Ito ang aking lahok para sa ika-23 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Tanso (copper or reddish metal). Ang litrato ay kinuhanan kanina, dito sa tabi ko lang habang nakikipagvoice chat, hahaha. Bisitahin ang lahok ng iba pang mga miyembro dito.
takot ako sa mumu!
Ito ang aking lahok para sa ika-22 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Ayaw ko. Ang litrato ay kinuhanan sa may 2nd floor ng Computer Science Department ng UP Diliman, na napost ko na dati. Bisitahin ang mga bagay na ayaw ng mga miyembro dito.
Medyo hindi pa namin sigurado kung paano gagawin ‘to pero pareho kaming sasali sa linggung ito ng ka-LP-han. Subukan muna naming pag-isahin ang entries namin sa isang post, hehehe. Mauuna ako, si komski:)
2003. Alas onse ng gabi. Lumabas kami ng bahay ng aming kaklase para bumili ng pagkain sa tindahan. Kanina pa kasi namin binubuno itong project sa social studies, isang miniature model ng kung anung hindi ko na matandaan. Madilim at maaliwalas ang kalangitan at walang anu-ano’y sabay pa kami napatingala ng kasama ko,
Uy, falling star!
Yun na ang una’t huling beses na nakakita ako ng falling star. Wish? Paano ako makakapagwish e napatitig na lang ako sa sasandaling gumuhit ang manipis na puting ilaw na iyon sa langit. Astig.
Falling stars, pagblow ng candle sa cake, isang libong paper cranes, paghulog ng coin sa wishing well, pagkatok sa pinto ng simbahan na unang beses puntahan, wishbones o kahit yung pagwiwish kapag sinunod mo ng pinapagawa ng isang chain email. Ang daming pagkakataon na pwede kang mag wish. Pero sana lang e magkatotoo di ba?
Magwish ka..
Sinabi niya matapos hawakan ang aking pisngi at pilit may kinuha na kung ano malapit sa aking mata, isang nahulog na pilik-mata. Tapos ay pinapili niya ako kung saan didikit ang pilik-mata, taas o baba, kung sa kanyang hintuturo o sa hinlalaki?
Anung winish mo?
Alam mo naman kung anung wish ko e.
===
wish, nang malaman ko na un ang LP category ngayong linggo, ito kaagad ang naisip ko.
– karmi
simula pa nung HS ay naiingit na ako sa mga kaklase kong nakakatanggap ng bulaklak. lagi kong iniisip, kelan kaya may magbibigay ng bulaklak sa akin. kung tutuusin, napakababaw ng aking minimithi, bulaklak lang un, ano ba! ano bang meron dun diba? eh natutuyo rin naman ito ay di pagtagal ay itatapon din. para sa akin, its the thought that counts. oo nga’t natutuyo’t itatapon din pero ung effort na pumunta sya sa isang flower shop para bumili nito para sa akin ay sapat nang tumagal sa aking ala-ala.
syempre, di lang naman ako tatanggap ng bulaklak kahit na kanino na lang. gusto ko eh galing sa mahal ko.
gusto kong kiligin at matuwa. hay, napakahopeless romantic ko talaga.

oo, nagkatotoo ang aking hiling. may nagbigay sa akin ng bulaklak, at di ko ito inaasahan. andun sya sa tagpuan namin, nakaupo, ilang minuto na rin nya akong iniintay dahil di ko inaasahang male-late ako. puno nang kaba akong lumapit sa kanya nang makita ko ang isang dosenang pulang rosas. umupo ako sa tabi nya’t iniabot nya ang bulaklak.
ano ito?
para sayo.
di ko alam ang aking sasabihin. natigilan ako’t tinitigan na lamang ang bulaklak. ni hindi ko nga maalala kung nakapagpasalamat nga ako eh. magkahalong tuwa at pagkagulat, yan ang aking naramdaman ng mga sandaling iyon. di mo naman kelangang gawin, pero salamat. sobrang natuwa ako.
salamat sayo, natupad ang wish ko.
===
Ito ay ang aming lahok para sa ika-21 na linggo ng Litratong Pinoy na may kategoryang Mithi (wish). Ang litrato ni komski ay kinuhanan niya kanina sa harap ng pc niya. Kanina lang din niya ginawa yang mga stars na yan dahil wala namang pasok dahil sa bagyo. Ang litrato ni karmi ay kinuhanan noon June 14 sa harap ng KFC sa Trinoma habang hinihintay si Arvin. Tuyot na ang bulaklak, pero nadala ko pa rin dito sa America. Tignan mo rin ang mga lahok ng iba pang mga miyembro dito.





![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







