| |
November 24, 2008 » 481 days ago
heart-to-heart
ito ay isang special post para kay Vanny.
last November 19, may bagong post sa blog nya, pero hindi sya ung author nung post. si Shobe. sabi ni Shobe, nasa ospital daw si Vanny. at that point, kinuha ko kaagad ung phone ko para itext sya ng get well. akala ko eh dahil lang sa nilalagnat sya or something kaya sya naospital.
ngayon na lang ako nakadalaw ulit sa blog nya, wala pa ring update, kaya naisipan kong magbasa ng comments. dun ko nalaman na di lang pala simpleng lagnat ang dahilan kaya sya naospital… :(
To all:
She’s still in the hospital. Still not awake. Terrible car accident. =(
Thanks for the prayers.
car accident. :( nung Nov. 21 ung comment. kaya pala walang reply sa text ko.. :( sissy, sana ok ka na ngayon….
miss you sissy!! as in… kaya dapat gumising ka na ok??? i demand! *hugs*
kaya sana po sa lahat ng nakakakilala kay Vanny, o sa mga dumadaan dito sa kundiman, pagpray natin sya…
July 26, 2008 » 602 days ago
heart-to-heart, writings
sobrang hirap ba??
tanong sa akin ng pinsan ko kanina habang ka-chat ko sya. namomoroblema kasi sya dahil pupunta ng Canada ang girlfriend nya at magkakahiwalay sila for 8 months. tinatanong nya ako kung mahirap ba ang long distance relationship. i wonder kung bakit ako ang naisipan nyang tanungin tungkol dito.
mahirap nga ba? hmm, oo naman. hindi biro ang long distance relationships. lahat na ata ng oras, lakas at pasensya mo eh kelangan nito. i would know, parang naging ‘guru’ na nga ata ako pagdating sa topic na ito. mahirap talaga dahil di mo nakakasama ung mahal mo, di mo nayayakap, di mo nahahawakan. mahirap ipadama ang nararamdaman sa taong malayo sayo. kulang ang paguusap sa telepono, kulang kahit na araw-araw kayong magka-chat. pero dahil mahal mo, gagawin mo lahat kahit mahirap, just to make the relationship work.
nag wowork ba yung ganun lang?
hmm.
depende naman sa inyo eh
kahit naman ano atang relationship, dalawang tao ang involved. so, nasa paguusap nyo na rin un diba? maraming tutol sa LDR dahil sa mga obvious na dahilan — ung layo, unfaithfulness, pagkasawa, o ung pagkawalan ng pag-asang makasama pa ang isa’t-isa. aminado akong tutol ang mga kaibigan ko sa LDR, ilang beses na rin nila akong sinabihan na magingat dahil nga di mo sigurado ang kalalabasan. tama nga naman sila. di mo nga naman alam kung anong pwedeng mangyari.
sa 3 years na stay ko dito sa America, isa lang ang napatunayan ko, makulit talaga akong bata. dahil kahit na alam kong mahirap ang LDR (and considering na ung last relationship ko eh di rin nagwork), heto na naman ako. another LDR…. (love you arvin. :D) panibagong pagbababad na naman ito sa harap ng computer. :)
mahirap talaga ang LDR, pero kung kasing sweet ni arvin ung kaLDR mo, na kakantahan ka pa, eh mas madali. :)
Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.
Out of my League – Komski
depende talaga. kung pareho kayong willing na maghintay na dumating ung panahong makasama nyo muli ang isa’t-isa, magwo-work ang LDR. nasa sa inyo na lang un kung pano nyo ipaparamdam ung pagmamahal nyo. kung gusto nyo, gawa na lang din kayo ng blog katulad namin ni arvin, pwede ring magrecord din kayo ng kanta o kaya gumawa ng video.. hehehe… :D may snail mail, email, YM, Gtalk, twitter, skype, plugoo, phonecards, at nito lang eh, nakadiskubre si arvin ng site na pwedeng tawagan ang celphone ko.. tulad nga ng lagi kong sabi, kapag gusto, maraming paraan.. :)
hindi pwedeng isipin na hindi sapat ang mga kaya lang natin gawin, edi hindi nga talaga tayo tatagal kung ganun.
– arvin
alam kong natatakot ang pinsan ko sa pwedeng mangyari, pero sinabi ko lang sa kanya na wag masyadong magalala’t basta di dapat mawala ang communication nila. 8 months lang naman eh, saglit lang un. :) sinabihan ko rin sya na magpakabait na lang habang wala ung girlfriend nya. hehehe.. mga lalake kasi eh. :P
mahirap nga ang LDR, pero meron pa rin naman ang nagwo-work kahit na magkalayo sila. :) syempre, im hoping na maging happy ending din ang love story namin. :)
june 12- june 30.
worth it ang 14 hours na biyahe pauwi.. sobra.. bitin pa nga eh.. =)
halos isang buwang din akong nasa Pinas. halos isang buwan gumala, at nagsaya kasama ang pamilya at ang mga kaibigang matagal ko nang panahon bago ulit nakita.. nakakatuwa, nakakaaliw dahil ganon pa rin sila.. walang pinagbago, kung meron man eh makukulit pa rin sila.. =)
mula, elem., HS, at college pati na ring mga dating katrabaho eh nakita ko silang lahat.. walang patid na kwentuhan, walang patid na kulitan.. nakakamiss, sobra.. dahil alam kong matapos ang aking bakasyon sa Pinas, ay di ko na ulit alam kung kelan ko sila makikitang muli.. teka, bat ang drama nun? hehehe.. bawal nga palang magdrama.. dahil alam kong uuwi ako ulit at makikita ko silang muli. :D
sa aking paguwi, nagkaroon din ng EB kasama ang mga bloggers.. nakakatuwa dahil halos lahat ng inimbita ko ay nakarating.. =) sayang nga lang si ate karen, dahil may malaking balita noon kaya di sya nakasama.. sayang talaga.. salamat nga pala sa mga bloggers na nagpunta.. kay yeye, na nauna sa gateway at naka-uniform pa, kay mareng lojik na kahit hindi na sya active sa blogging ay nagpunta pa rin.. kay masterbetong na naging official photographer ng EB.. kay rob, sobrang thank you dahil nagundertime ka pa para sa akin! hehehe.. kina ate lalaine at dra. rio, na nakatalikod pa lang ako eh nakilala na ako kaagad.. (dahil daw sa post ko).. salamat din pala sa hanny.. :) kay tin, na di rin tinapos ang seminar na inatenan nya.. :) kay ate cielo, na binitbit si ate sheng, salamat sa kulitan at tawanan.. kay sissy vanny na biglang nagkasakit nung 18.. hahaha.. :P at syempre, kay kuya majorkontrapelo, na kahit late eh nagpunta rin.. salamat sa panlilibre sa dencios.. :) ay kasama syempre, si arvin, na lahat ata ng ng tao eh nagulat na sya daw pala si komski.. hehehe.. ^_^ super thank you talaga sa inyo.. =) kina chester, noime, janis, salamat sa mga text message nyo… sayang di ko na kayo nakita, naging busy na kasi.. :) si yods ang gusto ko ring mamit kaso, naka-hiatus naman sya nung panahong un.. haaay, basta sa susunod na uwi ko na lang.. =)

