it is love. :)

Posted a year ago BridgeTheGap, ldr, LSS

Dahil work mode si Arvin ngayon, may freetime ako para gumawa ng video. Medyo matagal-tagal na din akong hindi nakakagawa ng ganito at dahil LSS ko ngayon ang kantang “If It’s Love” ng Train, nagkaroon tuloy ako ng background music. Medyo nahirapan ako sa videong ginawa ko ngayon, pero ok na din, natuwa naman ako, sana si Arvin din. :)

[edit]
Inupload ko sa youtube ung video, pero may ganitong message, “This video contains content from Sony Music Entertainment, who has blocked it in your country on copyright grounds”. *sad face* hay, useless kung hindi mapapanood ni Arvin ung video na ginawa ko, kaya eto, ung video na lang na inupload ko sa FB. :)
[/edit]

Nananabik na makapiling ka

Posted 2 years ago LSS

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Minsan, nahuhuli ko ang sariling nakangiti
Malayo ang tingin
Malalim ang isip
Kailangang magkita muli

Muli kong pinakinggan ang kantang sinend mo sa akin. Nai-save ko na sa iPod ko, at paulit-ulit kong pinapatugtog. Pang-apat na beses na ata habang sinusulat ko ang entry ko ngayon. Di naman halatang gustong-gusto ko ung kanta mo ano? Sabi ko nga sayo diba, pwede mo nang palitan si Yael ng Spongecola. Hehe.

Namiss ko talaga ung mga pagkanta mo dati. Mga ilang kanta na rin ang nadedicate mo sa akin. At masasabi kong isa ito sa magiging paborito ko. Una pa rin syempre ung Tuyo nang Damdamin. Hehe. Kapag kasi pinapakinggan ko ang kanta, parang andito ka lang sa tabi ko, parang ang lapit mo lang. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil nakikita ko ang iyong mukha habang kinakanta ito sa harap ko.

Nasaan ka na?
Malayo ka pa ba?
Kay tagal ng iyong pagbabalik

Lagpas isang taon na rin tayong di nagkikita. Ang tagal na ano? Kaya naman pareho tayong kabado at excited sa muli nating pagkikita. Ilang buwan na lang ang bibilangin, magkakasama na naman tayo kahit saglit lang. Isang buwan. Sa loob ng isang buwan, pilit na pupunan natin ng masasayang ala-ala para makabawi sa panahong di tayo magkasama. Excited na ako. Sobra.

Inaaliw ang sarili sa musika
Nananabik ang makapiling ka

Habang di pa kita nakakasama, papakinggan ko na lamang muna ang iyong kanta. Hahayaang yakapin ako ng iyong tinig, at sasabayan pa kita. Alam kong darating din ang panahon na di na natin kailangang maghintay ng matagal, at makakapiling din kita. =)

migraine

Posted 3 years ago blabbers, LSS

oo nga pala..
ano? sige ituloy mo.
..hindi nga pala tayo.
eh baby, tayo na nga diba?

naging LSS ko rin nitong mga nakaraang araw ang Migraine ng Moonstar88. kaya naman, nirecord ko ito. at syempre, ipo-post ko dito sa blog. ika nga ni Arvin, “Warning: You’ve been warned.” dadagdagan ko pa ng “Play at your own risk.”

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

may gusto akong line dun eh.
alin?
“ung tipong ang sagot, ay di rin isang tanong.”
maganda nga.
saka first time ko kasing marinig yan sa isang kanta.

maganda nga ung kanta. unang dalawang linya pa lang, parang alam mo na kung san patungkol ung kanta. “oo nga pala, hindi nga pala tayo”. naisip ko rin yan noon, nung panahong nainlove ako sa lalakeng di ko naman alam kung ano ba ako sa buhay nya. parang oooppss, reality check, hindi kayo ha. malabo, sobrang labo. kasi naman, kung makikinig ako sa instincts ko, eh sinasabi nitong mahal din nya ako. pero kung utak ko ang gagamitin, alam kong di pwedeng maging kami dahil wala syang gusto sa akin. nakakahilo. nakakalito. saktong-sakto ung kanta ng moonstar.

ilang beses ko ring tinangkang tanungin ung lalake kung ano ba ako sa kanya. kung friends, eh di friends na lang, hindi ung parang kami na hindi naman talaga. nangyari siguro once, kaibigan ko nung college. sabi ko sa kanya na nahihirapan na ako sa setup namin, nalilito ako kung girlfriend ba nya ako talaga o girl friend lang. natulala sya, di malaman ang sasabihin. nagsorry sya, di raw nya sinasadyang maguluhan ako. mahal daw nya ako kasi ayos daw akong kasama, kumportable daw sya. that’s it. walang chuva-choo choo. walang spark, ako lang pala ang nakaramdam nun. masakit tanggapin ang katotohanan, pero at least di na ako nagiisip ng kung anu-ano. after nun, naging friends na lang talaga kami. hanggang ngayon friends pa rin naman kami nung mokong.

oo nga pala
hindi nga pala tayo
hanggang dito na lang ako
nangangarap na mapasayo

sapul ang lyrics.

alam kong madaming nakarelate sa kantang yan ng Moonstar88. dahil at some point, naranasan natin ang magmahal at malito. at minsan ding sumagi sa isip mo ang tanong na…

aasa ba ko sayo?

sandali na lang.

Posted almost 4 years ago blog update, inlove, LSS

bakit nga ba kapag sinabing ‘sandali na lang’ eh iyon pa ung parang pinakamatagal na paghihintay? kung kailan malapit na, saka ka pa makakaramdam ng pagkainip. saka mo pa gustong hilahin ang mga araw para di na matagal ang paghihintay. bakit nga kaya ganito? bakit ilang araw na lamang pero pakiramdam ko’y buwan pa din ang tagal? gaano nga ba talaga kasandali kapag sinabing ‘sandali na lang’?

ilang sandali pa ang kailangan kong hintayin para lamang makahawak ka ng kamay? ilang araw ang dapat intayin upang maramdaman ang mga yakap mong kasama na sa mga mensaheng iyong pinapadala. nasasabik na talaga akong makasama ka at nang masabi ko na sa iyo ng personal ang aking nadarama. sandali na lang. sa ngayon ay aasa na lang muna ako sa ‘sandali na lang’.

hindi ba pwedeng ngayon na?‘, sabi mo. tanong ko rin yan sa aking sarili. bakit nga ba hindi pupwedeng kaagad o ngayon na kita makasama? gaano pa ba katagal ang hihintayin para makapiling ka? ilang blogpost pa ba ang gagawin, ilang direct message pa sa twitter ang mase-send bago kita makasama? hindi ko alam. pero sana malapit na… sana nga totoong sandali na lang…

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Sandali Na Lang
-Hale
Sandali na lang
Konting panahon
Aking paghihintay
Na makasama ka
Sandali na lang
At abot tanaw
Panalangin ko
Na makita ka
Naiinip, nasasabik, kasing bilis
Nang isang iglap mahahanap
Sa may ulap
Nagtatanong, nagtataka
Bat wala ka pa
Nakatingala, nakatulala
Pero sabi mo
Sandali na lang
At nandito na
At ang panahon
Ay wala sa ating kamay
Huwag mag alala
Maraming oras pa
Ang nakalaan
Para sa ating dalawa
Sandali na lang

hindi man kita makasama kaagad.
masaya na din ako dahil may ‘sandali na lang’. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.