kundiman[dot]net » emo daw

2311
Pathetic ba na gawin ko yan sa Facebook? Kunwari na lang eh kasama kita. Kunwari eh andito ka lang sa tabi ko. Sobrang miss na kita, heto nga ako’t napabangon para lang gumawa ng entry. Hay, wala naman akong magawa kundi ang isipin ka lang at pangarapin na sana makasama na kita sa wakas. Na sana sa susunod na i-tag kita sa Facebook eh totoong kasama na kita.

Sobrang lungkot ata. Ayos pa naman ako, kaya pa. May mga panahon lang talaga na dumadaan na lagi kong iniisip na sana hindi tayo magkalayo. Para madali lang kitang mayakap kahit na kailan ko gustuhin. Ikaw na ang ka-date ko parati at sa tuwing masama ang araw ko, andyan ka para lang patawanin ako. Simple lang naman ang gusto ko, ikaw lang, pero mukhang matatagalan pa bago ito mangyari.

Ok, tama na ang drama. Sa ngayon, magiging masaya na lang muna akong i-tag ka sa Facebook. Kunwari kasama kita, kunwari andito ka sa tabi ko. Dahil alam ko naman na mas matagal pa ang panahong pagsasamahan nating dalawa kumpara sa paghihintay natin ngayon. :)

how i met Arvin
Kanina lang ako kinabahan. Ung tipong akala ko mawawala ka na sa akin. Na magsasawa ka na sa mga pagtatampo ko. Bakit nga ba kasi lagi na lang akong parang defensive kapag may isang bagay tayong pinagtatalunan. Un na nga eh, hindi naman tayo nagtatalo, sinasabi mo lang ang opinyon mo, pero bakit galit na ako kagad. Hindi ko din alam kung bakit, basta ang alam ko, ayoko na ng ganito.

Ayoko nang mainis sa mabagal na internet connection. Ung hindi kita makausap ng maayos dahil delayed ang voice chat, nagca-crash naman kapag sinusubukan natin magvideo chat. Ayoko na nung sa panaginip lang kita nayayakap at nahahalikan. Ung kapag gusto kong maglambing sa’yo, hindi ka naman online at ang tagal mong magreply sa text. Minsa’y wala na akong maikwento sa’yo dahil madalas nakakalimutan ko na ito kapag kausap na kita. Ayoko nang maghintay, ayoko na nang ganitong setup. Nahihirapan na ako.

Nakipagtalo ako sa’yo dahil lang sa isang youtube video. Nawalan ako sa mood makipagusap. Idagdag mo pa na delayed ang paguusap natin. Sabi mo’y matutulog ka na, sabi ko sige. End call. Naglogout ka na. Hindi tayo nakapag-”iloveyou” sa isa’t-isa.

Nanonood lang ako ng How I Met Your Mother kanina, bigla kong narealize kung ano ang pupwedeng mawala sa akin kapag hindi ako nagbago. Ikaw un.

Mas hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko. Wala nang gigising sa akin. Wala nang magtetext ng “Kakain na ako”, “Maliligo na ako mahal” o “Gara. Nakatayo na naman ako dito sa bus”.  Hindi ko na maririnig ang boses mong nagpapasaya sa akin. Ang mga panaginip ay mananatiling panaginip na lamang at wala akong ibang mapagsasabihan pa. Hindi ko kayang mawala ang nagiisang taong nagpasaya at nagpahalaga sa akin. Ang nagiisang taong minahal ako ng sobra kahit na madaming nagsasabing imposibleng magwork ang isang long distance relationship. Hindi ko kayang mawala ang isang taong alam kong makakasama ko habambuhay.

Ngayon ko na nararamdaman ang hirap, minsan ang pagod. Pero, ito rin ang nagpapalakas sa akin. Titiisin ko ang hirap na malayo sa’yo, alam ko kasing, mas mahirap kapag wala ka sa buhay ko.

hiling
Makulimlim at malungkot ang langit sa labas. Wala akong magawa, nakatitig lamang dito sa nakabukas na laptop nang maisipan kong magpatugtog. Silent Sanctuary, sakto sa panahon. Sakto sa mood. Hiling. Di ko mapigilang hindi magdrama, hindi ko mapigilang maisip ka.

Miss na kita. Sobra. Alam mo un, di na sapat ang usap lang sa telepono, ang titigan sa webcam. Ang hirap. Sobrang hirap noh? Pero kinakaya ko kasi ikaw na ang gusto ko. Nanood ako kanina ng My Big Love. Sam at Toni. Crush mo si Toni diba? Kaya naalala na naman kita. =) At katulad nga ng sinabi ni Sam kay Toni, ikaw ang nagpapasaya sa akin. Ikaw talaga eh. Sorry kung parang lagi na lang kitang inaaway. Konting asar mo lang, napipikon na ako. Hehe. Sorry. Alam mo namang gusto ko lang na lambingin mo ako. Onting suyo lang, ok na ako.

Malapit nang magMarch. Excited na ako. Sobra! Matapos ang isang taon, magkikita na naman tayo. Mayayakap na naman kita. Maririnig ng personal ang lahat ng sasabihin mo. Mahahalikan. Basta makakasama. Gusto ko na ulit maranasan un mahal. Sabi mo nga, balik tayo sa Stage 1 ng relationship. Parang bagong magjowa na naman. Hehe. Sa tuwing naiisip ko un, nawawala ang lungkot at pagkamiss ko sayo. Nawawala kahit konti.

Di natin parehong alam kung ano nga ba ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Ito na lang ata lagi ang naiisip ko – kung ano nga kayang mangyayari pagkatapos nating magkita sa March. Tayo pa rin kaya? Kayanin kaya natin ang di na naman magkikita ng isa pang taon? Masyado akong nagwo-worry alam ko. Pasensya. Pero kasi, gusto na talaga kitang makasama eh. As in. Nasasayangan na rin ako sa panahong di kita kasama. Mas madami pa tayong malalaman sa ugali ng isa’t-isa. Mas madaming mapupuntahan. Mas madaming pagaawayan.

Pero alam kong mali ang magworry masyado. Dahil nadadamay pati ang ngayon. Sa sobrang pagaalala, di ko na naaapreciate ung kung anung meron tayo. Ung bawat usap natin sa YM, bawat text. Mali pala un. Maling-mali.

Ikaw na ang hiling ko. Alam kong alam mo naman yan. Gusto ko lang paulit-ulit na sabihin. Sana di ka magsawang suyuin ako. Sana di ka magsawa sa atin. I love you. =)