the hype that was Twilight

12 Comments » March 24, 2009 » 102 days ago
current events, movie buff

hindi pa ako nakakabili ng Twilight DVD o kahit nung Blu-Ray. nasa Best Buy kami ng mga kapatid ko nung isang araw, nagkalat ang posters at DVDs pero di pa rin ako bumili. pagpasok ko sa trabaho ng gabing un, kinuwento sa akin ng bossing ko na napanood na raw nya ng ilang beses ung movie, at mas mabuti raw na Blu-Ray version ung kunin ko dahil mas maganda ung meadow scene. nainggit ako. dapat bumili na pala ako nung nasa Best Buy kami.

kagabi, tinanong ko ung kapatid ko, kung bibili na kami nung DVD. ako daw bahala. ok. gusto ko bang bumili? ewan.

napanood ko ung Twilight, first day of showing. adik. nabasa ko ba ung libro? oo, hindi ko nagustuhan, at dahil hindi ko nagustuhan, binenta ko ung libro. pagkatapos kong panoorin ung movie, may kaibigan akong (Hi Jennina! ^^) binigyan ako ng e-books – Twilight hanggang Midnight Sun. basahin ko raw muna tapos saka ko pagisipan kung bibilhin ko ung mga libro. binasa ko habang nasa work ako, natapos ko lahat ng libro ng wala pang isang buwan. nagustuhan ko. mabagal lang kasi ung takbo ng kwento nung umpisa. pinakagusto ko ung Breaking Dawn at Midnight Sun. sana tapusin ni Stephanie Meyer isulat ung Midnight Sun. after 3 months, nagpunta ako sa Barnes and Noble, binili ko ung buong Twilight series. $110. parang nagtapon lang ako ng pera.

t-shirts, perfume, button pins, bag, posters, accessories, shimmering lotion? lahat na ata ng maiisip mong gamit eh meron ang Twilight. parang Hannah Montana lang sa advertising. pero wala pa ring tatalo sa Hannah Montana. nung nasa Walmart kami, nakakita ako ng game. board game ng Twilight. adik. bumili ako ng dalawang t-shirt ng Twilight sa Hot Topic. isa para sa akin, isa para sa kapatid ko. birthday kasi ng pinsan ko, eh mahilig sya sa Twilight. binalak naming suotin ung t-shirt, hindi natuloy. pero sana pala, binili ko ung choker na katulad nung ginamit ni Alice sa movie. si Alice nga pala ung paborito kong character sa buong series!

nai-release na ung DVD. nagsho-shoot na rin sila para sa New Moon na ipapalabas sa November. may release date na rin ang Eclipse, July 2010 ata. natsismis pa nga na napipisil daw si Drew Barrymore para magdirect ng Eclipse. ang mahal ng talent fee nina Rob P. at Kristen S., ilang million daw pero ang liit lang ng budget nung film. tas ilang buwan lang ung shooting?? gudlak. hehehe. masaya ako na si Taylor L. pa rin ang gaganap na Jacob, pero ung gaganap na Sam daw eh iba na. medyo naging usap-usapan din ung pagcast kay Dakota Fanning as Jane. sino kayang gaganap na twin nya? hmmm.. ang iniisip ko, pano nila gagawing movie ung Breaking Dawn? ang gross lang kasi nung pagbubuntis at panganganak ni Bella. saka sinong gaganap na Renesmee? well, may sabi-sabi na CGI daw. ok. nagagawa nga naman ng technology. :)

Twilight. Bella. team Edward. team Jacob. team Switzerland. maganda naman ung kwento, pero madami ring haters. masyado na kasing sumikat, kaya madami na rin ang umaayaw. hehe. parang gusto ko tuloy pumunta ng Forks, Washington.

di ko pa rin alam kung bibilhin ko ung DVD o hindi. sana may magregalo na lang sa akin.

one more chance

10 Comments » November 20, 2007 » 592 days ago
movie buff, starstruck

may narecib akong txt galing sa bestfriend ko..

when love ends,
how long should you hold on?

how soon should you let go?

how do you move on?

