ang aking bossing. dinial ko ang ’1′, at pinakinggan ang mensahe. malamang work related ito.

Carme, I just got a call from *supervisor’s name* about an issue regarding last weekend.

*gulp* patay na. ako lang ung nagtrabaho para sa shift namin buong weekend. ano kayang nangyari??

.. it was about the Monthly Advisory template that shouldn’t be run and it was highlighted on both the regular schedule and weekend turnover. When we checked the schedule, it got your initials on it that you ran it. Can you please call me back as soon as you get this message.

x_x napabangon akong bigla. siomai. pwede bang magpalit muna ng pangalan kahit ngayon lang? para lang makalusot sa problemang ito?

pero, hindi. alam kong tama ung ginawa ko. nabasa ko ung turnover, oo, sabi, wag munang i-run ung template hanggat hindi pa tapos ung isang template. eh natapos naman so ni run ko na rin. un ang sabi ko sa bossing ko habang kausap ko sya sa telepono. sabi nya sa akin, tawagan ko daw ung isang bisor sa trabaho, para i-explain ko. hainaku, akala ko tapos na, di pa pala. nosebleed much.

di-nial ko ung number namin sa trabaho. kinausap ung isang bisor. *yada yada yada* inexplain sa kanya ung ginawa ko, kung bakit ko ginawa at inamin ang pagkakamali. tsk. sabi daw pala sa turnover, DO NOT RUN UNTIL FUTHER NOTICE. actually, di ko nabasa un talaga. pero, bisor eh, check ko na lang ung turnover sheet mamaya pagpasok ko. natapos ang paguusap namin sa pagsasabi ko ng ‘Yes ma’am, its my fault.’ magse-send daw sya ng email sa programmer at dun sa client. ayos, sikat na naman ako for the wrong reasons.

tinawagan ko muli ung bossing ko, kwento ulit. at oo, mali ko nga talaga. wala na lang syang ibang nasabi, kundi, ‘Thanks for calling me back.’ nice one karmi. ayos ka talaga.

hay.

kakasimula pa lang ng panibagong taon ko sa pinagtatrabahuhan ko, katatapos lang ng yearly evaluation, pero nakakadalawang major pagkakamali na ako. sobrang malas naman. tsk. baka sa susunod eh mawalan na ako ng trabaho kaya naman job hunting mode na naman ako.

goodluck.

salamin, salamin.

Posted almost 4 years ago blabbers, buhay SATown

ayoko. ayoko. simula pa lang noon ay sinasabi ko nang AYOKO.. pero noon un, iba na ngayon.. wala na akong nagawa, di na rin nakalaban. ung tipong, lumaban man ako, alam kong ako rin ang matatalo. ako rin ang bibigay..

hindi ko pinansin ang mga sintomas, hanggat sa hindi ko na nakayanan.. sakit ng ulo.. sobrang sakit ng ulo na naging dahilan sa hindi pago-online ng ilang araw.. sa halip na gumaling ako, lalo akong nagkasakit.. dahil di ako makapagonline.. *ehem* adik.. pagtapos ng halos 3 araw na di ako nagOL, sumasakit pa din ulo ko.. isa lang ang naging sagot, magpatingin na sa doktor.. takot pa naman ako sa doktor.. pero wala akong magagawa.. kelangan eh.

dumating ang araw. nasa loob ako ng kwartong ngayon ko lang napasok. may upuan sa gitna at sa tapat nito’y may isang poster ng mga letra. pinaupo ako nung doktor at nakipagkwentuhan – kung bakit daw ako andun.. ano daw bang nararamdaman ko.. muli, sinabi ko ang walang patid na pagsakit ng ulo ko.. sinimulan na nyang tingnan ang aking mga mata.. may kung anong machine ang itinapat nya dito, at inadjust ang mga lense.. tinanong kung malabo ba o malinaw.. noong mga panahong iyon, kinabahan na ako.. kelangan ko na nga atang magsalamin.. pero ayoko eh.. ayoko talaga..

natapos ang checkup. 50/50 daw.. grabe, naghihingalo lang.. sabi ng doktor, di ko naman daw kelangan ng salamin, pero mas mainam na kapag nasa trabaho ako eh magsalamin na ako.. nearsighted daw ako.. haaay, ito nga ata talaga un.. its official, magsasalamin na ako..

dumaan ang ilang buwan, di ako nakpagpasalamin dahil nga umuwi ako ng Pinas. binalak ko pang doon na magpagawa para mas mura, pero di ko na naisip pang gawin iyon.. sayang ang araw, gagala na lang ako.. hehehe..

unang araw kong bumalik sa trabaho. whoa. nanibago talaga ako.. sasaglit pa lamang akong nagtatrabaho ay hirap na akong tumingin sa mga monitors.. oh noh, ito na nga talaga.. kelangan na..

kaya ayan. di ko na kinaya, kaya nagpasalamin na ako.. nagfifiling na matalino.. hehehe.. di pa rin ako sanay (as of this writing) na may salamin.. at dahil pango ako, laging nahuhulog ung salamin ko.. :P goodluck.. hehehehe..

ako: ma, kelangan ko na ata talagang magsalamin.
ma: ayan kasi computer ka ng computer, talagang lalabo mata mo..
dad: hay naku, nahuli ko yan nung isang gabi, alas-dos na ng madaling araw, nakacomputer pa rin. tapos magrereklamo na masakit ang ulo..
ako: ….. (sabi ko nga, di na ako magsasalita eh…)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.