sulat-kamay

16 Comments » April 13, 2009 » 81 days ago
meme

ayan. masyado nang sikat ung vLog ko. pwede na ulit magpost. :D hehehe. super THANK YOU nga pala sa lahat ng mga nagcomment, naaliw, natuwa, at napilit kong manood nung video ko. :) kung may kakilala man kayong talent agent na tingin nyo eh interesado na gawin akong artista o kahit extra man lang, email nyo lang ako sa carmefrancia[at]gmail[dot]com. :)

last, last week ata un, nakatanggap ako ng isang meme galing sa dalawang kaibigang blogger. oo, dalawa sila. parang pinagtulungan nila ako, di kaya? hehe. :) pero dahil pareho kong mahal sina yeye at eloiski, gagawin ko ung tag.. :)

lagi kong sinasabi na “my handwriting is better than computerized”. mula elementary hanggang college ata eh ako ang “classroom secretary” ng mga kaklase ko. hindi ako ung official na secretary ha, ako lang naman ung tiga-sulat ng mga reports nila  sa manila paper, notes sa notebook at minsan eh love letter para sa nililigawan nila. noon un, kaso ngayon, mas madalas eh kaharap ko ang laptop ko, kaya di na ako  masyadong sanay magsulat sa papel.

saktong-sakto ang tag sa akin ngayon. makakapagpraktis nang muli na magsulat. :D hehehe.

(a) Write who tagged me,
(b) Answer the following questions:
(b1) my name/user name/pseudo,
(b2) right-handed or left-handed?,
(b3) my favorite letters to write,
(b4) my least favorite letters to write,
(b5) and I should write “the quick brown fox jumps over the lazy dog”, and,
(c) Tag five other people.

sulat-kamay

umm, kulang talaga ung mga taong tinag ko, wala na kasing space sa papel. binalak kong gawin ulit ung tag, pero maganda na ung sulat ko dyan, kaya di na lang. hehe. so ayan, tina-tag ko sina noi, ate rio, ate lalaine, maenoodle at ikaw — kung sino ka man na feel gawin itong tag na ito. :)

anung pangalan mo?

7 Comments » March 6, 2009 » 119 days ago
meme

Francis M., di man ako masyadong mahilig sa rap music ay saludo pa rin ako sa mga nagawa mong kontribusyon sa OPM music. your legacy will live on.. ingat ka kung nasan ka man ngayon, nga pala, paki-HI na rin ako sa bestfriend ko, kung magkikita man kayo :)

[post proper]

matagal-tagal na rin akong di nakakagawa ng tag. actually, ung huling tag na ginawa ko eh nasa idlip pa ako. haha. last year pa un. :| sorry sa mga walang sawang nagtatag sa akin/sa amin ni Arvin, kung di man kami nakakasagot agad. eto na ang panahon para makabawi! :D

tinag ako ni yeye. at dahil labs kita tol, eh gagawin ko ung tag. :) hehe. buti na lang at petiks mode na ngayon sa trabaho, kaya may oras. :D

List the names that you are called by and name the people who call you by these names.

ayos. medyo madami-dami ung mga maging tawag sa akin. sisimulan ko mula noong ako’y Elementary hanggang sa ngayong nagtatrabaho na ako. :)

CARME. yan ang tamang ispeling ng aking pangalan. yan din madalas ang tawag sa akin ng mga kaibigan at kamag-anak ko. hindi yan CARMEN at lalong hindi CARMI. hehe.

AME. limang letra na nga lang ung pangalan ko, kita mo nga namang may magiging nickname pa pala ako. yan ang tawag sa akin ng aking nanay at tatay. well, pati na rin ng mga pinsan ko. may mas iksing version pa nga yan eh, ME.

KARMI/KARMIMAY/MIMAY. sa mga pangalan namang yan ako nakilala dito sa blogosphere :) kaklase ko nung college, si Emie, ang nagbinyag sa akin nung pangalang Karmi. parang tinagalog na version ng pangalan ko. hehehe. nagustuhan ko, kaya ito na ung ginamit kong ispeling ng pangalan ko mula noon.

Read the rest of this entry »

A Tribute Campaign: Certified Senior Bloggista

9 Comments » January 19, 2009 » 165 days ago
maalaala ko kaya, meme

Ang buhay, parang pagtatayo ng website. Hindi sa lahat ng browser, maayos tignan ang iyong mga pahina. Minsan kulang sa plug-ins, luma ang version o kaya magkaiba lang talaga kayo ng vendor. Dahil sa mga pagkakaibang ito, naiiba ang itsura ng iyong site sa tingin ng ibang mga surfers. May maganda, may pangit, may hindi maintindihan, merong magulo.

Ikaw?
Nakikita mo ba ako nang maayos?

