kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with Us

Plugoo: karmi | komski: 1, 2
Y! Messenger: karmi | komski

  • glesy the great: ahehe… kaw naman.. di naman ineng… basta ba may nakakacarry pang magbasa ng post mo okay...
  • joshmarie: isan-libo at isang tears i mean 3 tears para sa Lamentations of a Withered Tin Can ni ron. :) hindi pwede...
  • joshmarie: 3 tears for longing by ice :) hindi pwede na dalawang entry ang bigyan ng 3 tears.
  • dzerom: 2 tears for enday…
  • rio: 3 tears for yods 2 tears for teresa 1 tear for ice gudluck sa lahat ng sumali=)
  • andeng: i vote for enday =) vote counted.

Thank you!

Subscribe to my feed




October 6th, 2008 | blabbers, homesickness

isang paguusap sa chat:

tol, alam mo ba si lovelyn, may fiancee na!
talaga tol? sino at kelan pa?
oo, si papa ronald, ung kababata nya.
sosyalin. eh pano na si papa mike?
wala na. nagpunta nga ung dalawa sa EK last last week eh..
taray ha. fiancee na talaga. :)

isa ulit tsismisan sa chat:

tol, balita ko, may fiancee na si mahalyn.
oo tol, kinikilig nga ako dun eh. teka, sino nagsabi sayo?
si sheila. hahaha. kitams, sya pa pala mauuna sa atin. kelan daw kasal?
2 years from now pa daw eh. at least di ba di na sya magiging old maid. hahaha.
itetext ko nga un, sabihin ko, next year na pakasal, para makauwi ako. :D

kita mo nga naman. may fiancee na ang isa kong barkada nung college. umaariba ang love life ng lola ko. nagulat talaga ako sa balitang yan dahil di ko alam na nagkakamabutihan na pala talaga sila nung boylet nya. kasi naman, nung huling kausap ko sya, ibang lalake ang pinoproblema nya.

naalala ko tuloy ung agreement naming magkakabarkada nung college. April 25, 2005. fresh grads. last bonding moment namin un as “bum”, dahil alam naming magiging busy-busyhan na kapag nagtrabaho na kami. ewan ko kung sino ung nakaisip, pero magkaroon kami ng official es2pidas agreement. napagkasunduan namin na magbigay ng 2% ng salary namin na idedeposito sa banko kapag may trabaho na kaming 5. matatapos lang maghulog ng pera, kapag 4 sa amin eh nagpakasal na, tapos dun sa huling ikakasal mapupunta ung pera. ayos sa plano. lahat kami pumirma sa kontrata. nangyari ba? hindi. dahil lumipad ako dito sa Amerika at dahil na rin siguro wala pang may bank account sa amin noon. :P

natatawa ako sa tuwing naaalala ko ung agreement namin na un. kasi naman, si lovelyn ung sinasabi naming huling ikakasal sa amin. sya rin mismo ung nagsabi na sya daw ung huli talaga. pero, kita mo nga naman sya pa itong mauuna sa aming 5. landi talaga ng kaibigan ko. :P hehehe. ako? pangilan ako sa ikakasal? hmmm.. kung hindi pangalawa, pangatlo. ewan kung bakit, un ung prediction ng mga barkada ko sa akin.. eh kitang wala akong boyfriend nun.. hehehe, mukha ba akong marrying type? :P

pero.. pano nga kaya kung natuloy ung agreement namin, kanino kaya mapupunta ung pera kapag nagkataon? :| baka sa akin ah.. swerte na nakakalungkot naman un. hehehe. pero, at least, makakauwi ako ng Pinas ng apat na beses. :) not bad.

tinext ko na ung kaibigan ko. iniintay ko na lang ung reply nya, baka matuloy nga na next year ung kasal nya, sisimulan ko nang magipon para makauwi. :)

ayoko-na-magblog
August 17th, 2008 | blabbers, homesickness

Hinde, hindi ako titigil sa pagbablog, sa katunayan ay naisip ko kanina lang na teka… ba’t parang ni minsan ata e ‘di ko naisip na iwanan nang tuluyan ang mundo ng blogging?

Pinakamalapit na siguro ay nuong nagdeklara ako ng hiatus sa tim.idlip.net, isang linggo bago ang araw ng mga puso nitong nakaraang Pebrero. Hindi para maghanda para sa isang magarbong valentines date gaya ng iniisip ng iba sa mga nagcomment, kundi dahil sa pagiging busy sa mga gawaing pang-akademya. Wish ko lang na may date at perang pang-date ako ‘no, hehehe.

Isang buwan akong hindi nagpost ng entry, kahit na aktibo pa rin ako sa pagko-comment sa ibang blogs. Online pa rin pero iba rin kasi ang oras na ginugugol kapag lagi kang nag-iisip ng pwedeng iblog, isusulat ang naisip, sasabihin sa ibang bloggers na may bago kang post na dadaanin sa pangangamusta kuno sa kani-kanilang tagboards, bloghop, comments moderation at reply sa comments. Daming gagawin di ba?

