A Tribute Campaign: Certified Senior Bloggista

9 Comments » January 19, 2009 » 421 days ago
maalaala ko kaya, meme

Ang buhay, parang pagtatayo ng website. Hindi sa lahat ng browser, maayos tignan ang iyong mga pahina. Minsan kulang sa plug-ins, luma ang version o kaya magkaiba lang talaga kayo ng vendor. Dahil sa mga pagkakaibang ito, naiiba ang itsura ng iyong site sa tingin ng ibang mga surfers. May maganda, may pangit, may hindi maintindihan, merong magulo.

Ikaw?
Nakikita mo ba ako nang maayos?

Certified Senior Bloggista!June 13th, 2004. Aces.tabulas.com ang naging server ko nung nagsignup ako sa tabulas. Yun ang araw na ako ay naging isang opisyal na blogger. Tabulas lang kasi ang alam kong blogging engine dati, malay kong meron pa palang iba, hehehe:P Ate ko ang nagkwento sa akin tungkol sa blogging, pero hindi siya blogger, kundi yung isang student assistant (SA) nila sa admissions office ng UST. Nagprint pa nga siya ng dalawang entry nung SA nila at pinabasa sa akin, tungkol sa tander cats ata at mga boylets.

tabulas.com/~cornyscience ang URL ko nun. Cornyscience, kasi naman, hayskul palang kasi e batikan na ako sa pagiging corny.

Puro buhay kolehiyo ang mga pinagpopost ko nung una. Karamihan, tungkol sa Math subjects ko na napakahirap o tungkol sa mga crushes ko, haha. Oo, either tungkol sa bagsak kong math exam o, kung paano ko nalaman yung buong pangalan ng crush ko na nagsimula sa numerong 54333. At ilang mga Maala-ala mo kaya entries tungkol sa mga crush ko nung hayskul.

Nagblog ako dahil gusto kong isulat ang mga nangyayari sa buhay ko, dahil hindi naman kayang alalahanin ito lahat ng utak ng tao. Ayus din siguro kasi kung matanda ka na e mababasa mo ang mga nangyayari dati nung bata ka pa. Kaya nga kapag nagkaanak ako e gagawan ko siya ng blog para kapag matanda na siya e makikita niya. Read the rest of this entry »

ang bilis ng panahon..

6 Comments » December 22, 2008 » 450 days ago
maalaala ko kaya

..na parang kahapon lamang ng sila’y nagsimulang magkakilala at magka-ibigan. nangakong magmamahalan at di maghihiwalay sa kabila ng mga problemang maaari nilang maranasan sa hinaharap. naging matatag ang pagsasamahan at naging matalik na magkaibigan sa paglipas ng panahon. naging saksi kami ng mga kapatid ko sa pagmamahalang walang hanggan at wagas. :)

dalawampu’t limang taon. mapakahaba na kung tutuusin, quarter of a century na. pero ito pa lang ang simula pa ng mas mahabang samahan for better or for worse. :)

Silver.

ito po ang pampitong Pasko post sa pakulo namin ni Arvin. hindi related sa Pasko ang post ko ngayon, pero nirequest ko talaga kay komski na ako ang magpost ngayong araw, para sa pagce-celebrate ng 25th Wedding Anniversary  ng mga magulang ko. :) siomai, ang tanda ko na talaga.. :P hehehe.

late-na-nagbloom-ang-analytical-skills-ko

Late na nagbloom ang analytical skills ko.

14 Comments » December 3, 2008 » 469 days ago
Litratong Pinoy, maalaala ko kaya

RegaloIka-pito kong kaarawan, ang pinakabonggang birthday na cinelebrate ko. Ang saya, maraming bisita na puro halos mga bata’t teenager. May mga parlor games pa tulad ng pukpok-palayok, sack race, at ang tanging pabitin na nakaabot ako ng plastic ng kendi nang hindi binubuhat ninuman kasi nga ako ang may bday e pinauna akong kumuha, tipong free-throw shot. Meron ding ibang laro tulad ng Bring Me, pahabaan ng hininga sa pagbigkas ng Happy Birthday Arviiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin!, palosebo, agawan biik, chess, basketball, triple-jump, 5k marathon, synchronize swimming at diving.

Yun nga lang, alang clown o magician, boooo! pero at least merong photographer na pinagpose ako sa lahat ng events. Pinahawak niya sa akin yung pamalo sa palayok, yung bola ng basketball at pinayakap pa sa akin yung biik. Pose dito, pose dun, e grabe, ang gusto ko lang naman e kumain ng spaghetti at hotdog na may marshmallows.

