Airport

10 Comments » April 20, 2010 » 102 days ago
inlove, ldr

Nangako akong hinding-hindi ako magpapahatid sa airport. Ayokong maranasan ung napapanood ko sa pelikula at tv – magyayakapan at magiiyakan. Madrama akong tao, pero ayokong gumawa ng eksena. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harap ng madaming tao. Ayokong umiyak sa harap nya.

Lagi kong iniisip na mas mahirap atang umalis kapag andun sa airport ang taong iiwan mo. Baka kasi hindi ko na makayanang umalis at magpaiwan na ako ng tuluyan sa flight ko. Hay, parang pelikula na naman. *cue in movie scene* Nasa loob na ako ng airport, habang nasa labas naman sya’t kumakaway. Naramdaman ko na lamang na tumulo ang luha ko sa aking kaliwang pisngi. Gusto ko ba talagang umalis? Sya ang buhay ko. Hindi ko ito kaya. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko’t tumakbo papalabas. Nakita ko syang tumatakbo din. *end ng movie scene* Ang chessy na, pero alam nyo na kung anung susunod na mangyayari.

Pero nitong nakaraang uwi ko sa Pinas, kinain ko lahat ng sinabi ko. Hindi ko rin natiis, pumayag na rin akong ihatid ako ni Arvin. Read the rest of this entry »

ipagtatanggol kita..

2 Comments » April 16, 2010 » 106 days ago
gadget and stuff, inlove

“Ipagtatagol kita hanggang sa makakaya ng twin sunflowers at winter watermelons ko!”. – Arvin via tumblr.

Alam na alam talaga ni Arvin kung paano ako pakikiligin. Kahapon, bandang alas-dose ng tanghali dito, sinabi sa akin ni Arvin na tingnan ko daw ang tumblelog nya paguwi ko ng bahay. Buti na lamang, pwedeng magbrowse sa telepono ko. Nakakahiya nga, dahil nangiti talaga ako ng makita ko ung picture. Mukhang tange tuloy ako sa harap ng mga kaibigan ko, bigla na lang daw kasi akong nangingiti at napatawa. Hehe.

Sa mga di nakakaalam, Plants vs. Zombies po ang larong yan. At ang main goal ng laro eh protektahan mo ang iyong bahay laban sa mga zombies na gustong kainin ang iyong utak. At tama ang hula nyo, plants ang gamit nyong pangdepensa. Search nyo na lang sa google kung paano at saan pwedeng magdownload ng larong ito. :)

Alam ni Arvin na gustong-gusto ko ang PvZ. At handa syang protektahan ang aking bahay laban sa mga gustong manginvade dito. Kaya naman natuwa talaga ako sa post nyang ito sa tumblr. Sa sobrang tuwa ko nga, nagawan ko pa ng entry dito sa kundiman. Hehe.

happy 22nd

2 Comments » April 14, 2010 » 108 days ago
inlove

i love you:*
happy monthsary baby!
*yakap yakap!*

pitong araw

1 Comment » February 28, 2010 » 153 days ago
inlove, ldr

Pitong araw na lang, ang layong namamagitan sa ating dalawa ang tuluyan nang mawawala. Muli kitang mayayakap at mahahalikan. Mahahawakang sa wakas ang iyong mga kamay at pangakong hindi ito bibitawan. Maririnig ko na ang iyong tawa, hindi lang galing sa headset kong suot-suot kundi mula mismo sa iyong mga labi na malapit sa aking tenga.

Pitong araw na lang ang hihintayin. Sasandaling panahon na lang un, kumpara noong taon at buwan pa ang binibilang natin. Sasandaling paghihintay na kaya kong tiisin dahil alam kong kapalit nito’y isang buwan na kasiyahang kasama kita.

Pitong araw, isang daan at animnapu’t walong oras. Kung tutuusin ay hindi ko pa kayang bilangin gamit ang aking mga daliri. Napapadalas ang pakikinig ko sa mga kantang nagnanais nang makauwi at makasama ang minamahal. Kasama na sa panaginip ko ang mga lakad natin, kasama man ang mga kaibigan ko o tayong dalawa lang. Gusto ko nang mangyari ang panaginip ko. At alam kong malapit na iyon.

Teka, bakit parang ang drama ko naman. Di tuloy halatang excited na ako.

Dahil pitong araw mula ngayon, makakasama na kita. :)

simcard

2 Comments » February 18, 2010 » 163 days ago
inlove, ldr

Pagapak mo dito sa Pinas ay ikabit nang mabilis itong sim sa telepono, upang marinig ko ang boses mong sinasabing sa paggising ko kinabukasa’y makikita na kitang muli, at muli pang aking mahahagkan.

Yan ang nakalagay sa note na kasama nitong simcard galing kay Arvin. Lalo akong na-excite at natuwa sa nalalapit kong paguwi. Ngayon lang nagsink-in sa akin, na sa next next Wednesday, ganitong oras, malamang ay hindi na ako magkanda-ugaga sa pagiimpake dahil kinabukasa’y aalis na ako. Ngayon pa lang ay gusto ko nang hilahin ang mga araw para March 3 na kaagad. Ang tagal ng 2 weeks. Pero naisip ko, ok na rin na dalawang linggo na lang ang hinihintay namin, hindi katulad dati na buwan pa ang binibilang.

Itong simcard na ito ang gagamitin kong pantext at pantawag. Sa loob ng isang buwan hindi kami mamomoroblema na walang internet connection o di kaya’y di makasend ang Google Voice. Sa loob ng halos isang buwan, alam kong isang text o tawag lamang ang namamagitan sa aming dalawa. Hindi problema ang pagkakaiba ng oras at kung mapuyat man namin ang isa’t-isa. Napakalapit, napakadaling magkita.

May dalawang linggo pang hihintayin. Naisave na rin ni Arvin ang number na gagamitin ko paguwi. Hindi ko pa ilalagay ung sim sa telepono ko, baka kasi magexpire pa ung load. Sayang din ang 20 mins. na libreng tawag. Itatago ko muna ang sim kasama ng mga sulat at notebook.

At sa nalalapit kong pagalis, icha-charge ko ang telepono ko’t ilalagay ang sim. Ise-save ang kanyang number, na nakabisado ko na noon pa. Paglapag ng eroplano sa Pilipinas, katulad ng sinabi ni Arvin, tatawagan ko sya na may ngiti sa labi dahil sa wakas matapos ang dalawang taon, magkikita na kaming muli. <3

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.