ako. yeye. arvin — mga idlipero.

superbowl. =)

backview..
nakipagkita nga rin pala ako kay gasti, pero dahil sa sobrang sikat sya at nagpapaka-anonymous pa rin, pinakiusap nyang wag ko daw ilagay dito ung picture nya.. :) pero dahil makulit ako bata, eto na.. =) hehehe..

gasti.
bitin ang tatlong linggo, pero masaya na rin. =)
nagpunta ako ng ortigas at nakipagsiksikan sa MRT, para lang mapanood magperform ang Grin Dept. sa Pioneer.. nagpunta ng Trinoma saktong andun ang Project One.. naging tambay ako ng gateway ng ilang araw at nakapunta rin ako ng La Mesa Eco Park.. napadad ako sa MOA, para samahang magsukat ang aking mga kaibigan ng uniporme, tapos ay nagpunta ng Manila Ocean Park.. sumaglit sa PUP, para magsenti mode, pagtapos ay binalak sumakay ng patok pero di na rin natuloy.. nagpunta ng Bulacan para ma-meet ung parents nya, na naging ok nman. =) nagnight swimming rin kasama ang mga HS barkada at namit rin ang mga grade school friends na after 12 years eh nakita ko ulit.. binagyo pero parang wala lang, dahil nasa megamall pa rin kahit na signal #3.. pero sa lahat, ito talaga ang pinakamasayang nangyari sa buong stay ko…

i love you jabi!
ang magkaroon ng picture kasama si Jollibee! :D kakilig.. hahahaha…
pero ang totoong rason, kaya kami umuwi eh dahil ikinasal ung kapatid ko. :) naging ok naman ung kasal, mejo umulan nga lang nung umaga.. naging babae ako, for once.. hehehe.. =) pictures? hmmm, ito isa..

