| |
December 29, 2009 » 78 days ago
heart-to-heart

Vanny,
Sino ba naman ang makakalimot sa naging regalo mo sa akin nung isang taon? Nakatanggap ako ng package na hindi ko naman kilala kung kanino galing. Ang buong akala ko’y bomba kaya hindi ko kaagad binuksan. Nung nabuksan ko naman, sina Jollibee, Naruto at Hello Kitty ang bumungad sa akin. Nasurprise mo ko ganda. Sobra! =)
Ngayon, birthday mo na. Happy Birthday Vanny! At hayan, binabati ka nina Jollibee at Naruto. Miss ka na rin kasi nila. Pero syempre, mas miss kita! Kelan nga ba ung huling usap natin? Hmm, March this year. Ang tagal na sissy, sobrang nagpapamiss ka! Dumaan na rin ang birthday ko na hindi mo ako nababati, Halloween, at Pasko. Nasaan ka na ba kasi? Masyado kang nagtatago. Sana naman ngayong birthday mo eh makausap kita diba? Di ko pa rin pala alam ung address mo, di tuloy ako makapagpadala ng regalo sayo.
I love you sissy. Sana kung nasaan ka man ngayon, eh maging masaya ka. Because you deserve to be. Happy Birthday ulit. Sana makausap na kita. =) I miss you!
Pakita ka sa akin sa March ha. Uuwi ako. Sana magkita tayo.
- Mimay
August 9, 2009 » 220 days ago
heart-to-heart
..naramdaman kong kasama ko sila. Sa bawat selebrasyon ay para pang andun ako’t nakikitawa’t nakikipagkulitan. Pinagpapasa-pasahan ang telepono habang pinagdarasal ko na sana’y mas mahaba pa sa isang oras ang tawag. Para naman makausap ko sila ng matagal.
Ganyan na ang drama ko mula nang mapunta ako ito sa Amerika. Mga ilang birthdays, inuman sessions, paggala sa mall at out of town trips na rin ang namiss ko. Pero kahit na wala ako dun, pinilit kong makatawag. Gusto kong tumawag. Kahit na sobrang ingay sa loob ng bar, nawawalan palagi ng signal o di kaya’y sadyang bingi lang ung kausap ko kaya di nya ako marinig, eh tatawag pa rin ako. Hay. Namimiss ko na talaga sila.
Teka, bat naging madrama post to! Haha. Hindi dapat malungkot. Maging masaya dapat dahil kahit na nasa malayo ako, di pa rin nagbabago ang samahan. Di pa rin nakakalimot. =)
Kasama pa rin ako kapag birthday..

O kaya out of town. Masaya na akong marinig ang tawanan at pagaaway nila sa kabilang linya..

Hanggang sa pinakaimportanteng okasyon sa buhay nila, kasama pa rin ako.. =)

Sa loob ng isang oras na tawag, kahit na halos walong libong milya ang layo, parang nakakasama ko na rin sila. ^_^
August 7, 2009 » 222 days ago
heart-to-heart
Mahalyn,
Kamusta naman. Hindi ko akalaing gagawa ako ng ganitong sulat – at lalong di ko inakalang sayo pa. Haha! Naku, kapag nabasa mo ito, eh baka batukan mo ako. Pero buti na lang eh hindi mo kaya. :P
Ikakasal ka na tol. Ilang oras na lang, di ka na single. Katulad nga ng sabi mo sa text, “Goodbye na sa pagkadalaga”. Grabe, ang bilis ng panahon noh? Eh parang kailan lang nang maging barkada tayo sa college. Wala kang boiprend buong college years natin, hindi ka masyadong namomoroblema sa lalake, pero kita mo naman, ikaw ang unang ikakasal sa barkada. Astig. =) Sobrang saya ko talaga para sayo tol! Pero naman, wala ako sa kasal mo. =(
Ikaw na ata ang pinakapasaway sa ating lahat, well, oo na, ako na ung una. Isa lang naman ang bilin ko sa inyo mula nung umalis ako ng Pinas, na sana kung may ikakasal sa inyo, eh sana, sana lang naman, sabihan nyo ako ng maaga para makauwi ako. Sinunod mo ba? Hinde. Nakatanggap na lang ako ng text galing kay Esel noong 3rd week of July na ikakasal ka na ng August. Anakng. Hahaha. Di ako makakauwi ng ganun-ganun na lang. Pasaway ka talaga tol! Hehehe. Tas minessage mo pa ako sa friendster na abay ako sa kasal mo. I love you na! Talagang sobrang pang-iinggit na ang ginagawa nyo. Madaya. Pero kung andyan man ako, di siguro ako papayagang magovernight. Hahaha. Pahirapan na naman sa pagpapaalam tol.
