Nakakuha na rin ako sa wakas ng lisensya sa pagmamaneho kaninang umaga. Kahit na natapos ako sa driving lessons ko nung Agosto pa, ganito yun e, nakaladkad kasi yung kanang paa ko ng traysikel dati kaya inantay ko pang gumaling ang paa ko na inabot din ng ilang buwan (na sumasakit pa rin paminsan-minsan ‘pag namamali ang apak).
Kahapon nga lang din ako ulit nakapgdrive muli, at NLEX na kagad, hehe. Eto minapa ko sa google maps ang ruta papuntang LTO sa Guiginto at lumalabas na 13 kilometro pala ang layo mula sa bahay namin.

Namatayan pa rin ako ng makina kahapon :P Pero nung nagdrive ulit ako kanina e hinde na, hehe.
Ngayong may lisensya na ako ay marami na akong pedeng gawin, overspeeding, beat the red light, magcounter-flow, magpark sa no parking zones o sa harap ng mga driveways, pumasok sa no entry, at lumiko sa mga no left, right o u-turns.
Pero hindi ko naman gagawin ang mga yun, sana. Atsaka wala naman akong pera panggasolina kaya bukas, makikisiksik pa rin ako sa bus papasok sa eskwela.
Limang araw mula ngayon, Martes, ika-30 ng Nobyembre ay magaganap ang simultaneous release daw ng ikawalong libro ni BobOng; Ang mga kaibigan ni Mama Susan. Medyo ispesyal nga ata itong bagong libro ni BobOng, sa maraming dahilan na ayon sa Visprint:
Bob Ong’s first ever horror will also be the first ever Filipino book to have a nationwide simultaneous release. It’s also the author’s first first-person narrative in fiction and Visprint’s first use of creambook paper in its publications. Lots of firsts here. Be first yourself as you witness history this Bonifacio Day 2010! – visprintpub.blogspot.com
Kaya sa Martes ay pumunta sa pinakamalapit na National Bookstore, Fully Booked, Pandayan Bookshops o 101 Boutique.
150 pesos pala ang libro sabi ng Visprint sa kanilang fan page. Kulang na nga lang e dapat may TV commercial din ano, hehe. Siguro naiisip nila na kelangan nila ng pakulo para sumikat na muli si BobOng. Ewan, kasi andami-dami na ring libro na nailabas na kapareho ng kay BobOng? Ewan ko rin kung bakit wala pa ring akong nakikitang BobOng online. I mean yung talagang si BobOng mismo ang nagsasalita. Hindi na rin updated ang webpage ni BobOng sa visprint.net kung saan andun ang FAQs. BobOng ako nang BobOng, LOL.
Well nakachat ko na minsan si BO, hehe. ‘Di ko lang sure kung siya talaga yun.
Kitakits sa National Bookstore sa Martes. Suportahan natin si BobOng :)
Hindi ko na maalala kung kelan ko unang narinig ang P-pop group na XLR8. Ang alam ko lang, nagupload ng video sa facebook ang pinsan ko at naalala kong nagtweet ako kaagad tungkol dun. Medyo may pagkakahawig kasi sa tono ng isang kanta ng sikat na K-pop group na Super Junior. Matapos kong panoorin ng ilang beses ang video na shinare ko pa sa facebook, naLSS ako. Aminado din kasi akong catchy ang kanta at in fairness, maganda ang music video.
Fan ako ng Pinoyalbums sa Facebook at dahil nagaayos ako ng mga kanta ko sa iPod ko ngayon, naisipan kong bisitahin ung site para nakapagdownload ng kanta. Ang pinakarecent nilang album? Ung album ng XLR8. At oo, dinownload ko sya. Tamang trip. Pinakinggan namin ng kapatid ko ung kanta. Nagtrip ulit. At ito na ang kinalabasan.
Isang video.
Hindi ko alam kung papatok ang P-pop at kung madaming maghuhumaling dito katulad ng pagkahumaling natin sa K-pop at J-pop. Pero at least, madali lang i-lip-synch ang mga kanta nila.
ps.
Buti napilit kong ilagay ang video na ito dito sa blog, ayaw kasi ng kapatid ko na ilagay ko sa FB, makikita daw ng mga kaibigan nya. :P Hehe.
pps.
Pinagaaralan pa namin ung kanta. Next time, dance video na ito. Haha.
Yan, ang bungad sa akin sa Computer Science department nang ipakita ko ang readmission slip ko galing Eng’g admin, November 11 Wednesday. Tapos na kasi ang enrollment week. Nag-umpisa na nga ang klase. Readmission from AWOL. AWOL ng dalawang sem. Buti nga tinatanggap pa ang mga katulad ko sa unibersidad, hehehe.
At ngayon, after ko magbayad kanina sa Cashier’s Office ay opisyal na ang pagiging estudyante ko, yipee! Eto ang ID ko, counter-signed na yan, hehehe.

Gudluck na lang sa akin ngayong sem, sana tuloy-tuloy na ‘to hanggang sa makatapos ako:D (pero hindi pa yun sa March)