Matulog ka lang mahal ko.

Posted 2 years ago inlove, writings

Sa sobrang lamig dito sa loob ng bus ay aakalain mong umuulan sa labas. Malapit nang gumabi at nagsisimula nang dumilim ang kalangitan ngunit hindi ang ating kapaligiran dahil unti-unti na ring nagliliwanag ang mga gusali sa kahabaan ng EDSA. Mag-iisang oras na tayo sa biyahe ngunit malayo pa rin sa bababaan.

Yakap mo ang aking kamay nang mahigpit, ngunit ‘di sing higpit nung nakasakay tayo sa Anchor’s Away kaninang hapon. Panigurado’y kabaligtaran din dahil ang naging tibok na ating mga puso kanina’y naghahabulang parang mga bump cars sa Dodgem at pasirku-sirkong hindi na malaman ang itaas sa ibaba na parang Space Shuttle, pero hindi ngayon. Tahimik. Sumandal ka lang sa balikat ko.

Naramdaman kong nakatulog ka na dahil lumuwag ang pagkakahawak mo sa aking mga kamay na itinaas ko para hindi ka magising na ngawit at siyempre, para na rin mahaplos ko ang iyong mga pisngi. Mahimbing ang naging tulog mo dahil na rin siguro sa kapaguran. Kahit nakapikit ka’y ninais ko pa ring titigan ang mga mata mo at nangiti nang idantay mo ang iyong pinsgi sa likod ng palad ng kamay kong nananatili pa ring nakahawak sa kamay mo.

Hinawi ko ang iyong buhok at muli ay hinalikan kita sa mga labi habang nananaginip ka.

dashboard coincidence

Posted 2 years ago inlove

Tulog na si Arvin, nanonood na din ako ng ASAP XV. Hawak ko ang aking iPod Touch, naisipan kong i-post na sa tumblr ung inedit kong picture namin. Pagkapost ko’y ito ang nakita ko. Isang post mula kay Arvin.

Bihirang mangyari ito kaya screenshot na kagad. :)

Pati tumblr, naging saksi sa pagkamiss namin sa isa’t-isa. <3

gusto ko lamang sa buhay

Posted 2 years ago inlove

Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako
Hindi naman ako milyonaryo
Basta’t araw-araw yakap mo ko
Feeling ko ang yaman yaman ko

Na-LSS naman ako bigla sa kanta ng Itchyworms. Tas nung inisip ko na at napakinggan ung lyrics, tama nga naman, gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako.

Ang pinakamahirap kasi sa isang nasa-long distance relationship eh hindi pupwedeng basta-basta mo na lang makasama ung taong mahal mo. Ung tipong, isang text lang, pwede na kayong magkita pagtapos ng isang oras. Katulad nga ng sinabi ng pinsan ko kanina, walang physical contact. Oo nga’t naririnig mo ang boses sa telepono, nakikita mo sa webcam, pero hindi mo naman mayakap at mabatukan ng personal. Mahirap lalo kapag medyo nagkakatampuhan kayo, ung pakiramdam na gusto mo syang yakapin pero hindi mo magawa, ang bigat sa pakiramdam.

Kaya nga nung umuwi ako ng Pinas, talagang sinulit ko ung oras na pwede kaming magkasama ni Arvin. Halos araw-araw, walang palya, magkasama kami. Hindi ako nagsawang yakapin sya. Hay, ngayon pa lang na naiisip ko ung mga panahong un eh nangingiti na ako. Hindi na kailangang magsalita pa para malaman ang nararamdaman, yakap at titigan na lang pwede na. :)

Ngayon, halos isang buwan na nang huli kong nayakap si Arvin. Nakakamiss. Sobra. Kung pwede lang talaga na hilahin ko sya palabas ng webcam eh ginawa ko na. Hehe. Pero dahil hindi naman posible un, hihintayin ko na lang ulit ung panahon na mayayakap ko sya. Madami-dami na naman ang babayaran nyang yakap at halik. Magsisimula na akong magbilang.

Yakapin mo ako
Lunurin sa iyo
Salubungin ng ‘yong mga bisig
Dama ko ang ‘yong pag-ibig

Airport

Posted 2 years ago inlove, ldr

Nangako akong hinding-hindi ako magpapahatid sa airport. Ayokong maranasan ung napapanood ko sa pelikula at tv – magyayakapan at magiiyakan. Madrama akong tao, pero ayokong gumawa ng eksena. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harap ng madaming tao. Ayokong umiyak sa harap nya.

Lagi kong iniisip na mas mahirap atang umalis kapag andun sa airport ang taong iiwan mo. Baka kasi hindi ko na makayanang umalis at magpaiwan na ako ng tuluyan sa flight ko. Hay, parang pelikula na naman. *cue in movie scene* Nasa loob na ako ng airport, habang nasa labas naman sya’t kumakaway. Naramdaman ko na lamang na tumulo ang luha ko sa aking kaliwang pisngi. Gusto ko ba talagang umalis? Sya ang buhay ko. Hindi ko ito kaya. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko’t tumakbo papalabas. Nakita ko syang tumatakbo din. *end ng movie scene* Ang chessy na, pero alam nyo na kung anung susunod na mangyayari.

Pero nitong nakaraang uwi ko sa Pinas, kinain ko lahat ng sinabi ko. Hindi ko rin natiis, pumayag na rin akong ihatid ako ni Arvin. Read the rest of this entry »

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.