Tinext mo ako kanina lang, sabi mo nga, ikakasal ka na bukas at pinaalalang pumunta ako. Naluha ako tol. Sira ka kasi. Naalala ko ung mga batok at pangaral na binigay mo sa akin noong college. Na sa tuwing iiyak ako magagalit ka, sasabihan mong ang epal ko. Ikaw ang pinakaprangka at medyo masakit magsalita sa atin. Actually, feeling ko, takot kaming lahat sayo. Ikaw kasi ang maton sa atin diba? Tas ngayon, ikakasal ka na. Saya. :) Sayang talaga, wala ako sa espesyal na araw mo. Gusto kitang yakapin at sabihan na ang landi mo. Naku, di ko pa pala nakikilala ng personal yang magiging asawa mo. Nakausap ko lang sya sa telepono. Mukha namang mabait, feeling ko magkaugali kayo. :) Naalala mo ba ung huling usap natin? Noon mo sinabing balak mo nang magpakasal pero di mo alam kung pano ka papayagan. Haha! Hanggang ngayon, pasaway ka pa rin. Pero ayan, matapos ang ilang buwan, matutupad na ang hiling mo. :)
Muli, congrats tol. At kahit na may asawa ka na, alam mo namang andito pa rin kami para sayo. Andito lang ako, malayo man, alam mo namang pwede mo pa rin akong makausap. Goodluck sa panibagong chapter ng buhay mo. Buhay nyo. =)
Hay naku, maiinggit na naman ako sa pictures nyo. Booo! Pampam ka kasi eh. Pwede bang next year ka na lang ikasal para maka-attend ako? :D hehehe.
I love you tol!
– Carme
Ps.
Next year na regalo ko ha. =)
February 2, 2009 » 408 days ago
heart-to-heart
2002. 3rd year college. classroom setting. my professor asked us that same question. I wasn’t paying attention that’s why I was caught off guard when he called my name. sitting in the first row, chair beside the door, is never a good idea because you always get called first. I stood up, still not sure what to say. all my classmates were looking at me, waiting for my answer. shoot, I don’t know, five years from today? I don’t plan waaaaay ahead.
Ms. Francia?
Sir, I’m not sure what I’ll become 5 years from now. I’m not even sure if I am going to graduate next year.
it was 2002 when we got the letter from the the US Embassy that it’ll be less than a year for our papers to be processed. finally, after 15 years, we are going to migrate and live in the US. I’m not sure if I am going to graduate next year. I almost got teary-eyed after saying that. living in the US is not really part of my plan(s). I don’t want to leave. I just wanted to have a job and stay with in the Philippines with my friends. and, maybe after 5 years, have a family of my own. plain and simple. right?
it was May of ‘05 when my family finally left the Philippines and yes I get to finish my degree and graduate with my batch mates. it was a fresh start not just for me but also for my family, we started from scratch. we’ve been here for almost 4 years now, and I can say that a lot have changed.
so, why the sudden trip down to memory lane you ask? I got this book from Starbucks, with the same title, and I just wanted to share it with you. ^_^ they made this book to help you plan and decide what you wanted to do with your life. :)
they got this list. hope it’ll inspire you be a better you starting today til 5-10 years from now. :)
Life is too short to be cranky. Attitude is a choice. We create our own world by the way we choose to see it. For the next five years your mind can focus on fear, worry, problems, negativity or despair. Or it can focus on confidence, opportunity, solutions, optimism and success. You decide.
Keep your word. Say what you mean, and mean what you say. Look the world straight in the eye. Live and work with honesty, openness and integrity; keep your promises, and everything else is a piece of cake.
Forgive everyone, especially yourself. Let go of past hurts. Feelings of resentment (or revenge) are worthless — they can only drag you down. The courage to forgive and move on is so liberating. Make it a rule: “Always be the first to forgive — especially yourself.”
Move forward. Yesterday is a cancelled check. The past is not your potential. There are far better things ahead than any you leave behind. The next five years are a blank canvas — clean and bright. Decide that you will throw all the paint on it you can.
