fonecard

Posted 4 years ago homesickness, so random

may narecib akong text:

tol, magkakasama kaming es2pidas 2day.. bka gusto mo 2mawag… hehehe…

sayang. wala akong phonecard, di tuloy ako makakatawag. di ko tuloy makakausap mga kaibigan ko. :( sayang talaga. dapat pala bumili na rin ako noong linggo. tinanong pa naman ako ng tatay ko.

tatay ko: daan tayo ng filipino store, bibili ako ng 4 na phonecard.
kapatid: dad, may utang pa pala si kuya na phonecard sa akin.
ako: akala ko ba ako ang may utang.
kapatid: te, kinuha nya ung binigay mo sa akin.
ako: aok.
tatay ko: alam ko ako rin may utang sa kanya eh, bili ka na lang ng 5 para sayo ung isa. ikaw ame, bibili ka ba?
ako: di na dad.
tatay ko: tumatawag ka pa ba sa pinas?
ako: opo, minsan.
tatay ko: sinong tinatawagan mo?
ako: sina esel po.
tatay ko: eh si dudong?
ako: di ko na po tinatawagan un.
tatay ko: bakit? wala na ba?
ako: wala na po.
tatay ko: buti naman. aba, pangalawang beses na yan ha. magisip-isip ka na.

noon lang pala nalaman ng tatay ko.

dati, sa loob ng isang linggo, nakaka-5 phonecard ako. minsan pa nga nakaka-10 lalo na kung halos araw-araw akong tumatawag. once a week ko ring natatawagan ung mga barkada ko. pero ngayon, di na ako bumibili ng phonecard. nung pasko lang ata ako ulit nakatawag sa Pinas para lang bumati ng Merry Christmas.

sayang talaga wala akong phonecard ngayon. namimiss ko pa naman sila.. :(

alam ko na…

inbox..
new message…

tol, wala akong phonecard eh. kau na lang tawag.. :) hehehe..

message sent.

[edit]

5:35 ng umaga nag-ring ang celphone ko. UNKNOWN ang nakalagay na tumatawag. di ko alam kung sasagutin ko ba o hindi, pero pinili kong sagutin na lang.

napangiti na lamang ako ng marinig ko ang boses at ingay ng nasa kabilang linya. di na ako malungkot.. :)

salamat sa tawag mga tol! :) sana nga matuloy ung lakad natin sa Pagudpod sa June. sana payagan na ko. hehehe..

[/edit]

mga ala-ala ng MAYO 2006

Posted almost 5 years ago homesickness

di ko na dapat ipo-post ung mga nangyari same month last yr kaso nakita ko kasi ang video na ito:

YouTube Preview Image
Tagaytay trip – May 19, 2006

same month last year, umuwi ako ng pinas kasama ang aking mga kapatid.. ang saya ng feeling na makabalik sa bayang sinilangan.. makikita ang mga kaibigan, kamag-anak.. makakapasyal muli sa mga mall.. wow, sarap talaga! kahit na 3 weeks langkaming nagstay, worth it naman ang ginastos na pera.. ^_^

nakita ko ung video naming magkakaibigan.. May 19, 2006 magkakasama kami.. nagpunta ng Tagaytay dahil pers time ko un! hanggang ngayon eh malinaw pa rin sa akin ang mga pangyayari kahir isang taon na ang nakakalipas… marahil ganon talaga kapag sobrang special ng isang okasyon.. di mo agad-agad kakalimutan at di talaga madaling kalimutan… noon na lang ata ako tumawa ng ganon kalakas (pansin naman sa video), dahil sa kakulitan ng aking mga kaibigan.. nakakamiss.. nakaka-engganyo muling umuwi at magpakasaya lang…

next yr, uuwi kami ulit.. panibagong alaala ito na di ko makakalimutan.. di ko talaga maiaalis ang pilipinas sa aking sistema at di ko talaga gagawin un.. ^_^

 

ang rootbeer ba ay beer din?

Posted 5 years ago blabbers, homesickness

warning:

ang susunod ng entry ay para lamang sa mga mambasang may edad 18 pataas.. wag akong sisisihin kung matapos mong mabasa ang entry ko eh, bigla kang mag-aya ng inuman.. at kung kilala mo naman ako ng personal, PLEASE WAG MO AKONG ISUSUMBONG SA MGA MAGULANG KO! deal? o sige basa na..

nga pala, drink moderately…

matagal-tagal na rin akong di nakakainom.. di ko na tuloy alam ang lasa ng serbesa.. la na akong pulutang pinapapak at wala na ring maboteng usapan.. la rin naman kasi akong kainuman eh.. ayoko namang uminom mag-isa dahil baka magemo lang ako sabay gawa ng MTV tapos iu-upload pa sa youtube.. baka sumikat lang ako.. sa pagmumuni-muni (nuninuninuninuni) ko, at sa tuwing naaalala ang nakaraan, marami na rin pala akong naiinom.. anu-ano na nga ba ang nainom ko? san mig, ginebra, gilbey’s, colt 45, red horse, margarita, chivas regal, fundador at emperador.. kadalasan eh ginebrang may halo ang iniinom namin sabay inom ng san mig light na panghugas daw ayon sa aking mga kaibigan.. wow, nakakamiss.. naalala ko, pati pala ang simpleng pomelo juice na walang halong gin eh naglalasang may gin na rin.. hahaha! try mo…

kelan nga ba ako nagsimulang uminom? 4th year highschool ako, kasama ang mga kaklase ko at ang commandant namin sa CAT.. nakalimutan ko na kung anong okasyon noon.. 15 years old pa lang ako, nalagyan na ng alak ang aking tiyan.. simula noon eh, napadalas ang pag-inom ko.. kasama ang mga kaibigan, kapag may problema, kapag stressed o kaya kapag may celcebration.. hindi nawawala ang inuman, parang kapag nagkita-kita kami eh alam na.. babaha na ng alak.. sabayan mo pa ng gitara at walang katapusang kwentuhan.. di naman ako malakas uminom.. di rin ako madaling malasing.. alam pa rin ng utak ko na kailangang umuwi at papagalitan pa ko ni mama.. madalas nga akong biruin na may catheter daw ako, dahil kahit marami na akong nainom, di daw halata.. kaya rin siguro maraming nag-aayang makipaginuman sa akin..

