11:15pm. binuksan ko ang aking facebook account para magPet Society. sige magpe-Pet Society na lang ako, sa halip na magisip. Daily Lottery, 50 coins lang. badtrip. kinuha ko ang sabon at kinuskus kay Pollie. may nagawa ba ako? bakit ganun? naasar kaya sya kasi na-ignore ko ung tawag nya? isa-isa ko nang binisita ang mga kaibigan ko. 20 coins din bawat isa. +5 sa Paw Points. may nasabi ba ako? medyo naasar lang naman ako sa kanya nung nagvoice conference kami.. kasi naman eh, naghello naman ako, narinig ko syang sumagot, akala ko ok na, pero bigla syang umalis? yan tuloy, napataas tuloy ung tono ng boses ko.. galit kaya sya? di na kasi sya nagreply dun sa huling message ko. sa wakas, nabili ko na ung bench worth 2,500 coins. inayos-ayos ang pagkakalagay ng mga gamit. antok na kasi talaga sya eh, baka di nya napansin na nagmessage pa ako sa window nya. siguro nga ganun, o kaya pwede ring may naisip syang idagdag sa isinulat nya. isa-isa kong binisita ang mga kwarto ni Pollie. not bad. ang tagal nga lang maglevel up, ilang araw pa siguro. di na sya nakapagbabay ng maayos. kadalasan kasi, kapag na-close na ung voice conference window, magty-type pa sya ng “babay”. pero ngayon, wala eh. bigla na lang syang nagoffline. di ko alam kung anung nangyari. nakangiti si Pollie na naglalakad sa kanyang kwarto. umupo sa kanyang kama, at saka humiga. walang tulong ang Pet Society. teka, nagiloveyou ba sya? The game has been saved.
sabi ni Arvin sa akin, wag daw akong malulungkot. sorry baby ha, kung malungkot man ang dating nitong post ko ngayon. *yakap* i love you!
panggabi ako dito sa trabaho ko. 12:15am-8:45am. halos tatlong taon na akong panggabi, medyo mahirap lalo na kapag may 3 kang kapatid na gigisingin ka tuwing hapon para lang gumala. lagi kang kulang sa tulog, laging puyat, laging inaantok kapag nasa trabaho na. mahirap dahil iba na ang takbo ng body clock, inaantok na ako sa sikat ng araw at ang oras ng agahan ko eh alas-nuebe ng gabi. at dahil tulog at kain lang ang magagawa ko talaga kapag may pasok ako sa trabaho, nananaba tuloy ako ngayon. tsk. masama.
pero may isang advantage ang pagtatrabaho ko ng gabi, un ay, sabay kasi sa oras sa Pinas. kung titignan sa oras ng Pinas ung oras ng trabaho ko, 2:15pm-10:45pm yan. kung Daylight Savings, 1:15pm-9:45pm. in short, andito nga ako sa Amerika, pero oras naman sa Pilipinas ang sinusunod ko. advantage ito para sa akin dahil mas nakakausap ko ang mga kaibigan ko, mas nakakapagchat, nakakapagblog. ayos din ung pagtatrabaho ko ng gabi dahil wala akong jetlag kapag umuuwi ako sa Pinas. sanay na kasi ung katawan ko sa oras, walang pinagbago. :)
Sa pagtulog ko’y siya namang paggising niya at sa pagsara ng mga mata ko sa gabi’y siya namang pagdilat ng sa kanya sa umaga, dahil sa kung tuwing pagtingala ko sa langit ay para bilangin ang mga bituing ’sing dami ng mga oras bago ko pa man siya makita ay ang haring araw naman ang sa kanyang kalangitan na sa ulunan niya’y ang matinding sinag nito ang madarama.
Sa parehong oras ay liwanag ang bumabalot sa kanya samantalang kadiliman naman ang yumayakap sa akin, sa aking pag-iisa.
Ngunit dito sa kundiman ang oras ay balewala, sapagkat hindi ito nakagapos sa bawat pagpatak ng segundong hawak ng mga kamay ng orasang mapandikta. Dito sa kung saan kami’y malayang nakakapagsama, napagsasaluhan ang oras na ‘di alintana ang pagkakaiba sa pagiging gabi o umaga, ng sa silangan o kanlurang ng mundong sa magkabilang dulo nito’y kami’y nakatira.
Ang kundiman ay isang panaginip na sa lumao’y maisasakatuparan.
O ha, dapat ito yung post namin nung araw na binago ko yung theme. Kasi naman tignan niyo ang header, night and day, ‘tas may dalawang tao sa magkabilang panig ng page, sakto sa aming dalawa ni karmi, hehehe:P Pero ginamit na din ni karmi ‘to dati para sa idlip.net, ang pinagkaiba nga lang ngayon e may deeper meaning na:D
hindi, libre ko na.
sabi ko sayo nung muli tayong nagkita. sumang-ayon ka na lamang sa sinabi ko, na nakakapagtaka dahil di ka naman dating ganun. madalas ikaw ang nanlilibre sa akin, madalas ikaw ang bahala. pero this time, simpleng ‘ok’ lang ang naisagot mo. binuksan mo ang pintuan ng Dencios para sa akin. gentleman ka pa rin syempre. nilapitan tayo nung waiter, sabi mo, table for 2. sumunod tayo sa kanya at dinala sa upuan na nasa bandang gitna. doon ka umupo sa tapat ko, na dati rati’y magkatabi tayo. iba na nga pala ngayon. iba na.
sensya sa pagdadrama. ok pa rin kami ng baby ko. :) di lang talaga maiiwasan na magsenti paminsan-minsan. – karmi
kaaalis mo lang ng bahay, papasok ka na kasi. as usual, late ka na naman. oo na, di ka late, sakto lang. hanggang sa huling segundo bago ka umalis ay bukas pa ang ating mga webcam para makita ang isa’t-isa. nakasakbit na nga ang iyong bag para pagpatay mo ng PC eh aalis ka na lang. pihadong tatakbo ka na naman hanggang sa labasan at paparahin ang pinakaunang tricycle na makikita.
lagi tayong magkausap. araw-araw. oras-oras. kung di man tayo magkachat gamit ang YM o plugoo, madalas ay magkatext tayo gamit ang twitter at brightkite. pansin nga na gamit na gamit natin ang twitter dahil halos dalawang libong direct messages na ang napapadala mo sa akin. brightkite naman ang gamit kong pantext sayo na ok lang kahit ilang beses isang araw, dahil unlimited naman ito para sa akin. kung di pa sapat ang text at chat, patatawagin pa kita sa celphone ko. boses mo ang kasama ko habang naghihintay ng bus o di kaya’y syang gigising sa akin bago ako pumasok. lahat na ata ng pwedeng nating gawin para punan ang layo sa isa’t-isa ay nagawa na natin. pati nga snail mail eh pinatos na natin.
pero bakit ako biglang nalungkot ngayon?
pero baka dumalang na pag-uusap natin sa gabi
hmmm..
ok.
alam ko na di naman pwedeng araw-araw o minu-minuto tayong magkausap. noon, alam ko un noon. pero bakit ngayo’y pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na kaya ko ito? bakit iba na ngayon? bago pa man ako pumasok sa relasyong ganito, alam ko na kung anong maaaring mangyari. pero mali pa rin pala ako, hindi ko kaya ang di ka makausap. OA ba? siguro nga. siguro dahil nasanay lang ako na andyan ka kasi palagi. na isang buzz? ko lang sayo ay sasagot ka kaagad.
hay.
nagagaraan talaga ako. nalulungkot. ewan.
lalo ko tuloy gustong makasama ka na talaga.