Kuha ka ng isang regalo mo ‘tas kunan kita habang binubuksan mo.

Huwaw, kakakain e nakalimutan ko na may mga regalo nga pala ako, at bubuksan ko ang isa, yay! Pumunta ako sa may lamesa para pumili ng isang regalo at naisip kong piliin e yung malaki para baka malaking laruan:D Kinoach pa nga ako ng mga kalaro ko kung anung pipiliin. Exciting! Anu nga kaya ang laman ano? Read the rest of this entry »

umaga.tanghali.gabi.

8 Comments » November 12, 2008 » 490 days ago
maalaala ko kaya

madaling-araw/umaga

kakahiwalay pa lang natin, mga tatlumpong minuto ang nakakaraan ay nagri-ring na ung telepono ng barkada ko. alam na namin pareho kung sino ung nasa kabilang linya, ikaw syempre. sinagot ko ang telepono, alas-dyes na un ng gabi, at tama nga ang kutob namin. walang patid na kwentuhan pa rin ang nangyari, kahit na buong araw na taung magkasama kanina. hinatid mo pa nga ako dito sa bahay ng barkada ko, dahil may company outing kami kinabukasan. nasakto namang magkapitbahay lang kayo, kaya ok lang na hinatid mo ako. may tigabitbit tuloy ako ng gamit. inaya mo kami ng kaibigan ko na lumabas, pumunta sa isang bar malapit sa inyo. di naman pwede dahil maaga pa kaming aalis kinabukasan, kailangan naming matulog ng maaga.

nakatulog na ung barkada ko, pero gising pa rin ako’t kausap ka. sinabi mo na sasama ka sa amin papunta sa opisina, para din may tigabitbit ako ulit ng gamit. tumanggi ako, sabi ko, wag na lang, masyadong maaga para bumangon ka’t ihatid lang kami. mejo nagtalo pa tayo noon, pero wala, nanalo pa rin ako. nagbabay ka na’t sinabing matulog na ako. sabi ko nama’y matulog ka na rin. pareho nating ayaw ibaba ang telepono pero kailangan. sapilitan.

ikaw pa nga ang gumising sa akin kinabukasan. muli mong tinanong kung pwede kang sumama, sabi ko hindi talaga pwede. pero salamat.

nasa trabaho na kami ng barkada ko, katext pa rin kita. bigla kong naisip, sana pala’y isinama na lang kita sa outing namin. sayang. nasa huli talaga ang panghihinayang.

tanghali.

masaya ang company outing. may mga games, picture taking at syempre kainan. resort ung pinuntahan namin ngayong taon. swimming galore hanggang sa magsawa. kasama ko ang mga kabatch ko sa trabaho at syempre andun ka. nagkaroon ng room assignments, kasama ko ung mga ka-team ko. pero di rin nasunod un, dahil sa inyo ako sumama. iisang kwarto lang ang pinagistyan ng batch natin. babae at lalake magkakasama sa iisang kwarto, matapos ang tanghalian, nagpahinga muna ung grupo natin sa may playground. kwentuhan, heart-to-heart talk. di ko malaman kung paanong naiwan tayong dalawa sa may swing. siguro kasi, nabore ung mga kaibigan natin kaya sumama sila sa mga naglilibot sa resort. di ako sumama kasi gusto ko lang maupo, parang pareho pa nga tayo ng iniisip dahil pareho tayong di kumibo sa kinauupuan natin. nagopen up ka, sabi mo, nagbreak na kayo ng gf mo. sya ung kinuwento mo dati na umalis ng Pinas para magtrabaho. sabi mo, di mo kayang maghintay kasi, di naman din sigurado kung may hihintayin ba. di ako makaimik dahil alam nating pareho na ganon din ang magiging sitwasyon ko. ilang buwan na lang aalis na rin ako’t may iiwanan.

un na ata ung madrama nating paguusap. ang pagkakakilala ko kasi sayo eh maloko ka, palabiro. may mga problema ka rin palang tulad ko. madalas kasi, ako ung lumalapit sayo kapag may problema ako, salamat dahil sa wakas ay nagopen up ka.