sabi ng marami, umiinom daw ang isang tao para makalimutan ang problema, para magkaroon ng lakas ng loob, para magsaya.. tama sila.. kailangan ng espiritu ng alak para mailabas ang tunay na nararamdaman.. pero para sa akin, ginagawa lang itong dahilan.. ang totoo nyan, malakas talaga ang loob mo, kailangan mo lang kumbinsihin ang sarili mo.. dyan pumapasok ngayon ang alak.. pam-push kumbaga…

maraming advantages at disadvantages ang pag-inom.. isa sa mga advantages ay ang pagkakaroon ng maraming kaibigan.. dahil kayu-kayo ang magkakasama at nagkakausap, napapasarap ang kwentuhan at inom, di mo namamalayan umaga na pala… isa pang advantage eh nagpapalakas ng loob.. kung lalaki ka at may gusto ka sa isang babae na sakto eh kainuman mo, ayos lang na magtapat ka.. siguraduhin mo lang na kinabukasan eh maaalala mo ang iyong ginawa.. baka akalain lang nyang nasabi mo lang yun dahil lasing ka.. at syempre, may disadvantage din ang pag-inom.. ito ay ang pagkakaroon ng “beer belly”.. kaya rin siguro ako nagkabilbil.. ayan kasi, inom pa!

ayos lang naman ang uminom, basta’t moderate lang at siguraduhing magbabayad ka pa ng pamasahe sa jeep at makakauwi ka pa sa inyo.. kung hindi ka naman talaga umiinom, ok lang un.. normal ka pa.. inom ka na lang ng rootbeer, masarap pa…

*ang mga image na ginamit ay sinearch lang sa internet…

one grande mocha frapp pls..

Posted 5 years ago emo daw, homesickness

one grande mocha frapp

yan ang inorder ko dito sa Starbucks.. di ko rin alam kung bakit ako nagkakape, eh dapat sa akin, matulog agad, pagkauwi… hay naku, gising ako maghapon nito.. kumuha na rin ako ng biskwit para agahan ko na ‘to…

barista: GRANDE MOCHA FRAPP for carm..
lumapit na ko..
barista: how do you say your name?
ako: Carme
barista: oh, Carme.. that’s a nice name
ako: thank you

kinuha ko ang aking kape at lumabas na ako.. napagpasyahan kong tumambay muna sa labas.. isang oras pa kasi akong maghihintay dahil sa bus.. isang oras tutunganga.. tumingin ako sa paligid.. para akong tangang may hinahanap na wala naman talaga.. panay mapuputi at blonde ang buhok ang mga nakikita ko.. nasa Starbucks nga ako, pero di ito ung Starbucks ng Pinas.. hindi ito ung sa may Gateway, sa Podium, Megamall o Libis.. Starbucks San Antonio ito.. ang layo.. pareho lang naman ang lasa ng kapeng aking iniinom ngayon, sa iniinom ko dati sa Pinas.. pero bakit parang iba ang pakiramdam? bakit parang mas masarap ang iniinom ko dati?

tumingin-tingin ulit ako sa paligid habang nakapasak sa tenga ang aking iPOD at pinapatugtog ang ‘Tara Lets’ ng Imago.. alam ko na ang iba.. ang mga tao sa paligid ko, di sila nakikinig sa Imago, Sugafree, Hale at di nila kilala ang Eraserheads.. di nila alam kung anong pinagsususulat ko ngayon.. di nila ako maiintindihan kapag nagsalita na ko ng Tagalog.. naisip ko tuloy, pano kung sinagot ko ng ‘Salamat’ ung barista sa halip na ‘Thank you’? malamang eh tinitigan lang nya ako.. alam ko na kung ano ang kulang, kung bakit ganito ang nararamdaman ko.. ibang-iba ang lugar ko ngayon.. la man lang akong makitang kaibigan ko nung college.. mga dating crush at kaaway.. wala akong kasama at kakwentuhan.. nakakalungkot.. nakakamiss..

parang kelan lang, kasama ko ang aking mga kaibigan mag-Starbucks.. ang ingay namin.. kahit na isa lang naman ang bumili ng kape, feel at home pa rin kami sa loob ng Starbucks.. dati, worth it ang 150Php na kape dahil kasama ko ang mga kaibigan ko.. ngayon, parang nagtapon lang ako ng $4.. parang di pa masarap.. sayang ang pera ko..

ngayon ko na-realize, la naman sa lugar un eh.. kahit na saan, sa mamahaling restaurant, mall o sa bahay lang, ang importante, kasama ko ang mga taong mahalaga sa kin.. sila ang nagpapasarap sa bawat higop ng kape, nguya ng pagkain at inom ng beer..

nandito ako ngayon sa Stabucks.. pero ang isip at puso ko wala.. nangangarap na makauwi ulit at makasama ang mga kaibigan ko.. ang bumalik sa dati kong bahay.. dating buhay.. at baka, sa panahong iyon, sumarap na ang kapeng iniinom ko ngayon…

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.