what i love about you

Posted a year ago inlove

Ikaw ang unang lalakeng nagbigay sa akin ng bulaklak. Hindi ko ito inaasahan pero ginawa mo. Oo nga’t nagparinig ako sa twitter, pero di ko alam na seseryosohin mo. Sa paglalakad ko papalapit sa’yo ng araw na iyon, habang nakaupo ka sa may MRT Station Cubao, hindi mawala ang aking kaba. Late ako ng ilang minuto, medyo matagal ka na ding naghihintay. Nang lapitan kita, dun ko nakita ang isang dosenang rosas na iniabot mo kaagad sa akin. Wala na akong oras para magsalita, masyado akong masaya. Sobrang saya.

Ngayon, halos tatlong taon na ang nakalipas, sinorpresa mo na naman ako. Adik ka talaga, hehe.

Nagising ako, alas-kwatro ng hapon. Dahil sa pagtatrabaho ko ng gabi, tulog na naman ako ng umaga. Alam kong may narinig akong sinabi ng tatay ko, na bakit daw ako tulog eh ang dami ko daw package. Package, wala akong alam na binili ko. Dahil sa sobrang antok, hindi ko ito pinansin. Sa pagbangon ko, ayun nga, may package na nakalagay sa ibabaw ng computer table ko, galing sa Barnes and Noble. Lalo akong nagtaka, wala pa akong binibili dun. Sabi ng kapatid ko, baka may bomba daw. Hindi naman siguro sabi ko. Nang binuksan ko ang package, nakabalot pa ung package. Dun na ako kinutuban. Nang mabasa ko ang card, hindi ko alam kung anung mararamdaman ko. Dahan-dahan kong binuksan ang balot, hindi ko hinayaang mapunit. Isang libro, What I Love About You. Katulad nga ng sinabi mo dun sa card, dito natin isusulat ang mga kwento natin habang binubuo natin ang hinaharap. Hay, sinorpresa mo na naman ako. At this time, wala akong pagpaparinig na ginawa. Ang galing mo, naitago mo sa akin ito. :P

Salamat mahal. :D Hay, ngayon pa lang naiisip ko na kung anung mailalagay natin dito. ^^, Mga litrato, lahat ng alaalang pwede nating ilagay. Salamat talaga mahal, super thank you. *yakap!*

PS.
Ngayon ko na din natanggap ung US Passport ko. Pwede na akong umuwi sa Pinas! :D

hay

Posted a year ago inlove

Nanghina ako. Sobrang naramdaman ko ang pagkamiss ko sayo. Wala ka namang ibang ginawa kundi ang titigan ako na lagi nang nangyayari kapag magkausap tayo’t nakawebcam. Pero iba ngayon.

Naramdaman ko kung gaano kita kamahal, gaano ka kaimportante sa akin. Naisip kong ayokong mawala ka sa akin, na ikaw na talaga. Tinanong mo kung ayos lang ba ako, kung anung nangyari. Hindi ko na nasagot pa un, sabi ko’y wala lang.

Wala akong ibang hiling kundi ang sa wakas ay makasama ka. Hindi na mababago ang nararamdaman ko, ikaw na talaga ang para sa akin. Gara lang kapag namimiss kita, minsan nalulungkot ako. Pero nagiging ok din naman pagkalipas ng ilang sandali dahil alam kung darating din ung panahon na inaantay natin. Hintay lang talaga. :)

Alam mo naman siguro kung gaano kita kamahal diba? Sobra. :)

I love you mahal. *yakap!*

30th month

Posted a year ago inlove, ldr

30th monthsary namin ni Arvin ngayon. At dahil buwan-buwan eh nagiisip ako ng maibibigay o gagawin para sa kanya, nauubusan na ako ng ideya, hehe. Buti na lang may ipinakitang picture sa akin si Arvin nung isang araw, *lightbulb*, alam ko na kung anung gagawin ko.

Gamit ang bagong tagging feature ng Facebook, eto ang 30th monthsary gift ko para kay Arvin. Mahirap gawin dahil sa kailangang gitna ung mga salita, pero kapag nakita mo na ang finished product, sobrang nakakaaliw. ^_^

Happy monthsary mahal! Salamat sa 30 months na pinapasaya mo ako. Kahit na minsan, madali akong magtampo eh andyan ka pa din. Hehe. 30 months and counting! :D love you! *yakap!*

40 minutes

Posted a year ago inlove, ldr

Naputol ang tawag, di ko na natapos ang sasabihin ko. Apatnapung minuto din ang itinagal. Hindi man ito katulad ng mga paguusap natin, na tayo mismo ang nagsasabi kung kelan matatapos ang tawag, pero sapat na ito sa ngayon. Hindi ka makausap ng mga tao dyan sa inyo, pinaalis ko din ang kapatid kong nagpapatugtog dito sa kwarto. Kailangang sulitin ang bawat sandali na kausap kita ngayon.

Tatlong araw ko nang hindi naririnig ang boses mo. Tatlong araw nang hindi mo ako nagigising. Sobrang spoiled na nga ata ako sa’yo, ayokong bumangon hangga’t hindi ko naririnig ang tunog ng telepono ko. Tatlong araw ko na din na hindi ka nakikita sa webcam. Wala akong ganang maginternet nitong mga nakaraang araw dahil wala din naman akong gagawin. Heto nga’t nagkakapanahon pa akong magupdate ng blog. Iba talaga kapag wala ka. Kulang. Sobrang kulang.

Narinig kong muli ang iyong boses kani-kanina lang. Habang nagriring ang telepono, bago mo ito sagutin, hindi na mapawi ang ngiti ko sa aking labi. Apatnapung minuto lang tumagal ang tawag, pero sapat na un para mapunan ang pagkamiss ko sa’yo. Salamat sa Skype, muli kitang nakausap at nakwentuhan. Mabuti na lamang at malinaw ang linya. Parang gusto kong humiga at ipikit ang aking mga mata habang kausap kita. Para kahit lamang sa loob ng apatnapung minuto’y maramdaman ko na kasama kita. Hay, bakit kasi sobrang kang nagpapamiss. Hehe.

Wala pang isang oras ang tawag, pero masaya na ako. Marinig ko lamang ang kwento mo’y parang kasama na kita ulit. Sana lang magkainternet ka na kagad diba. Para magising mo na ako, para di na kita masyadong mamiss. Ung tamang miss lang. Hehe. Pero kung hindi pa man maayos yan kagad, pwedeng-pwede naman kitang tawagan ulit.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.