peace!
hahaha.. =) iba daw ang itsura ko kapag naaayusan.. :P sa ibang pictures, check nyo na lang multiply ko.. =)
naging masaya ang stay ko sa Pinas. nasabi ko na bang bitin? sobrang bitin… kaya uuwi ulit ako. :D may babalikan kasi eh.. ^_^
http://carmefrancia.multiply.com.. =)
May 19, 2008 » 670 days ago
buhay SATown, heart-to-heart
…nagsabihan na kami ng I Do at nangakong magsasama habam-buhay. narinig ko na lamang ang pari na sinabing “I now pronounce you man and wife.” nagkatitigan kami, naglapit ang ulo at hinalikan nya ako. rinig sa buong simbahan ang palakpak ng mga tao. di ko mapigilang mapaiyak habang yakap-yakap ko sya. ito na nga ang pinakahihintay ko. ang makasama ko sya, hanggang sa pagtanda ko. tiningnan nya lang ako sa mata at sinabing wag akong umiyak. pero sobrang emosyonal kasi na di ko talaga mapigilan. masaya ako. sa wakas kasama ko na ang taong pinakamamahal ko….
– altar March 18, 2007
ginawa ko yang post na yan last year. feelingera kasi ako na ikakasal ako this year pero syempre hindi na ito matutuloy.
melo: ate, kelangan ko pa ng blahblahblahblah para sa kasal ko. ang dami ko pa ngang babayaran eh. ala na akong pera.
ako: eh tol, sino bang may sabing magpakasal ka?
isang taon ang lumipas matapos kong gawin ang post, sino ba namang magaakalang ikakasal pala ang kapatid ko. sya actually ang dahilan kung bakit kami uuwi ng Pinas sa June. hanggang ngayo’y di pa rin ako makapaniwalang ikakasal na sya — ang paborito kong kapatid, paborito akong awayin at asarin. lalo akong di makapaniwalang mauunahan na nya ako. gara, sana sinabi nya ng maaga para nagpakasal na ako nung huling uwi ko ng Pinas. tsk. wish ko lang hindi totoo ung kasabihan ng matatanda.
mama: ngayon lang ata ako hindi iiyak sa pagalis mo.
ako: hala ma, bat naman kayo iiyak kapag umalis si melo?
mama: eh kasi alam kong may rason kasi kaya ka uuwi.
melo: mama ang drama.
ako: umiyak din ba kayo nung umuwi kaming tatlo?
mama: hindi.
ako: nye paborito talaga. hehehe.
ako: tol, pang-ilang uwi mo na ba ito?
melo: pangatlo ate.
sa tatlong taon naming stay dito sa Amerika, tatlong beses na rin syang umuuwi. tsk. nagagawa nga naman ng pag-ibig.. :)
bukas na ang alis ng kapatid ko. mauuna syang umuwi kesa sa amin dahil sa mga aasikasuhin pa sa kasal. habang tinitingnan ko syang magimpake kagabi, naisip ko na mamimiss ko rin pala ang kapatid ko. mamimiss ko ung panggigising sa akin kahit na 2 oras pa lang ang tulog ko para lang pumunta ng mall. ung pagpasok nya sa kwarto namin para lang mang-asar at manakit (un kasi ang paglalambing nya). ung mga paggastos nya parati tapos eh magrereklamo na wala na daw syang pera. mamimiss ko ung mga “talk” na meron kami tungkol sa kung anu-ano lang na laging napupunta sa lablyp ko. ung pagsasabi nya na ang tange ko talaga nung nakita nya akong umiiyak. ung maarte sa pagkain. mamimiss ko lalo ung kaagaw ko sa banyo. mamimiss ko ung dati dahil pagbalik nya dito, oo nga’t kapatid ko pa rin sya pero may asawa na sya eh. di ko na sya pwedeng awayin ng ganon-ganon na lang. :P
ikakasal na ang kapatid ko. alam ko namang mature na sya para pasukin ang buhay may asawa. alam kong handa na sya. isa lang naman ang wish ko eh, un ay ang maging masaya sila ng asawa nya. :)
at syempre, sana talaga hindi totoo ung kasabihan ng mga matatanda. un lang. hehe.
* – my brother
May 9, 2008 » 681 days ago
heart-to-heart
ako: ma, malapit na Mother’s Day. ano gusto nyong regalo?
mama: kahit ano.
ako: ang hirap naman ng kahit ano eh. wala ba kayong specific na gusto?
mama: pakabait ka na lang.
ako: mama naman. ala bang mas madali dyan?
mama: ang dali na nga lang nun eh. papakabait ka lang, di ka na gagatos.
ako: ……
ako: ay ma, diba gusto nyo ung katulad nung sapatos ko? ung nakita nyo sa Nike.
mama: oo.
ako: un na lang ang bigay ko for Mother’s Day.
mama: kaw bahala. ang hirap talagang magpakabait noh?
ako: love you ma!
Maligayang araw ng mga Nanay sa lahat ng nanay sa mundo. ^_^
|
|