LP: Paghihintay

Posted 2 years ago Litratong Pinoy

Ang tagal naman nya, yan ang aking iniisip habang hawak itong numerong ibinigay sa akin ng crew. Napaaga ata akong masyado. Anung oras pa lang kasi, umalis na ako ng bahay para di matrapik, pero nakalimutan kong Linggo nga pala ngayon kaya wala masyadong sasakyan. Kaya heto ako ngayon naghihintay.

Gutom na rin ako. Hindi na ako nakakain ng agahan sa pagmamadali. Buti na lamang at dito kami magkikita, makakakain pa ako habang naghihintay. May dumaang isang crew sa harap ko, itinaas ko ang numero, pero hindi pa pala iyon ang inorder ko. Ang tagal naman.

Halos labin-limang minuto na rin ang lumipas, sa wakas ay dumating na ang pagkain ko. Ibinigay na ng crew ang aking pagkain sabay tanong kung may kailangan pa daw ba ako. Sabi ko’y wala na, sabay abot ng number na ngayon ko lang napansing monthsary pala namin. Coincidence nga naman.

Ilang minuto pa’y dumating na din sya. May dalang isang dosenang pulang rosas at tsokolate. Lumapit sya sa akin na may ngiti sa labi, iniabot sa akin ang bulaklak sabay halik sa aking pisngi. Monthsary kasi namin ngayon eh at hindi sya late, himala.

Ito ang aking lahok para sa ika-107 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Numero o bilang (numbers). Ang litrato sa itaas ay kinunan ni Arvin nang minsan sya’y nasa Jollibee. Halina’t bisitahin ang lahok ng iba pang miyembro.

lp-pamilya

LP: Pamilya

Posted 2 years ago Litratong Pinoy

Ngayong LP Thursday na may temang Pamilya ay pinost namin ni karmi ang mga family pictures namin:

O, ‘wag muna kayo aalis..

Dahil minsan lang naman kami makumpleto na nakabihis lahat at may camera, eto’t nagpicture-taking kami matapos ang Misa de Galo. Pero ngayong iniisip ko, hindi ako sigurado kung bakit kami may dalang camera, hehe. Pero ang hula ko ay dahil pinadala ng nanay ko dahil sa induction ng officers ng San Gabriel Sub-Pastoral Council (SPC). Di nga updated yan kasi nag-asawa na yung ditse ko at may pamangkin na rin ako :)

O, wacky pose naman..

Pagkasabing-pagkasabi nung photographer na wacky pose eh alam na naming lahat ang gagawin namin. Wacky, meaning magulo. Meaning kanya-kanya na. Meaning kahit na nakapormal eh pwedeng-pwedeng magpacute sa camera. Hehe. Ang litratong ito ay kuha, dalawang taon na ang nakalipas nang ikasal ang aking kapatid na lalake. Hanggang ngayon ay ito ang pinakapaborito kong family picture namin. :)

Ito ang aming lahok para sa ika-106 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Pamilya (Family). Halina’t bisitahin ang lahok ng iba pang miyembro.

LP: What Are Strangers Are For

Posted 2 years ago Litratong Pinoy

Bago pa man ako umuwi ng Pilipinas noong March, nakaplano na ang pagpunta namin ni Arvin sa Enchanted Kingdom. Para sa parehong first timers, hindi kami naligaw at hindi rin kami nahirapan sa biyahe. Ang aga nga namin doon eh, isang oras bago magbukas ang theme park eh andun na kami. Buti na lang din dahil nasa unahan kami ng pila.

Naglibot, sumakay ng rides at kumain. Syempre, hindi  mawawala ang photo-op session namin. Pero dahil dadalawa lang kami, kadalasan eh ung isa ang tiga-kuha ng litrato. Wala rin kaming dalang tripod. Kaya naman kapag may pwedeng pagtungan ng camera, ipinapatong ni Arvin doon na naka-timer na lang. In fairness, naging successful naman lahat ng kuha at na-master namin. Hehe.

Pero may mga pagkakataon na kailangan talagang may hahawak ng camera para maging maayos ang kuha ng litrato. Katulad na lamang ng jumpshot. Mahirap na masakto ang pagtalon kapag walang magbibilang na tao sabay pindot ng camera.

Noong una’y sinubukan namin ang magjumpshot na naka-timer lang. Ipinatong ni Arvin sa isang table ang camera at inabangan namin ang ilaw. Pero failure. Hindi talaga namin masaktuhan. Hehe. Kaya naman, sa kabutihang-palad eh may janitress na nagwawalis sa may malapit sa amin at nakitang nahihirapan kami sa pagtalon at pag-aayos ng camera kaya nagprisinta na lamang syang kuhanan kami ng litrato. Naawa na ata sa amin. Hehe.

Ito ang litratong kuha ni Ate. Hindi pa rin nasaktuhan, pero salamat pa rin! Hehe.

Bale tatlong litrato, itong jumpshot, isang kuha sa may lagoon ng Enchanted Kingdom at sa labas, kasama si Eldar ang pinakiusapan namin ang isang empleyado ng EK para kuhanan kami. Ang bait nila diba? Kasi naman, that’s what are strangers are for.

Ito ang aking lahok para sa ika-105 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Estranghero (stranger). Ang litrato ay kuha noong nagpunta kami sa EK ni Arvin. Muli, salamat kay Ate para sa litratong ito. Halina’t bisitahin ang lahok ng iba pang miyembro.

LP: bulaklak para sa isang anghel

Posted 2 years ago Litratong Pinoy

Michel,

Hi sis! Sobrang miss na kita. Pasensya na kasi noong March lang ako nakadalaw sayo, after almost 3 years din. Pangatlong uwi ko na un, pero isang beses pa lang kitang nadadalaw. Naging busy kasi pero di naman kita nakakalimutan kahit na ganon.

Kasama ko nga pala si Arvin nung dumalaw kami sayo nina Raych at Amor. Sayang, di mo na sya nakilala ng personal. Makulit sya tulad ko. Malamang magkakasundo kayo. At malamang eh isa ka sa mga magugulat sa love story namin. Hehe.

Sis, musta ka naman dyan? Alam kong binabantayan mo kami ni Raych. Medyo di na kita napapanaginipan eh, di tulad nung dati. Dalawin mo naman ako minsan o, pramis di na ako matatakot. Gusto ko lang naman na makipagkwentuhan sayo. Gusto kong sabihin sayo lahat ng nangyayari sa buhay ko.

2001. 9 years na rin pala nagdaan. Sobrang miss ka na namin – lahat kaming nagmamahal sayo. Basta alam kong andyan ka lang nagbabantay, ikaw nga ang guardian angel namin diba? :)

I love you sis!

– Mimay

Ito ang aking lahok para sa ika-104 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Bulaklak. Ang litrato ay kuha noong March 9, 2010 nung dinalaw namin ang puntod ni Michel, sa Sto. Rosario. Ok siguro kung mababasa nya ‘tong entry ko ano? O medyo creepy din ata un. Hehe. Halina’t bisitahin ang lahok ng iba pang miyembro.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.