Stop Motion Love

Posted almost 2 years ago inlove

Kahapon nang magsimula akong ma-curious kung paano gumawa ng stop motion video. Nagkalat sa youtube ang mga ganitong video. Matapos ang ilang video na napanood ko, sinubukan kong gumawa ng sarili ko. :)

YouTube Preview Image

Sobrang natuwa ako sa paggawa nung video, at talagang kelangan mo ng tyaga kapag gagawa ka ng ganitong video.. ^^ 212 pictures pa naman! :D weeee… hope this is a start:)

and baby, advance 2nd anniversary gift ko na sayo ‘to:P hehe:)

vanilla twilight

Posted almost 2 years ago inlove

Soundtrip habang naghihintay ng bus. Kausap din kita sa YM nang narinig ko ang kantang Vanilla Twilight.

‘Cause I’ll doze off safe and soundly
But I’ll miss your arms around me

Sa tuwing bibiyahe tayo, nakakatulog ako. Pero hindi ako nagalala na lalagpas ako, dahil alam kong andyan ka. Nakadantay ako sayo, hindi mo hinahayaang magising ako kahit na malubak ang dinadaanan natin. Sasakay ako ngayon ng bus, wala ka. Nakakamiss.

I’ll watch the night turn light-blue
But it’s not the same without you
Because it takes two to whisper quietly

Bulungan. Kulitan. Mukha mo’y nakalapit na sa mukha ko. Di natin kailangang sumigaw para lang marinig ang isa’t-isa. Minsan nga’y di na kailangang magsalita pa. Ngayo’y papauwi na ako sa bahay, makakausap na kita gamit ang voice chat at webcam. Ibubulong kong muli kung gaano kita kamahal.

The silence isn’t so bad
‘Til I look at my hands and feel sad
‘Cause the spaces between my fingers
Are right where yours fit perfectly

Ilang buwan lang ang nakalipas, hawak mo ang mga kamay ko. Sakto ang pakiramdam. Naglalakad, naguusap, o kahit ano pa man ang ginagawa natin, basta hawak mo ang aking mga kamay, masaya na ako. Pinaglalaruan ko ang aking singsing. Pinaiikot-ikot. Di man kita kahawak-kamay ngayon, alam kong di ka bibitiw tulad ko.

When I think of you I don’t feel so alone
I don’t feel so alone, I don’t feel so alone

Napapangiti ako sa tuwing naaalala kita. Di na ako nalulungkot masyado dahil alam kong darating din ang panahon na magkakasama din tayo.

Oh, if my voice could reach
Back through the past
I’d whisper in your ear
Oh darling, I wish you were here

Nakasakay na ako sa bus, pandalawahan ang upuan. Sana’y katabi kita ngyo’t kausap, habang kahawak kamay. Sana nga andito ka ngayon. :)

text message

Posted almost 2 years ago inlove, ldr

Alas-kwatro ng umaga dito, alas-singko ng hapon dyan. Di ka makagamit ng computer kaya naman nagpapalitan na lamang tayo ng text messages. Sabi mo’y nakahiga ka ngayon. Sabi ko nama’y gusto kitang tabihan para ika’y mayakap ko habang kinukwentuhan kita ng kung ano man ang pumasok sa isip ko. Nakakamiss. Sobrang miss na kita.

Hindi masyadong naging maganda itong mga nakaraang araw para sa ating dalawa. Nakalimot ako, nagselos ka. Normal lang sa isang relasyon ang magkatampuhan pero mahirap para sa atin dahil malayo tayo sa isa’t-isa. Hindi ganun kadaling suyuin ang isa kung may nagawa mang kasalanan. Pero gamit ang internet at text message, naging maayos na ulit tayo. Hindi na ako makakalimot pangako. Sorry ulit mahal sa mga naging kasalanan ko. *yakap!*

Sobrang miss ko nang kurutin ang iyong ilong. Ang paghawak mo sa aking mga kamay. Paghalik sa pisngi at labi. Pagtitig sa iyong mga mata habang sinasabing mahal na mahal kita. Pagyakap sayo habang tayo’y naglalakad. Mga simpleng bagay na hindi ko nagagawa ngayon. Mga bagay na hindi ko alam kung kelan ko ulit magagawa, ung kasama ka.

Habang hinihintay nating dumating ang panahon na makakakulitan kitang muli ng personal. Magiging masaya na lamang muna ako sa pagbabasa ng mga mensahe mo para sa akin. Sasaluhin na lang muna ng aking telepono ang mga halik at ipapadala ko ang mga mensaheng kalakip ay ang aking pagmamahal para sa’yo.

happy 23rd <3

Posted almost 2 years ago inlove

Kaunti na lang ang panahong ating bibilangin, isang buwan at kalahating araw, at sa wakas ay ika’y akin nang makakapiling.

Isang buwan, kalahating araw., Komski May 14,2008

malapit na.

isang buwan mula ngayon.
isang buwan na lang.
:)

–  portin, Karmi May 13, 2008

Dalawang taon na ang nakalipas mula nang magpost tayo pareho ng litrato ng Cubao Station ng MRT na kinunan mo nung papasok ka sa iyong OJT. Marami ang nagcomment na nagtatanong kung saan at bakit natin pinost un. Hindi nila alam, doon kasi tayo magkikita. Magkikita sa wakas.

Dalawang taon na ang nakalipas nang pareho nating naramdaman ang pagkasabik na sa wakas ay magkikita na tayo ng personal. Magkahalong kaba at tuwa, na sa tingin ko’y mas higit ang tuwa dahil sa wakas ay makakausap na natin ang isa’t isa na hindi gamit ang webcam, keyboard at YM. Kaba din dahil di natin parehong alam kung anung maaaring mangyari pagtapos ang pagkikitang ito. Halos isang buwan din tayong naexcite at di makatulog.

Dalawang taon na nga ang nakalipas at heto ako ngayon gumagawa ng entry, na may ngiti sa labi. Kita mo nga naman, dalawang taon na ang lumipas. Ang dami nang nangyari matapos nating isulat ang mga entry natin. Madami-dami na rin tayong napagdaan, kahit na magkalayo tayo. Mga tampuhan at problemang nalampasan. Kulitang hindi nawala sa tagal ng panahon. Pagmamahal na lalong pinagtibay ng distansya at mga pangarap na mas lalong gusto nating magkatotoo. Eh, seryoso namang masyado. :) Hehe.

Dalawang taon na ang nakalipas pero hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman.  Nandun pa rin ang kilig, tampuhan at tuwa. Nandun pa rin ang pagkasabik sa susunod nating pagkikita. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.