once a blogger, always a blogger.
dahil na-miss kong magblog (2 days lang ung hiatus ko), kahit na puyat ever ako eh naisipan kong magupdate na lang. kanina ko pa rin kasi tinititigan itong screen ng laptop ko, at since wala ring gustong kumausap sa akin sa YM eh why not magblog na lang.
maraming thank you sa mga dumalaw dito habang wala ako. as in sobrang thank you po! ^_^
==
isang pag-uusap:
nak, nakapagbayad na kami para sa tickets namin paguwi ng Pinas. ikaw na lang ang hindi nakakabayad.
eh dad, sa Linggo pa sahod ko sa paluwagan eh. pano po un?
tingnan ko kung pwede muna naming bayaran ung ticket mo. iche-check ko ung balance pa namin sa bangko.
*sana naman umabot pa* ok po.
anak ng teteng, maiiwan pa ata ako sa June ah. ayaw ko!!!
malapit na nga akong umuwi ng Pinas. yahoong-yahoo! June 10 ata ung naka-book na flight namin. bakit kami uuwi? dahil ikakasal ako. este ung kapatid ko palang lalake. makakauwi na rin ako sa wakas.. :) miss ko nang gumala. miss ko na mga kaibigan ko. miss ko nang gumala ulit. hehe.
ikakasala ang aking kapatid, ibig sabihin, maggo-gown ako. huwat! isang malaking ano daw? haay, kelangan kasi eh. gudlak sa akin, magiging babae ako for once. kelangan tuloy magpapayat. kelangang maganda sa araw na un. kahit na minsan lang sa tanang buhay ko eh maging maganda ako. last week ata un, sinukatan na kami ng nanay ko para sa susuotin namin sa kasal.
ma, bakit naman ang agang hinihingi ung sukat? magpapapayat pa ako.
sus ate, as if namang pumayat ka pa.
kailangan na daw nung mananahi eh. hayaan mo, liitan na lang natin ung sukat para kapag pumayat ka, konti na lang ung ia-adjust.
ma, dapat po lakihan ung sukat kasi baka tumaba pa si ate.
kotongan kita dyan eh.
kailangan ko nang magpapayat talaga. seryoso na to. di lang sabi-sabi lang. sana lang may ginagawa ako para mangyari un diba? sana lang talaga.
excited na rin ako para sa kasal ng kapatid ko. hmm, mas bata sya sa akin, kaya medyo parang ayaw pa ng mga magulang ko sa umpisa. pero since andyan na, eh di go. tingin ko naman kaya na rin nyang magsimula ng sarili nyang pamilya. badtrip nga lang, naunahan nya ako. inaasar tuloy ako ng mga kaibigan ko.
tol, hindi ka na makakapagasawa nyan. ikakasal na si melo eh.
malay mo, ako ang ikasal sa june.
kanino naman?
hehe. ewan ko rin.
totoo ba un? di naman siguro. eh sa wala akong juwa eh, anong magagawa ko. oh well, basta masaya naman ako para sa kapatid ko. masaya kasi di na nya ako aawayin. hehe.
kasal, kasal.. matagal pa siguro bago ako ikasal. hanap muna ako ng matinong boiprend. :)
ah basta, excited na akong makauwi! ^_^ (un eh kung mabayaran ng tatay ko ung tickets ko) sana naman po…