Sa pagtulog ko’y siya namang paggising niya at sa pagsara ng mga mata ko sa gabi’y siya namang pagdilat ng sa kanya sa umaga, dahil sa kung tuwing pagtingala ko sa langit ay para bilangin ang mga bituing ’sing dami ng mga oras bago ko pa man siya makita ay ang haring araw naman ang sa kanyang kalangitan na sa ulunan niya’y ang matinding sinag nito ang madarama.
Sa parehong oras ay liwanag ang bumabalot sa kanya samantalang kadiliman naman ang yumayakap sa akin, sa aking pag-iisa.
Ngunit dito sa kundiman ang oras ay balewala, sapagkat hindi ito nakagapos sa bawat pagpatak ng segundong hawak ng mga kamay ng orasang mapandikta. Dito sa kung saan kami’y malayang nakakapagsama, napagsasaluhan ang oras na ‘di alintana ang pagkakaiba sa pagiging gabi o umaga, ng sa silangan o kanlurang ng mundong sa magkabilang dulo nito’y kami’y nakatira.
Ang kundiman ay isang panaginip na sa lumao’y maisasakatuparan.
O ha, dapat ito yung post namin nung araw na binago ko yung theme. Kasi naman tignan niyo ang header, night and day, ‘tas may dalawang tao sa magkabilang panig ng page, sakto sa aming dalawa ni karmi, hehehe:P Pero ginamit na din ni karmi ‘to dati para sa idlip.net, ang pinagkaiba nga lang ngayon e may deeper meaning na:D