Quit worrying. It’s been estimated that 99 out of 100 things we worry about never come to pass. If you stopped worrying about what might happen tomorrow, wouldn’t that give you more time to actually enjoy and savor today? What did you worry about six months ago? A year ago? Five years ago? How many of you biggest fears have actually come to pass?
Be grateful. Stop and view your life through the eyes of the other six billion people on Earth. Literally hundreds of millions of people would gladly trade places with you right now — and be ecstatic.
It’s the little things. Thinking small is an art — the art of living. The happiness of life is made up of little things — a smile, a helping hand, a caring heart, a word of praise, a moment of shared laughter. We are most alive in those moments. Savor them all!
5 years is a long time to plan, so we have to start now. start with the small things, simple things that we normally just don’t care about. :)
how about you?
where will you be five years from now? :)
December 16, 2008 » 457 days ago
heart-to-heart
simula na ng Simbang Gabi, at simula na rin ng pakulo namin ni Arvin dito sa kundiman. siyam na blog entry na patungkol sa Pasko. at ako, si karmi, ang magsisimula. :)
anung gusto mong regalo?
tinanong ako nyan ni ate melai nung isang araw. anu raw ang gusto kong christmas gift. well, anu nga bang gusto ko? hmmm.. hanggang ngayon eh hindi ko pa alam.
sabihin nyo nang imposible, pero wala akong maisip na materyal na bagay na gusto kong matanggap ngayong Pasko. wala na akong maisip na electronics na gusto kong mabili o ipabili. damit? libro? sapatos? ewan, wala talaga akong gusto. wirdu nga eh, dahil nung tinanong ako ng tatay ko kung anong gusto ko, parang napilitan pa akong ipabili ung camera. sira na kasi ung dati naming camera kaya kailangan nang bumili. sabi ko sa tatay ko, ako na lang bibili, pero mapilit, di na ako nakipagtalo.
sa ngayon, simpleng mga bagay lang ang gusto ko sa Pasko. simple joys ika nga, mababaw lang naman kasi akong tao.
- day-off sa trabaho. may pasok kasi ako ngayong Pasko at may overtime pa. isang araw na pahinga, ayos na sa akin un. para lang makatulog ng normal. :)
- magkaayos na kami ng kapatid ko. nagkaroon kami ng pagtatampuhan ng kapatid ko, last week. nagkasigawan, nakapagbitiw ng masasamang salita. ngayon, kinakausap na naman nya ako, pero ramdam ko pa rin ung pagiwas. ramdam ko ung gap, kahit na isang dingding lang ang pagitan ng mga kwarto namin. ambigat sa pakiramdam, nagsisisi talaga ako. haay, next times pramis di na iinit ulo ko.
- makausap mga kaibigan ko. magkikita-kita daw college barkada ko sa 27. ayos, matapos ang halos isang buwan na di ko sila nakakausap, makakatsikahan ko na ulit sila. pihadong madami silang kwento dahil may mga boyfriend na sila. :) bibili ako ng isang phone card, hmm, gagawin ko na lang sigurong dalawa. :D
- yakap at ngiti mula sa mga kaibigan ko dito. may Christmas party sa Sabado. formal daw ung attire kaya naman ayokong pumunta. kasi naman, kailangang magbestida. :P pero aattend pa rin ako para sa libreng food at para makapagenjoy na rin. :)
- makausap baby ko. well, given na ata yan. :) hehe. di ko na masyadong ie-explain dahil may christmas post ako tungkol dito. :)
- full-recovery ni Vanny. *hugs* sissy. sana talaga gumaling ka na.. Happy Birthday! mwah!
- maging successful ung 25th Wedding Anniversary celebration ng parents ko. :) its been 25 years, grabe. ang tanda ko na talaga. LOL. hehe.
- happiness para sa mga kaibigan ko dito sa blogospehere at para na rin sa mga nakasamaan ko ng loob this year. well, sana di naman sila ganun kadami, pero kung sumama man loob mo sa akin, wag ka nang magalit para maging tuluyang masaya ka na. ^_^
- syempre kasama na rin sa listahan ko ang World Peace. :)
LOL. di pwedeng wala. isip ka.
– ate melai
wala na nga ba akong gustong materyal na bagay? hmmm..
siguro plane ticket pauwi ng Pinas. :P
|
|