LP: Golden Gate Bridge

Posted almost 2 years ago Litratong Pinoy

Muntik ko na namang makalimutang LP nga pala ngayon. Sisihin natin ang pagkakaiba ng oras sa mundo. Hehe. :)

Cross. Wala pala akong picture habang tumatawid. Nakakagulat. Gusto ko pa namang gayahin ung ‘The Abbey Road” album cover ng The Beatles. Pero dahil gusto ko talagang sumali sa LP ngayon, naisip kong hindi lang naman tao ang nagco-cross diba? Pwedeng sasakyan din. Kaya heto ang lahok ko ngayong linggo — Ang pagtawid namin ng kaibigan ko sa Golden Gate Bridge.

Bago pa man ako mapunta dito sa Amerika, gusto ko nang puntahan ang Golden Gate Bridge. Naimpluwensyahan kasi ako ng TV show na paborito ko, ang Charmed. Kaya naman nang ayain ako ng kaibigan kong dalawin sya sa Sacramento, tinanong ko kung pwede ba kaming pumunta ng San Francisco. Pumayag naman sya.

Foggy nang araw na iyon kaya hindi masyadong kita ang tuktok ng bridge. Ang buong akala ko’y titingnan lang namin sa malayo ung tulay, pero ang hindi ko alam, daraanan pala namin. Busy lagi ang tulay na ito, madaming sasakyan at mga taong naglalakad sa gilid. Nakatawid kami sa kabilang-dulo ng tulay, naghanap ng parking at duon na nagpicture taking.

Bumaba din kami ng sasakyan at naglakad sa mismong bridge. Sobrang hangin ng araw na iyon, kaya naman medyo hirap sa pagpipicture-taking. Sakto lang ang panahon, hindi  masyadong mainit, hindi rin masyadong malamig, kaya naman na-enjoy ko talaga ang araw na iyon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang experience na iyon, na pagtawid ko sa Golden Gate Bridge. Nga pala, ang buong akala ko’y kulay gold ang bridge, pero mali ako. Hehe.

Ito ay ang aking entry para sa ika-115 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Tawid (Cross). Ang mga litrato ay kuha noong 2007, nang aking bisitahin ang kaibigan ko sa California. Hopefully, makabalik ako’t makabisita ulit soon. :)

PS.

Happy 2nd birthday KUNDIMAN! <3

lp-basyang

LP: Basyang

Posted almost 2 years ago Litratong Pinoy

Hindi kita nakausap kanina sa YM dahil wala kayong kuryente. Dahil sa malakas na hangin na dala ni bagyong Basyang, halos isang buong araw na walang kuryente ang ka-Maynilaan. Buti na lamang at may charge pa ang celphone mo, kaya nakapagtext pa din tayo. Iisang araw pa lang na di kita nakakausap, dismaya at lungkot na ang naramdaman ko.

Hindi na bale, ngayon lang naman ito. Pwede na kitang makausap bukas. Magiging masaya na ulit ako. :)

Ito ay ang aking entry para sa ika-114 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Dismaya.

LP: One Message Received

Posted almost 2 years ago Litratong Pinoy

Unang araw ng training sa trabaho, at siyempre nakagawian na mula kinder pa lang na isa-isang magpapakilala lahat at magsasabi ng kaunting tungkol sa sarili. Ngayong araw ay isang bagay naman na kakaiba ang kailangang ibahagi. Hmmm, kakaiba sa akin… May nagsabi na dati silang nageekstra sa mga telenobela ng GMA7. Meron namang nagpakita ng kakaibang skill at kung anu-ano pa. Ako ba? Hmmm…

I still use snail mail to send love letters…

Naalala ko dahil bumili ako ng ipapadalang card nung umagang yun bago pumasok sa opisina. Siyempre ang unang reaksyon ng iba’y bakit pa, e meron naman nang SMS, email, ym, online chat at internet? Oo, ginagamit ko naman lahat yun, kitang nagamit na namin ni karmi ang Twitter, Brightkite, EarthCaller, Bueno, Google Voice at kung anu-ano pang online apps, hacks at workarounds para makapagpadala ng messages at makapag-usap pero iba pa rin ang sulat.

1 message received.

Masayang mamili ng card. Tatayo ka sa isang hilera sa National Bookstore at titignan isa-isa ang mga cards. Kukuha ng isa, bubuklatin, babasahin ang laman at mangingiti habang naiisip mong binabasa rin ito ng minamahal mo. Iniisip mo ang mga magagandang bagay na isusulat mo at sasabihin sa kanya. Aling card ang sakto lang, tamang naglalarawan ng nararamdaman mo at nilalaman ng iyong damdamin.

Habang pinupuno mo ng mga salita ang papel ng iyong sulat at binubuhos mo ang bawat tinitibok ng puso. ‘Di man agad-agad niyang mababasa, ‘di mo man siya kaharap habang binubuo ang bawat talata, kahit hindi mo man maririnig kaagad ang sagot sa bawat tanong, bawat musta?, i miss you at i love you.. Andun pa rin ang tuwa sa pag-iisip na sa susunod na isang linggo o dalawa’y mababasa na niya ang mga sinulat mo, hihikbi, ngingiti, maaasar, kikiligin, matutuwa at tatawa.

Sa mundong nababalot na ng teknolohiya ay mas nakakasabik na ang mga bagay na pinalitan nito.

To send a letter is a good way to go somewhere without moving anything but your heart.

Phyllis Theroux

Ito ay ang aking entry para sa ika-112 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Teknolohiya. Ang litrato sa itaas ay ang aking Samsung M3510 na may 1 message received galing kay karmi at ang sulat niya sa akin noong ika-14 ng Oktubre 2008, na isa lang sa maraming sulat namin sa isa’t isa.

LP: EcoPark

Posted almost 2 years ago Litratong Pinoy

June 2008, parehong first-timers, pinuntahan namin ni Arvin ang LaMesa Eco Park. Dahil weekday ata kami nagpunta noon, wala masyadong tao at tahimik ang lugar. Naglibot kami doon kahit na sobrang init ng panahon. Nagkaroon din kami ng pagkakataon para makapagkuha ng litrato. Sayang nga lang at umulan kaya napilitan kaming umuwi ng maaga. Sabi ni Arvin, babalik pa kami doon kapag umuwi ulit ako ng Pilipinas.

March 2010. Umuwi ako ng Pilipinas at natural lang na sa pagkakataong ito ay muli kaming bumalik sa Eco Park. Dahil ata March at simula na ng bakasyon, naging busy at napakaraming tao ang naabutan namin doon. Naging masaya pa rin naman ang photo-op namin. Hindi din umulan ng araw na un, kaya nalibot namin ang buong lugar. Nakapagboating pa kami.


Matapos ang dalawang taon ay natuloy ang plano naming pagbalik sa EcoPark. At sabi nga ni Arvin, matapos man ang ilan pang taon, babalikan pa rin namin ang napakaespesyal na lugar na ito. Kung nais mo pang makita ang ibang mga litrato namin ay meron sa aming fan page:D Narito ang links para sa Eco Park 2008 at Eco Park 2010, hehe.

Ito ang aming lahok para sa ika-111 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Pagbabalik. Ang mga litrato sa itaas ay kuha noong 2008 at ngayong taon. Kita mo ba ang pagkakaiba? Hehe. Halina’t bisitahin ang lahok ng iba pang miyembro dito.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.