| |
May 4, 2009 » 320 days ago
blog update, gadget and stuff
alas-dos ng madaling araw. nakahiga ako sa aking kama’t walang magawa. iniisip ko kung matutulog na ako eh kitang kagigising ko lang ng 11:30pm. dahil sa panggabi ako, sirang-sira na ang body clock ko.
kinuha ko ang aking iPod touch. habang nakikinig sa MYMP, ay nagbrowse ako ng Applications na pwedeng i-download. ung libre lang ang kinukuha ko, di ako magbabayad ng .99 cents para lang dun noh. oo na, kuripot na.. ay, hmm, i take that back, may isang app pala akong dinownload na binayaran ko — ung tumblr app. malay ko bang may bayad un!! hehe
nakakuha ako ng libreng apps para sa YM, at pinalitan ko na rin ung Twitterific app ko, Twitterfon na gamit ko. nagdownload din ako ng games tulad ng Minesweeper at CatchaMouse. download galore!!
pero ano ito, may nakita akong Wordpress app. dinownload ko rin syempre, at ito na ngayon ang gamit ko para magupdate dito sa kundiman. ok sa alright!! hehe. sa wakas may magagamit na akong pagpost lalo na kapag may naisip akong blog entry pero wala ung laptop ko o kaya eh tinatamad ako bumangon, tulad ngayon. nice:)
ung nga lang, since iPod touch nga ang gamit ko, medyo kelangan kong magpratice na gamitin ung keyboard. ang hirap eh, kailangang ipress lagi ung backspace. sa taba ba naman ng daliri ko, madalas eh maling letra ang napipindot ko, lalo tuloy magkakaroon ng typo error.
so since may Wordpress app na itong iPod ko, at mas madali na ang paglalagay ng blogentry,ibig sabihing ba eh mapapadalas na ang pagpopost ko?
di rin. hehe:)
ps. ok naman po kami ni Arvin:) naemo lang talaga ako nung araw na un:)
pss. pwede ring palang magpost ng picture dito, un nga lang ang sabi eh “photo will be posted at the bottom of the post when published.” so tingnan na lang natin kung anung itsura nitong entry ko:) hehe.

October 1, 2008 » 535 days ago
Litratong Pinoy, gadget and stuff
Water, 35 litres. Carbon, 20kg. Ammonia, 4 litres. Lime, 1.5kg. Phosperus, 800g. Salt, 250g. Niter, 100g. Sulphur, 80g. Fluorine, 7.5g. Iron, 5g. Silicon 3g. And fifteen other elements. Those are the elements to make an average adult human body. You can buy these elemental ingredients at the market with the pocket money of a child. Humans are made so cheaply.
Edward Elric, Full Metal Alchemist

VIA KM400 motherboard. 749Mhz AMD Duron? processor. 512MB Kingston RAM. 40GB Samsung HDD. 52x Samsung CD-ROM Drive. 17′ Sampo CRT Monitor. 384kbps SmartBRO broadband connection. PS/2 keyboard, USB optical mouse at webcam, at headset (ang primitive ng PC ko:P). Yan na lahat ang bumubuo sa aking kompyuter, pinagsama-samang bakal, plastic, salamin, kurdon, goma, tingga, ampi.
Pero ang kabuuan ay higit pa sa pinagsama-samang parte nito.

Ito ang aking pangalawang ‘baby’ — Dell XPS M1530 na aking binili noong April 2008. Matagal na akong infatuated sa Mac pero mas pinili ko pa rin ang Dell. Nung una nga’y ayoko nito dahil Windows Vista ang OS, pero pagtagal nagustuhan ko na rin dahil sa mga gadgets na pwede mong ilagay sa gilid. Intel Core 2 Duo pa, para sosyal. :P hehe. Hindi ko rin masyadong problema (sa ngayon) ang storage dahil sa 250GB na space. Grabe, ilang kanta, videos at pictures na un! :D May built-in WLAN Mini-card pa, para kahit saan ay pwedeng makakuha ng libreng internet, basta ba hindi naka-password protect ung nanakawan ko ng wi-fi connection. Dahil nga internet to sawa ang drama, gamit na gamit ang built-in webcam sa tuwing ka-chat ko si Arvin. :) At kung mapapansin mo, may wireless mouse na rin akong binili para dito dahil nagagaraan akong gamitin ung touchpad, pasmado kasi ako.
buhay ko itong laptop ko. halos 24/7 nga ata akong nakababad sa harap nito. walang patawad. kahit katulad ngayon, sakit-sakitan portion, harap pa rin sa laptop, para lang makapagpost para sa LP. at syempre, para makachat na rin si Arvin. :)
Ito ang aming lahok para sa ika-27 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Aking Kompyuter. Ang dalawang litrato sa taas ay kinuhanan kanina lang, yung una, sa Pilipinas, yung pangalawa, sa Amerika. Bisitahin ang mga kompyuter ng iba pang mga miyembro dito. Happy LP!
September 8, 2008 » 558 days ago
blabbers, gadget and stuff
nung isang linggo, may inipit na note ang aking kapatid na babae sa aking bag.
ate, pakialagaan naman ito please. 7am sya gumigising, dapat lagi syang masaya at saka wag mong gugutumin. wag mo ring sosobrahan ang pagpapakain. may training sya ng 10am, 12nn at 4pm. salamat.
– mim
hawak ko sa isang kamay ang papel habang sa kabila nama’y hawak ko ang tamagotchi nya. im officially tamagotchi-sitting. masaya ito.
bumili kami ng tig-isang tamagotchi ilang linggo bago magpasukan, dahil sale ito sa isang toystore. dapat eh para sa kanya lang, pero ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote ko’t pati ako’y naengganyong bumili na rin. pagkauwing-pagkauwi namin, binuksan kaagad nya ang kanyang tama at kinalikot ito kaagad. ako? inilagay ko ung akin sa aking bookshelf at binuksan ang laptop. hanggang ngayo’y di ko pa rin nabubuksan ang tamagotchi ko.
isang linggo ko nang dinadala ang tama ng kapatid ko. isang linggo na rin akong naririndi sa pagbeep nito sa tuwing nagugutom, kelangan ng kalaro, o jumejebs. sa tuwing tinitingnan ko ang maliit na screen ay di ko pa rin malaman kung bakit dito ito napapagod sa kakatalon, kaya rin siguro gutom ito parati. demanding sa oras at panahon ang tamagotchi. isang oras lang na di mo ito pansinin, mababawasan na ang kanyang happiness at kelangan mo nang pakainin ng ilang beses para lang mabusog. pero kahit na virtual pet lamang ito, nakakaadik din ang pagaalaga ng tama. naalala ko tuloy ung kanta ng Eraserheads na ‘Tamagotchi Baby’..
automatic lover you’re my techno lust
addicted to your love like magic dust
ecstatic little plastic drives me off the wall
push the right buttons remote control
binibigyan daw ng sense of responsibility ang may-ari nito. oo nga naman, sobrang ubos kasi talaga ang oras mo sa pagaalaga nito. kapag kasi hindi mo ito naalagaan ng maayos, pwede itong mamatay o di kaya’y lumayas sabi ng kapatid ko.
ako: eh pano kung mamatay ito? pwede namang ireset na lang diba?
mina: ate, hindi pwede. 6th generation na yang tamagotchi ko.
ako: so?
mina: ate, so ka dyan! paghihirapan ko na naman un. WAG MONG PAPATAYIN YANG TAMAGOCHI KO! *sabay titig ng masama*
ako: *tameme*
*beep*
hindi ko alam kung hanggang kelan ko aalagaan tong tamagotchi ng kapatid ko. siguro hangga’t sa magsawa na lang sya.
*beep*
hmm, ok naman magalaga ng tamagotchi, nakakatuwang panooring lumalaki ung alaga mo. nagkakaroon ka ng bonding, kahit na virtual pet lamang ito. napapamahal na rin sya eventually sayo..
pero kung, wala ka nang ibang magawa dahil kelangan mo nang alagaan…
*beep beep*
at maingay na, tulad ngayon..
*beep*
ewan ko lang kung matuwa ka pa.