wala na ata tayong mapagusapan, kaya niyaya mo akong pumunta dun sa beach. sumama naman ako, kasi crush kita noon pa.. (hahaha, teka, kanta ng moonstar88 to ah). naglakad lang tayo sa may dalampasigan, kwentuhan pa rin. tapos, nakita natin ung banana boat, walang sakay kaya sabi mo, sakay tayo. sinabi ko sayo na di ako marunong lumangoy, sabi mo ikaw rin, pero di mo naman ako pababayaang malunod. di na natin namalayan ang oras, lumubog na ang araw pero magkasama pa rin tayo. hanggang sa nakita na tayo ni manong, bawal daw pala ung ginawa natin, nakalibre daw tayo. oh well, too bad, natawa na lang tayo pareho.

gabi.

ngayong gabi ung company night thing. pagtapos ng hapunan at nagsipuntahan tayo sa may harap ng beach dahil may program at inuman. kasama ko ung mga barkada ko noong college na katrabaho ko rin. sayawan, kantahang walang sawa. grabe, this is the life, party hanggang madaling-araw. ganon sana ang gusto kong mangyari, pero dahil sa napagod ako dun sa pagsakay ko ng banana boat, mejo sumama ang pakiramdam ko. ang KJ. nakakainis, gusto ko pang magsayaw kasama mga barkada ko, pero nahihilo na ako.

wala akong ibang nagawa kundi ang bumalik na lang sa kwarto. at dun na kita nakita. tinanong mo ako kung ok lang ba ako, sabi ko, hindi, nahihilo ako kaya babalik na lang ako sa kwarto. sabi mo’y samahan mo na ako. pumayag naman ako. kwentuhan, pero tahimik ka lang. actually, tahimik ka naman talaga. pagdating sa kwarto eh andun ung iba nating kabatch. pinaalis mo ung isa kaibigan natin dun sa kama at sinabing kailangan ko kasing mahiga. pinahiga mo ako’t kinumutan. tinanong mo ko kung nagugutom ba ako, sabi ko hindi.

di ka na umalis sa tabi ko mula noon. sabi ko sau, lumabas ka na, ok lang ako, sayang kasi ung kasiyahan sa labas. sabi mo, hindi na lang, dun ka na lang. tinanong mo ko kung ano bang nangyari, sabi ko, napagod lang buong araw. nakatulog na ako. ewan kung umalis ka ba sa tabi ko.

nagising ako sa ingay ng mga kabatch ko sa kwarto. di na ako masyadong nahihilo kaya’t bumangon ako’t hinanap ka. andun ka sa labas, nagmumuni-muni ata. nilapitan kita at nagpasalamat. tinanong mo ako kung kamusta na pakiramdam ko, sabi ko, ok na. tahimik ka talaga. bihirang magsalita. gusto kong tanungin kung anong iniisip mo, pero di na lang. hinayaan ko ang katahimikang pumagitan sa ating dalawa. masaya na ako dun.

umaga. tanghali. gabi. 2005 pa nangyari yan. summer 2005. hanggang ngayo’y naaalala ko pa rin, bawat nangyari ng araw na un. isang araw, 3 lalake. oo, iba’t-ibang lalake yan.

maala-ala-ko-kaya

Maala-ala ko kaya

14 Comments » November 6, 2008 » 496 days ago
Litratong Pinoy, maalaala ko kaya

Roger

Isang gabi, habang nagpapahinga kami sa paggawa ng project namin sa Social Studies, na hindi ako sigurado nun kung matatapos namin, ay biglang naisipan ng kaklase kong ipakita ang mga nakuha niyang scanned pictures nung Intrams. Isa-isa naming tinignan, hanggang sa makarating kami sa litrato sa itaas.

Ang kaklase kong lalakeng inaantok ata habang pinagtitripan ng mga babae. Ang korny kong platoon commander habang nagpapump ng hangin para sa mga baloons, ang mayor naming ewan ko na kung saan nakakuha ng shades, at teka teka, bigla ko na lang naalala kung nasaan ako sa litratong ito, andun ako sa kinulayan kong bilog. Andun ako sa likod, katabi yung crush ko.

Kwentuhan mode. Ewan ko lang kung anung hinihintay namin, basta alam ko e kumportable ako sa kinauupuan ko. Kausap ko siya, kausap ko siya! At laking tuwa ko pa na habang may biglang kumausap sa aking iba, ay umusod yung crush ko papalapit sa kinauupuan ko:D Ang isang dangkal na layo namin sa isa’t isa ay nangalahati na. Sobrang close na namin! Hehehe.

