Kanina lang ako kinabahan. Ung tipong akala ko mawawala ka na sa akin. Na magsasawa ka na sa mga pagtatampo ko. Bakit nga ba kasi lagi na lang akong parang defensive kapag may isang bagay tayong pinagtatalunan. Un na nga eh, hindi naman tayo nagtatalo, sinasabi mo lang ang opinyon mo, pero bakit galit na ako kagad. Hindi ko din alam kung bakit, basta ang alam ko, ayoko na ng ganito.
Ayoko nang mainis sa mabagal na internet connection. Ung hindi kita makausap ng maayos dahil delayed ang voice chat, nagca-crash naman kapag sinusubukan natin magvideo chat. Ayoko na nung sa panaginip lang kita nayayakap at nahahalikan. Ung kapag gusto kong maglambing sa’yo, hindi ka naman online at ang tagal mong magreply sa text. Minsa’y wala na akong maikwento sa’yo dahil madalas nakakalimutan ko na ito kapag kausap na kita. Ayoko nang maghintay, ayoko na nang ganitong setup. Nahihirapan na ako.
Nakipagtalo ako sa’yo dahil lang sa isang youtube video. Nawalan ako sa mood makipagusap. Idagdag mo pa na delayed ang paguusap natin. Sabi mo’y matutulog ka na, sabi ko sige. End call. Naglogout ka na. Hindi tayo nakapag-”iloveyou” sa isa’t-isa.
Nanonood lang ako ng How I Met Your Mother kanina, bigla kong narealize kung ano ang pupwedeng mawala sa akin kapag hindi ako nagbago. Ikaw un.
Mas hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko. Wala nang gigising sa akin. Wala nang magtetext ng “Kakain na ako”, “Maliligo na ako mahal” o “Gara. Nakatayo na naman ako dito sa bus”. Hindi ko na maririnig ang boses mong nagpapasaya sa akin. Ang mga panaginip ay mananatiling panaginip na lamang at wala akong ibang mapagsasabihan pa. Hindi ko kayang mawala ang nagiisang taong nagpasaya at nagpahalaga sa akin. Ang nagiisang taong minahal ako ng sobra kahit na madaming nagsasabing imposibleng magwork ang isang long distance relationship. Hindi ko kayang mawala ang isang taong alam kong makakasama ko habambuhay.
Ngayon ko na nararamdaman ang hirap, minsan ang pagod. Pero, ito rin ang nagpapalakas sa akin. Titiisin ko ang hirap na malayo sa’yo, alam ko kasing, mas mahirap kapag wala ka sa buhay ko.






