kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with Us

Plugoo: karmi | komski: 1, 2
Y! Messenger: karmi | komski

  • ner: 3 tears ke ron for lamentations of a withered tin can. 2 tears ke enday for wasak ^^
  • rio: hahaha..may ganitong agreement din kami ni ate lalaine mo..ang magkakaboyps after four years,after the...
  • krisjasper: 3 tears for Lamentations by RON. vote counted.
  • cryptonyte69: 3 tears for “WASAK” by ENDAY
  • McRey: Boto ko sina: 3 tears - Bahay Kubo 2 Tears - Sanlaksang Katanungan 1 tear - Letting Go Sana naman this time...
  • glesy the great: ahehe… kaw naman.. di naman ineng… basta ba may nakakacarry pang magbasa ng post mo okay...

Thank you!

Subscribe to my feed




September 13th, 2008 | contest, pakulo

matapos ang isang linggo at isang araw na pagpopromote at pagi-ispam sa mga blogs at forum, officially na po naming binubuksan ang E[kwento]MO Emo Writing Contest. gusto rin naming magpasalamat sa mainit  na pagtanggap ninyo sa pa-contest na ito.kumalat ang E[kwento]MO hindi lamang sa blogosphere, kundi pati na rin sa friendster. napatunayan naming madami talagang emo/madrama sa mundo. :)

dahil masyadong mahaba ang nasa Mechanics page, eto po muli ang dapat nyong gawin kung gusto ninyong sumali sa contest namin na ito.

September 14, 2008-October 4, 2008 (Submission)*

Mayroong tatlong linggo para magsubmit ng entries. Maglagay ng part sa header o sa footer ng iyong entry na nagsasabing kasali ang entry mo sa E[kwento]MO. Pwede mong gamitin ang image sa ibaba, tapos ay  ilink sa Entries page.

i-send sa ekwentomo@gmail.com ang iyong entry kasama ang sumusunod.

  • title ng entry
  • permalink ng post
  • excerpt o maikling description ng iyong kwento
  • picture na may kinalaman sa entry mo (kung may nilagay ka)

Makikita sa Entries page lahat ng mga official entry na kasali sa E[kwento]MO. Hindi pa pwedeng bomoto habang submission week pa lang. Hihintaying matapos ang tatlong linggo, para naman maging fair sa mga ibang late nang makakapagpasa ng entries. Mas ok rin ito, para naman mababasa ng lahat ang lahat ng mga lahok.

Pwede mo ring i-follow ang official Twitter (http://twitter.com/ekwentomo) at Plurk (http://plurk.com/user/ekwentomo) accounts ng E[kwento]MO para sa mga updates. Doon namin ilalagay kung may bagong entry na kasali sa contest. kung may karagdagan ka pang tanong, magiwan lamang ng comment sa E[kwento]MO FAQ page o kaya’t magemail sa ekwentomo[at]gmail[dot]com.

o, ano pang hinihintay mo, E[kwento]MO na! ^_^

September 5th, 2008 | contest, pakulo

emo ka ba? madrama?
o di kaya’y may nakakaantig na kwento kang nais i-share sa ibang tao.

pwes, why not E[kwento]MO?
malay mo, kapag napiling pinakanakakaiyak ang iyong blogentry, manalo ka pa ng domain at hosting. :D

sali na. ^^,

para sa mechanics page ng pa-contest na ito, i-click lamang ang litrato sa itaas o kaya’y ang link na ito.

Dahil ang pagiging emo, may kwento.

February 16th, 2008 | contest

napadpad ako sa blog ni ate noemi at nakita ko ung Love Struck Writing Contest nya. dahil sa dami nang entries ko dito sa blog na panay tungkol sa pag-ibig, naisipan kong sumali. naghalungkat ako ng aking blog at itong entry na ito ang napili ko.. :)

Dahil sa isang bote ng Coke.

crush na kita noon pa, alam ko nga alam mo na eh.. alam na nga rin ata ng buong klase, pero gentleman ka pa rin dahil kahit na tinutukso tayo sa isa’t-isa di ka nagtake advantage sa sitwasyon.. tahimik ka lang at ngingiti-ngiti kapag inaasar tayong 2.. ako pa nga ang nahihiya para sayo, kung bakit pa kasi nakita nila ung tula na ginawa ko na nandon ang pangalan mo.. ano nga ba ang nagustuhan ko sayo? hmmm.. matangkad, gwapo rin naman, mabait at mapangasar din.. nakakatuwa kang panoorin kapag nakikipagkulitan ka sa mga kaklase nating lalake.. tapos ngingiti ka pa, hay.. wala na, mahuhulog na naman ako sa kinauupuan ko..

PE natin ngayon, social dance.. maghahanap ng dance partner.. bunutan ang mangyayari.. ilang santo na ata ang natawag ko para lang maging partners tayo.. pati ata ung mga kaklase natin eh gusto na tayo ang magkapareha.. tutal, pareho kasi tayong magaling sumayaw.. malamang sa malamang eh 1.0 na ang grade natin dito.. no sweat para sa atin, tapos malay mo pa maging more than dance partners tayo…. hay, iba pala ang epekto kapag hotdog lang ang nakain kapag lunch, gutom na nga, ang dami ko pang iniisip.. pero sana nga makapartner kita.. sana.. sana…

isa-isa nang nagtawag ung teacher natin, ikaw na ang susunod.. tumigil ata ang pintig ng puso ko pati na rin ang oras.. para akong aatakihin sa kaba.. sana ako.. sana ako…

…………..

ha? ano? sino daw? bakit parang di ko ata pangalan ang nabanggit? hay, hindi nga.. dun ka pa na-partner sa pinagseselosan ko.. ayos! wala na, di ka na magiging akin.. wala nang pag-asa sa ating dalawa… dahil sa sobrang ka-depressan ko, di ko na narinig na tinawag na pala ako ng teacher natin.. may ibang dance partner rin ako.. nakakatuwa naman ung partner ko dahil maloko rin, pero di ko mapigilang hindi ka tingnan.. mukhang nage-enjoy ka rin eh.. saka bagay kayo ng partner mo…

uwian na.. halos sabay rin ung grupo mo at mga kaibigan kong lumabas ng eskwelahan.. pero wala akong ganang makipagbiruan.. di ka rin nagsasalita.. bigla ka na lang nagpaalam sa grupo mo at sa amin.. may daraanan ka pa sabi mo.. ni hindi ka nga tumingin sa akin.. lalo tuloy akong nalungkot.. nahalata iyon ng mga kaibigan ko kaya naman inalok nila akong tumabay muna sa bakery dun sa kanto.. wala akong gana pero dahil sa magiintay rin naman ako ng jeep, pumayag na rin ako..

iniisip pa rin kita.. kung bakit ganito ako ka-apektado eh hindi naman tayo.. simpleng crush lang naman kita ah.. di na ako bumili ng pagkain, di ko na rin inintindi ung mga kwento ng mga kaibigan ko.. hay, ang tange ko talaga.. crush lang un.. crush lang… lumilipad na ang isip ko nang biglang makarinig ako ng hiyawan ng mga kaibigan ko.. nakaharap kasi sila sa akin at parang mga batang kinikiliti sa kilig.. di ko alam kung ano un, kaya’t lumingon ako patalikod.. at nandun ka.. o nga pala, kasabay mo kasi ung isa kong barkada pauwi.. nakalimutan ko.. nginitian lang kita dahil di ko naman alam kung anong sasabihin ko sayo.. pati ata ikaw eh nahiya na rin.. may hawak ka at inalok mo sa akin..

gusto mo ng Coke?

at doon na nagsimula ang lahat….