Ok na sana ang lahat, kung hindi lang naglunchtime. Nauna nang tumayo ang mga kaibigan ko, paalis na papuntang canteen; pero ako, naistuck yata sa pagkakaupo. Naguluhan ako sa aking gagawin, gusto ko magpaiwan, pero magugutom ako, lol. Hindi ko naman siya maaayang magluch, may baon siya. Tinawag akong muli ng mga kaibigan ko. Ayun, tumayo na ako at umalis. Oo na, ang hina mo komski!

Pilit kong pinagmamadali ang mga kaibigan ko para makabalik kaagad kami sa Gym. At ayun, back to start, mag-uumpisa na naman sa pasimple-simple kong pag-upo papalapit sa crush ko. Minsan, ako yung nagbobomba ng hangin at siya naman ang may hawak sa baloon. Awww, kilig, hahaha.

Well, ‘di ko na maalala yung ibang detalye pero basta, nasira yung isa sa dalawa naming pumps, kaya humina yung produksyon namin ng baloons. E malapit na magstart yung program, kaya ako, ayun nagsusubok magpakahero para pogi points. Sinubukan kong ayusin yung pump.

Natanggal kasi yung pinagkakabitan nung handle sa loob mismo nung pump. Sinubukan kong buksan, e hindi naman pala napipihit yung takip. Humiram ako ng gunting para paluwagin yung takip, tipong bottle-cap opener. Pero ewan ko ba sa kung anung kamalasan ang dulot nung pump na yun, tumalikwas yung gunting at nasalo ng daliri ko. Ayun nagdugo. Duguan na ang nagpi-feeling hero.

“Ok lang ako, ok lang ako..”, yun na lang ang nasambit ko. Pero tumatagas ang dugo. Kinuha ko yung panyo ko at itinakip sa aking daliri. At eto ang maganda, (hahaha, kinikilig ako, lol) Siya ang gumamot sa akin! Hahaha. Masakit ang alcohol sa sariwang sugat, pero grabe, ang sarap:P lol. Inalagaan ng prinsesa ang duguang kabalyero!

Uhm… medyo blurry na yung mga sumunod na pangayari. Ibig sabihin, alang nangyaring may kinalaman sa kanya, hehe.

Scene: Malapit na mag-end ang cheering competition. Ewan ko pero kaming dalawa ng crush ko e magkatabi na naman. Maingay, magulo ang lahat, nagchi-cheer (duh!). Pero kaming dalawa, nakaupo at walang imik.

Hindi ako makapagsalita. Tahimik rin siya. Hindi ko alam ang nangyayari sa cheering. Siya lang ang iniisip ko. Matagal rin kami na ganuon, nakikiramdam sa isa’t isa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kakausapin ko ba siya? Anung sasabihin ko? Sasamahan ko siya papunta sa service niya? Aayain ko siya magMcDO? Kaya nilakasan ko ang loob ko hanggang sa…

Umuwi na siya. Tapos na kasi.

Ito ang aking lahok para sa ika-32 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Maalaala mo kaya? Hindi ko alam kung saan galing yung litrato sa itaas, nakuha ko lang sa kaklase ko; kinuhanan nuong Intrams 2003, 4th year high school ako. Bisitahin ang iba pang mga alaala ng mga miyembro dito.

Apat sa mga kaklase ko ang may parehong pangalan, kasama na rin yung crush ko. Kaya ang ginagamit namin para tawagin sila ay ang kanilang apelido. Ang apelido ng crush ko? Maala.

Para sa mga sagot ko sa mga tanong ni teacher Julie:D ito yung magiging sagot ko kung nung 90’s ako tinanong:)

1. Ano ang paborito mong palabas sa TV? madami, cartoons at anime
2. Sino ang paborito mong artista? Wala:P
Ano ang paborito mong pelikula? Back to the Future series
3. Ano ang paborito mong meryenda? hotcakes sa may gilid ng simbahan (aliw kasi panoorin yung pagluluto sa bilog na flat na kawali)
4. Ano ang paborito mong babasahin? Encyclopedia!
5. Ano ang paborito mong lugar na pasyalan? toy store:D
6. Sino ang iyong pers crush? hindi ko kilala, kaklase ko nung kinder, anak ng titser
7. Sino ang iyong best prend? wala.
8. Sino ang iyong paboritong guro? Sir Pascual, kasi magaling ako sa Math!
9. Ano ang iyong paboritong laro? Super Mario Land, FamiCom
10. Meron ba kayong alagang hayop noon? Si Brownie, kaya lang tulog ng tulog, niluto tuloy ng mga tito ko.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.