Certified Senior Bloggista!June 13th, 2004. Aces.tabulas.com ang naging server ko nung nagsignup ako sa tabulas. Yun ang araw na ako ay naging isang opisyal na blogger. Tabulas lang kasi ang alam kong blogging engine dati, malay kong meron pa palang iba, hehehe:P Ate ko ang nagkwento sa akin tungkol sa blogging, pero hindi siya blogger, kundi yung isang student assistant (SA) nila sa admissions office ng UST. Nagprint pa nga siya ng dalawang entry nung SA nila at pinabasa sa akin, tungkol sa tander cats ata at mga boylets.

tabulas.com/~cornyscience ang URL ko nun. Cornyscience, kasi naman, hayskul palang kasi e batikan na ako sa pagiging corny.

Puro buhay kolehiyo ang mga pinagpopost ko nung una. Karamihan, tungkol sa Math subjects ko na napakahirap o tungkol sa mga crushes ko, haha. Oo, either tungkol sa bagsak kong math exam o, kung paano ko nalaman yung buong pangalan ng crush ko na nagsimula sa numerong 54333. At ilang mga Maala-ala mo kaya entries tungkol sa mga crush ko nung hayskul.

Nagblog ako dahil gusto kong isulat ang mga nangyayari sa buhay ko, dahil hindi naman kayang alalahanin ito lahat ng utak ng tao. Ayus din siguro kasi kung matanda ka na e mababasa mo ang mga nangyayari dati nung bata ka pa. Kaya nga kapag nagkaanak ako e gagawan ko siya ng blog para kapag matanda na siya e makikita niya. Read the rest of this entry »

Limang mga katanungan.

3 Comments » July 14, 2008 » 355 days ago
meme, so random

Ako ay tinag ni teys! The rules are simple. At the end of the post, the player tags 6 people and posts their names, then goes to their blog and leaves a comment, letting them know they’ve been tagged and asking them to read your blog. Let the person who tagged you know when you’ve posted your answer.

1. What was I doing 10 years ago?

July 1998. Grade 5 ako nun, under, Mrs. “Mamaw” Mauricio, ang mother-of-all-terror teachers, sa pagkakaalala ko. Ang alam ko, sa start ng class ay patatayuin niya kami sa likod ng classroom ‘tas makakaupo ka lang kapag nakasagot ka sa recitation. Haay, buti na lang Science ang tinuturo niya, hehehe.

2. What are the 5 things on my to-do list today?

  • Magrecord ng kanta na ibibigay ko kay karmi, at post na rin as an entry, hehe:)
  • Hmmm. Iniisip ko pa.
  • Iniisip ko pa rin.
  • Hindi sigurado e.
  • Anu nga ba. Hmmmm…

3. Snacks I enjoy: Kahit ano? Hehehe. Kung anung meron, ieenjoy ko yun:D

4. Place(s) where I live(d): Sta. Maria, Bulacan! Dun lang, hehehe.

5. Things I’d do if I were a billionaire:

  • Magpapatayo ako ng mga bahay:D Yung pinaka-astig na bahay sa lahat, hehehe. May underground, may passageways, hehehe. Isang post na kung idedetalye ko lahat, basta:D
  • Magpapatayo ako ng Jollibee, tsaka ng Mcdo ‘tas magkatabi sila, hehehe:D
  • Invest ko yung ibang pera ko sa mga korporasyon, ok na ako dun.
  • Papakabit ako ng connection mula sa Internet backbone papunta sa PC ko, wahehehehe.
  • Pupunta akong Amerika para sunduin yung kashare ko sa blog na ito:D Kasi after ko magawa ‘tong apat na nauna, siya na lang ang kulang:D After nitong panlima na ito, ok na ko:D

sampung bagay tungkol kay karmi

11 Comments » March 4, 2008 » 487 days ago
meme

instructions:  blog about 10 weird/random facts/habits/goals about myself.  at the end choose 10 people to be tagged, listing their names and WHY you chose them.

last month pa ito ti-nag sa akin ni yods, at ngayon ko pa lang gagawin. message to yods: sensya na kung antagal ha. bc-bchan ever kasi. ^_^

sampung bagay tungkol sa akin. nuninuninuni. mahaba-habang pagiisip ito, buti na lang walang magawa dito sa trabaho. hmmmm.. here goes…

1. music lover na ako since birth. kahit anong genre pwede kong pakinggan, mula rock, pop, alternative, r&b, christian music hanggang cheesy love songs. syempre, depende sa mood kung anong pakikinggan ko. nang mapunta ako dito sa San Antonio, na-appreciate ko na rin ang country music. akala ko kasi noong una kapag country music eh mala-Old MacDonald had a farm eieio lahat ng kanta. hehe, mali ako.