Ito ang aking lahok para sa ika-23 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Tanso (copper or reddish metal). Ang litrato ay kinuhanan kanina, dito sa tabi ko lang habang nakikipagvoice chat, hahaha. Bisitahin ang lahok ng iba pang mga miyembro dito.
March 31, 2008 » 719 days ago
gadget and stuff
nak, kausap ko tita mo kanina.
kamusta daw dad?
ok naman daw. nga pala, diba nabanggit mo dati na balak mong bumili ng bagong laptop?
opo. bakit po?
eh kasi, kung un nga ang balak mo, baka pwedeng ibigay na lang natin ung laptop mo sa kanya.
ahhh. eh dad, ung kay carlo na lang po ibigay natin tapos kay carlo na lang ung laptop ko.
pwede rin un. sige.
ok po.
ayos. mawawalan na pala ako ng laptop sa June. dapat matuloy na ung ‘balak’ ko. simula na naman ng paghahanap ng kung ano bang laptop ang maganda. hmmm.. ano nga ba?

Dell XPS ung laptop ko kaya una akong tumingin sa dell.com. nakita ko ung XPS M1530. ok na rin. parang kapareho lang nung luma ko. ang kaibahan lang, Vista ung OS. AYOKO ng Vista. ewan, basta ayoko lang. mas mahal ko pa rin ang XP. hehe. pero, since ala na atang laptop ngayon na naglalabas na XP ung OS eh, ok na rin siguro ung Vista. ok rin ung presyo, $1,324.00. sakto dahil may $1,500 na credit ang nanay ko sa Dell. pwede na. pwede ko nang bilhin ng oras na un. kaso, di ko ginawa. kasi naman..
nagbukas ulit ako ng browser at nagpunta sa apple.com. gusto ko rin kasi ng MacBook. simula pa ata nung nagisip akong bumili ng laptop last year eh gusto ko na ng MacBook. sa tuwing mapupunta ako sa Apple Store dito sa malapit sa amin, lagi akong nagpupunta dun sa mga laptops. waaa, ang ganda kasi. ganda ng itsura. hehe. basta. infatuated nga siguro ako sa itsura ng MacBook, pero sino ba namang di magkakagusto dito?
 
kaso, iba kasi ang interface ng Mac. iba ang OS. iba lahat. sabi nga ng bestfriend ko, adjustment lang talaga. kaya ko naman sigurong intindihin un noh? hehe. baka ma-bobo ako dun.
$1,099.00 – $1,499.00 ang presyo. halos ka-presyo lang din sya nung gusto kong laptop sa Dell. ang hirap nga lang, wala akong account sa Apple. di ko naman kayang maglabas ng $1,500 ng ganon na lang. hmm, pwede ata akong magapply ng credit sa kanila. sana lang ma-approve ako.
Mac or PC? naalala ko tuloy ung mga commercials ng Apple, na laging talo ung PC. ano nga ba ang mas maganda? ano nga ba ang gusto ko? di ko rin alam. kahit ano siguro. hehe. basta meron akong magamit na computer pagbalik ko dito galing Pinas.
ate, ung MacBook na lang bilhin mo.
bakit naman?
la lang, para iba lang.
nga naman. para iba lang. hainaku talaga. di ko alam. lahat na lang prinoblema ko. hehe.
ano nga bang mas OK? Mac o PC? para sayo ano? ^_^
|
|