vanilla twilight. the audio post
Simula na ng klase nina Arvin kaya heto ako ngayon naghahanap ng pwedeng gawin. Nagaayos ako ng mga kanta ko iTunes, nagdownload din ng mga kanta at apps. Nacurious ako kung ano nga ba ang most played song ko. Pagsort ko, nasa pinakaitaas ang Vanilla Twilight. Naging LSS ko din nga pala iyon ng ilang araw. Nagawan ko pa nga ng entry. Biglang *lightbulb*. Alam ko na ang gagawin ko. Kakanta ako.
Matagal-tagal na din kaming hindi nakakakanta ni Arvin, una dahil wala naman kaming maisip na magandang kanta na duet at pangalawa, walang panahon. Sinubukan kong maghanap kung may instrumental version ba ang Vanilla Twilight sa iTunes. Swerte ko namang may nakita akong Piano version. $.99, worth it.
Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.
Vanilla Twilight
Ayan. Ewan ko ba kung bakit nagboboses bata ako sa tuwing kumakanta ako. Nacurious tuloy ako, ganyan din kaya ang boses ko sa telepono?




