May 9, 2008 » 813 days ago
heart-to-heart
ako: ma, malapit na Mother’s Day. ano gusto nyong regalo?
mama: kahit ano.
ako: ang hirap naman ng kahit ano eh. wala ba kayong specific na gusto?
mama: pakabait ka na lang.
ako: mama naman. ala bang mas madali dyan?
mama: ang dali na nga lang nun eh. papakabait ka lang, di ka na gagatos.
ako: ……
ako: ay ma, diba gusto nyo ung katulad nung sapatos ko? ung nakita nyo sa Nike.
mama: oo.
ako: un na lang ang bigay ko for Mother’s Day.
mama: kaw bahala. ang hirap talagang magpakabait noh?
ako: love you ma!
Maligayang araw ng mga Nanay sa lahat ng nanay sa mundo. ^_^
March 23, 2008 » 860 days ago
heart-to-heart
miss na kita kuya.
miss ko na ung pagbu-buzz mo
pati na rin ung palaging pangungumusta.
miss ko na ung mga usapan natin na kahit walang kwenta
eh nagkakasense pa rin.
miss ko na ung mga payo mo
payo sa akin para di na ako masaktan ulit.
miss ko na ung pangungulit sau
ung pagkukwento ko ng kung anu-ano lang.
miss na kita kuya.
bat kasi kelangan mo pang lumayo?
salamat sa papuri sa mga naisulat ko dati.
salamat sa YM sessions natin noon.
salamat sa lahat ng advice at sa pagsasabing ‘take the plunge’
kundi dahil sayo, di siguro ako ganito kasaya ngayon.
salamat sa lahat.
isang buwan na rin pala tayong di naguusap.
di ko alam kung anong nangyari sa atin.
kung bat bigla na lang nawalan ng halaga ang pagkakaibigan.
kung bakit biglang, wala nang pansinan.
sana nga dumating ung oras na maiintidihan ko na
kung bakit mo ito ginawa.
umaasa pa rin naman ako
na makakausap kitang muli.
na maibabalik natin ung dati.
sana nga mangyari un.
sana talaga.
pero kung hindi na dumating ung oras na un…
gusto kong sabihin sayo ngayon..
salamat.
dahil nakilala kita.
February 14, 2008 » 898 days ago
heart-to-heart
YM convo: Feb. 12, 2008 9pm (Central time) / Feb. 13, 2008 11am (Philippine time)
karmi: sis, how does it feel to be 24?
sis: wala ganon pa rin
karmi: ay, bukas pa pala kita tanungin..
karmi: hehehe
sis: ganon pa rin isasagot ko sayo
karmi: sabi ko nga eh.
i know, i know late na ‘tong greeting ko. Feb. 15 na kasi sa Pinas, pero since Feb. 14 pa rin dito sa lugar ko, eh abot pa rin sa greeting! ^_^ Happy birthday sis!!! mwah!!

i just wish you happiness, good health and of course wish ko din na mabili mo ung Macbook na inaasam mo!! ^_^ sabi mo nga kahit na walang jowa basta magpayaman muna.. hehehe.. or better yet, humanap ka na lang ng mayamang mapapangasawa!! hmm, sige wish ko na rin na magka-bf ka na, para paguwi ko sa June eh makilatis ko na! ^_^
i love you sis, and i really do miss you!
*hugs*
o nga pala, another reason kung bakit ngayon lang ako nakagawa ng post eh dahil ang tagal naman nang batian portion na ginawa ni Mariel sa Wowowee.. :P ito na ung vid sis!! tarush, kasabayan sina Roxanne, Kris, Heart and John Pratts.. artistahin talaga.. ^_^

Happy birthday ulit sis! kita na lang tayo sa June!! love yah.. mwah!
February 11, 2008 » 901 days ago
heart-to-heart, inlove

ito ay…
para sa inlove.
para sa malapit nang mainlove.
para sa mga gustong mainlove.
para sa heartbroken.
para sa moving on.
para sa one-sided love.
para sa madaming crush.
para sa mga nag-giveup na.
para sa umaasa.
para sa may inspirasyon.
para sa NBF/GFSB (no bf/gf since birth).
para sa lovers ‘the second/third/fourth time around’.
para sa brotherly/sisterly love.
para sa puppy love.
para sa mga bitter.
para sa na-love at first sight.
para sa forbidden love.
para sa hopeless romantic.
para sa loveless.
para sa two/three/four-timer.
para sa torpe.
para sa pakipot.
para sa nerbiyoso.
para sa bolero.
para sa nabasted na ng ilang beses.
para sa martyr.
para sa mga naghihintay.
para sa nagnanais na sana ay dalawa ang puso nya.
para sa mga nasa long distance relationship.
para sa may mga first love.
para sayo, na kahit ilang ulit nang nasaktan eh patuloy na nagmamahal.
Happy Valentine’s Day. ^_^
mismo. =)
February 6, 2008 » 906 days ago
blog update, heart-to-heart, so random
paborito ko ang American Idol. aliw na aliw ako dito, lalo na ung episodes nila na auditions ung pinapakita. nakakatawa. nakakaaliw. minsan, nakakainis ung mga sumasali dahil di naman marurunong kumanta pero nagpupumilit mag-audition. tapos, magagalit pa sa judges kung di sila makakalusot. gudlak naman kasi, alam mo naman ata kung maganda ba o hindi ang boses mo diba? malakas lang talaga ang loob nila. naalala ko, last year, nagpunta dito sa San Antonio ung American Idol. magau-audition sana ako, pero wala akong lakas ng loob! haha..
lahat ata ng contestants eh may kani-kanilang dahilan kung bakit sila sumali sa AI. dahil sa gusto nilang kumanta, dahil sa pangarap na nila ito noon pa, o dahil din sa mahal nila sa buhay.. kanina lang, napanood ko ung audition nila sa Atlanta. ok naman. nakakatawa, at meron namang magagaling din talaga.. pero may isang audition akong napanood na na-touched talaga ako.. na hindi ko napigilang maiyak…

nakakaiyak. di ko talaga mapigilang maluha. buti na lang at wala ung mga kapatid ko, kundi panay na naman ang asar sa akin pag nagkataon.. sino ba namang hindi maiiyak.. namatay ung tatay mo, habang ikaw eh nakapila para mag-audition.. :( how sad.. tapos, dine-dicate pa nya ung kanta para sa tatay nya.. waaaaa, kakaiyak talaga.. di ko alam kung kakayanin ko un, kung sa akin mangyari un… *sob* basta bilib ako sa kanya.. and i know magiging proud nga ung tatay nya sa kanya.. ^_^
===
ayon, kung mapapansin nyo (sana), eh 4 na ang hostee ng idlip.net.. ^_^ masaya dahil nadagdagan na naman ang mga bebe ko.. =) at dalawang babae naman sila ngayon.. welcome to idlip — noime and theyz.. ^_^ bisitahin nyo din sila ha.. :D
Read the rest of this entry »