Isang beses lang ako naghiatus, uhm, formally. Dahil nuong wala pang internet sa bahay at bakasyon ay wala akong ibang paraan para makagamit ng computer na konektado sa world wide web kundi ang dumayo pa ako sa kabayanan, sa kabilang ibayo, sa kasunod na dalawang baranggay. Dalawang beses kada taon ako inactive nun, tuwing summer at christmas vacation.

Bakit nga ba may blog leave?

Tumigil ako sandali sa pagbablog dahil busy sa ibang mga gawain. Yun na siguro ang isa sa pinakamadalas na dahilan. Trabaho, projects, exams, o out-of-town vacation. Walang internet, sira ang pc, nanakaw ang laptop, naputulan ng kuryente, nasunog ang bahay, pinasara ni Edu ang pinupuntahang net shop o naputol ang underwater intercontinental optic cable sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas. Namundok at nagtago sa mga awtoridad, nakulong o na-mental, o di kaya’y sumakabilang buhay.

May nakaaway online, nahuli ka ng gf mo, may nagpakalat ng litrato mong mahalay, may nagbunyag ng secret crush mo online, o may gusto kang layuan na blogger dahil ayaw mong lumalim ang nararamdaman mo sa kaniya.

Madrama, o sobrang madrama, seryoso, pabiro, kontrobersyal, nakakatawa, nakakaawa at kalimitan nakakapanghinayang. Ang daming dahilan para tumigil, umalis, mawala. Pero ang isa sa mga ‘di ko malilimutang dahilan ng pag-alis sa pagbablog ay

Ayoko na magblog.

Tapos.

ang LP ngayong linggo ay ako po ulit ang gumawa. :) congrats nga pala dahil successful ang unang LP EB noong Aug. 9. sayang, di ako nakasama. pero di bale, may next time pa naman.. ^_^

– karmi

may bagyo daw. hindi tayo matutuloy sa Tagaytay.

nagising ako Linggo ng umaga dahil sa ingay na aking narinig sa aming sala. gising na silang lahat dahil balak naming pumunta ng Tagaytay. pero dahil kay Bagyong Frank, hindi na kami matutuloy. June 22 na un. walong araw na lang ang stay namin dito sa Pilipinas. sa isip-isip ko, hindi ito maaari, sayang ang araw. sayang kung di kami makakaalis. kaya naman bumangon ako’t nakisali na sa paguusap. rain or shine dapat umalis kami. rain or shine.

alas-dose na ng tanghali, makulimlim pa rin sa labas. di na kami natuloy sa Tagaytay dahil delikado daw sabi ng tatay ko. booo! boring tuloy sa bahay. nasa salas lang kaming magkakapatid at ung dalawa kong pinsan nang bigla nilang naisip na pumunta na lang ng mall. pwede, kahit saan, basta gusto kong umalis. kinausap ng pinsan ko ang nanay at tatay ko, pati na rin tita ko. ayaw pa rin nilang pumayag dahil wala daw kaming masasakyan. sumabat naman ang kapatid ko at sinabing pwede namang magmaneho. nangiti ako, nagkaroon ng pagasang makakaalis din kami. matapos ang halos isang oras na pagpupumilit at pagdadasal na sana ay umaraw na, natuloy din ang balak naming magpipinsan. Megamall here we come! :)

walang trapik papuntang Ortigas. kakaunti lang din ang mga tao sa kalsada dahil nga sa bagyo. madulas ang kalsada kaya naman maingat sa pagmamaneho ang pinsan ko, lalo na’t 7 kami sa loob ng kotse. nakarating kami ng Megamall ng mga bandang alas-dos. may 3 oras pa kami para maglibot, sabi kasi ng tatay ko, wag daw magpapagabi’t delikado paguwi.

namili, kumain, nagpicture taking, naglibot. un lang ang ginawa namin sa loob ng 3 oras na stay namin sa Megamall. solb na, kesa nasa bahay lamang at buong hapon kaming nagtitigan. parang walang bagyo, dahil di namin ito ramdam nung nasa loob kami ng mall. paglabas namin, ummm, sabihin na lang nating buti may dala kaming payong. :)

ang galing lang dahil natuloy ang plano. rain or shine talaga, walang sinayang na araw para lang makapagliwaliw. :)

Ito ay ang aking lahok para sa ika-20 na linggo ng Litratong Pinoy na may kategoryang Liwaliw. Ang litrato ay kinuhanan ng aking pinsan habang kami’y nasa Luyong, isang restaurant sa Marikina. Matapos ang mahabang araw ng liwaliw ay nakuha pa naming magpose sa harap ng camera. :) Tignan mo rin ang mga lahok ng iba pang mga miyembro dito.