2. certified bookworm. paborito kong author sina sir Bob Ong, Nicholas Sparks, Mitch Albom and Jerry Spinelli. mahilig nga akong magbasa ng libro, pero madalas eh panay love stories ang nababasa ko. mahilig din akong magbasa ng mga self-help books pero wala pa ring naitutulong sa akin ang mga iyon hanggang ngayon. hehe. manga, inspirational books, comics, lahat yan nababasa ko.. pwede nga akong mabuhay lang sa loob ng bookstore at library eh. ayoko lang basahin ung mga sci-fi saka suspense. matatakutin kasi ako.

3. crush ko si Vhong Navarro. hahaha. oo, pramis. ewan, basta ang cute nyang tingnan. kaya lang naman ako nanonood ng ASAP eh dahil sa kanya. gustong-gusto ko kapag sumasayaw sya. galing-galing. kaka-inlab. makita ko lang sya, napapangiti na ako. kwela pa.. haay Vhong.. ^_^ pero kahit na crushness ko sya, ni isang episode ng Lastikman, hindi ko pinanood. crush ko lang siguro sya kapag sumasayaw na.

4. paboritong movie ko? ‘The Wedding Singer’ – Adam Sandler and Drew Barrymore. kahit na ilang beses ko nang napanood un, lagi pa rin akong naiiyak. lalo na dun sa part na nasa eroplano na sila. ung kinantahan ni Adam si Drew ng Grow old with you. waaaaa.. pag-ibig nga naman. ‘i just always envision the right one being someone i can see myself growing old with.’ – Drew Barrymore. i’ve memorized that line by heart.

5. iyakin. oo, iyakin ako. kahit na nanonood lang ako ng TV, basta touching ung kwento, di ko mapigilang hindi maiyak. madalas akong asarin ng mga kapatid ko dahil dun. umiiyak din ako kapag sobrang asar na ako. ung tipong wala akong magawa kaya iiiyak ko na lang. di ako umiiyak dahil sa naaawa ako sa sarili ko, siguro its my way of releasing pain and anger. naranasan ko na ngang magmura habang umiiyak. o diba, tumutulo na ang luha ko, nagagawa ko pang sabihing ‘t*ngna mo’..

6. madaling akong mainlove. pero mahirap makalimot. kung lagi kang napapadpad dito sa blog ko, malamang madami ka nang nabasang mga love istories. karamihan dun eh mga nangyari sa totoong buhay. iba’t-ibang lalake, iba’t-ibang mukha ng pag-ibig. ilang beses na rin akong masaktan. kaya rin siguro ako madaling masaktan eh dahil sa madali akong mapapaniwala. pero iba na ngayon, natuto na ako. :) i still continue loving pero i keep some for myself. i just don’t give it all. sa ngayon, masaya ako. ^_^ and i hope na sya na nga talaga. kasi sya na ang gusto ko.

7. love my black nails. yup, i paint my nails black. =) nagsimula yun, last year. badtrip ako nung araw na un. kaya napagtripan kong bumili ng itim na nail polish. ayos naman, di naman maduming tingnan kahit na itim. sa tuwing badtrip ako, laging itim ang kuko ko. hehehe. pero ngayon, kahit hindi ako badtrip, itim pa rin ang kuko ko. nasanay na rin kasi. nakita un ng pinsan ko, tinanong ako kung emo daw ba ako. haha. oo emo. lol

8. kaya ko ng walang tulog for 24 hours. minsan, more than pa nga. adik. panggabi kasi ako sa trabaho. 12mn-9am ang pasok ko. at kapag wala akong pasok kinagabihan, madalas, di ako natutulog maghapon. anong ginagawa ko? online lang ako maghapon o di kaya sumasama sa gala ng mga tita ko. pagdating ng gabi, para akong naka-drugs sa sobrang sakit ng ulo.

9. ate karmi? nung magsimula akong magblog, ako pa ung tumatawag ng ate at kuya sa mga ka-blag ko. ngayon, ako na ang tinatawag na ate. gudlak, feeling ko tuloy ang tanda ko na. ok na rin naman sa akin na may tumatawag na ate. nasanay na rin. =)

10. problema ko daw ung pagiging sobrang mabait. di ko kasi kayang magtaray, tapang-bahay nga lang daw ako. hehe, sa bahay lang ako nakakapagsungit. minsan nga di pa epektib ang pagsusungit ko. ayoko rin kasi ng away, kaya rin siguro nananahimik lang ako. disadvantage ng pagiging mabait? madami.  isa na ang ma-take for granted ka.

hala. ang haba. =) masyado akong naaliw dito. hehe.. salamat sa tag, yods. kanino ko ipapasa? kahit kanino na lang na gusto gumawa nitong tag. ^_^

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.