it is love. :)

Posted almost 2 years ago BridgeTheGap, ldr, LSS

Dahil work mode si Arvin ngayon, may freetime ako para gumawa ng video. Medyo matagal-tagal na din akong hindi nakakagawa ng ganito at dahil LSS ko ngayon ang kantang “If It’s Love” ng Train, nagkaroon tuloy ako ng background music. Medyo nahirapan ako sa videong ginawa ko ngayon, pero ok na din, natuwa naman ako, sana si Arvin din. :)

[edit]
Inupload ko sa youtube ung video, pero may ganitong message, “This video contains content from Sony Music Entertainment, who has blocked it in your country on copyright grounds”. *sad face* hay, useless kung hindi mapapanood ni Arvin ung video na ginawa ko, kaya eto, ung video na lang na inupload ko sa FB. :)
[/edit]

8-9-10

Posted almost 2 years ago inlove, ldr

Gising na mahal ko.

Malapit na ang uwian, isang oras na lang. Heto ako’t nagpapatay ng oras, naghihintay nang maisipan kong i-text ka. Kelangan mo nang gumising dahil maaga pa ang pasok mo. Naka-ilang text na din ako sa’yo pero di ka pa nagrereply. Siguradong napasarap na naman ang tulog mo.

Bago na schedule ko ngayon, pangumaga na ako. Hindi na sabay ang oras natin, ang umaga ko’y syang pagtulog mo. Tulog naman ako’y nasa eskwelahan ka’t pinipilit na labanan ang antok. Isang pagbabago para sa atin na alam ko namang makakayanan natin. Magagawan ng paraan na makapagusap pa din kahit na magkabalik ang oras. Tayo pa diba? :)

Malapit nang magalas-kwatro dito, magaalas-singko na mahal. Itetext kitang muli pagtapos kong isulat nitong entry. Sana lang magising ka na sa pangungulit ko. Hehe. :)

Posted with WordPress for BlackBerry.

comic strip luv

Posted almost 2 years ago inlove, ldr

Dahil sa hindi ko nakakausap si Arvin tuwing nasa UP sya, kung anu-ano ang naiisip kong gawin. :) Lalo na ngayong malapit na ang anniversary namin. At dahil hindi ko naman sya makasama ngayong busy sya, gusto ko, paguwi nya, may makikita syang makakapagpangiti sa kanya. :)

Natapos na ako sa paggawa ng video na naging successful naman at madami naman ang nakagusto hehe. Mga ilang blog entry na rin ang nagawa ko patungkol sa amin. Video, kwento. Isa na lang ang naiisip kong di ko pa nagagawa – ang pagdo-drowing. Hindi ako marunong magdrawing, kaya buti na lang, may mga online comic strip generator. :)

Natuwa ako sa nagawa ko. Sana si Arvin din.

Ilang araw na lang, anniversary na namin. At ngayon pa lang, nauubusan na ako ng idea kung ano pa ba ang gagawin ko. :P Hehe.

airplanes

airplanes

Posted almost 2 years ago ldr

Can we pretend that airplanes
In the night sky
Are like shooting stars
I could really use a wish right now

Ito ung mga panahon na iniisip kong sana’y nasa tabi mo ako. Makasama mo, makahawak-kamay habang nagiisip ka. Gusto kong makasama kita. Pero dahil nga sa layo nating dalawa, wala akong magawa kundi ang magpadala ng mga mensahe para malaman mong andito lang ako para sayo. Na kahit ano man ang iyong maging desisyon ay susuportahan ko. Andito lang ako mahal. Sana alam mo yan.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.