 

from Star Cinema comes a story about how true love waits for, hopes for and needs

 

ONE MORE CHANCE

 

for everyone who has ever loved, and lost.

 

NOW SHOWING. Ü

habang binabasa ko ung text, naririnig ko ung boses nung announcer sa TV.. actually, naiisip ko ung mismong trailer.. dati gusto kong mapanood yan, ngayon ayaw ko na ata..

YouTube Preview Image

halos lahat ata ng movie nina Bea at John Lloyd eh napanood ko.. Close to you, All about Love at Now that I Have You.. ewan, basta aliw ako dun sa chemistry nila.. pero syempre, iba pa rin ung Jolina Magdangal-Marvin Agustin na loveteam, un talaga the best! (oo na, jologs na! :P) anyways, balik kina Bea at John Lloyd, maganda kasi ung mga movies nila.. sabihin na nating ka-relate kasi…

ayokong panoorin ung One More Chance.. unang-una, di naman kasi ipapalabas dito sa San Antonio.. kung malapit-lapit lang ang San Francisco, tinakbo ko na eh, kaso hindi.. pangalawa, di na ako masyadong naniniwala sa one more chance.. i feel bad just saying that kasi parang ang dating, di na rin naniniwala sa love.. naniniwala naman ako, hinihintay ko lang ung taong magpapatunay ulit nun (drama!)..

ayokong panoorin, pero gusto kong malaman kung ano ung ending.. hehehe.. syempre diba? gusto kong malaman kung naging sila pa rin ba, kung magkakatotoo ung sinabi ni John Lloyd na forever and ever…

Bashang: ang totoo, hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sabihin mo sa akin na ako pa rin.. ako na lang… ako na lang ulit..

Popoy: she loved me at my worst, you had me at my best.. and you chose to break my heart..

pamatay!

favor, kung napanood mo na ung One More Chance, kwento mo naman ung ending.. o kaya kapag lumabas na ung DVD, bilhan mo naman ako.. bayaran kita! ^_^

HSM3?

9 Comments » September 1, 2007 » 672 days ago
blabbers, movie buff

sumikat ang Highschool Musical, a year ago.. at ngayong taon nga, nilabas ang HSM2 isang linggo bago magpasukan.. almost one yr din ang inintay ng mga pans para lang sa sequel ng HSM.. kahit ako, inabangan ko rin, di dahil sa isa ako sa mga pans nito, pero dahil sa gusto ko lang panoorin.. ^_^

natuwa naman ako sa mga bago nilang kanta at dance steps, pero simple lang ung mismong kwento.. sabi nga ni kuya rob, mas maganda pa nga raw ang HSM.. well, oo, tama sya.. parang mas maraming nangyari sa HSM kesa sa HSM2.. pero nonetheless, nag-enjoy pa rin naman ako sa panonood.. :) ito ung mga tipong movie na di mo kailangang magisip masyado.. predictable ba? hmmm.. oo, malamang imposible namang magduet sina Troy at Sharpay sa ending eh..

may mga tsismis na may lalabas daw na HSM3.. hmmm.. kung totoo un, gusto ko lang sumali.. hahaha.. mangarap lang diba? libre naman… kaya naman, pinag-aralan ko talaga ung steps ng isang dance routine sa HSM2, gumawa ng video at nilagay sa youtube.. sana lang may makakita noh? hehehe….

asan ung dance video na ginawa ko? syempre, di naman pwedeng hindi ko ilalagay dito sa blog ko? ^_^ enjoy! (sana?)

YouTube Preview Image

iba talaga ang epekto kapag kulang na sa tulog, tapos maaga pang nagising… ^_^

autobots unite!

5 Comments » July 5, 2007 » 730 days ago
movie buff

i think i’ll get a Camaro for my first car! ^_^ ay, mag-aaral pala muna akong mag-drive…

wow.. double wow.. speechless actually.. ngayon lang ako lumabas ng sinehan na mejo shock pa.. ang ganda ng palabas.. sobrang ganda! $19 ang binayaran ko sa sinehan pero worth it.. sobrang worth it… hay.. nasabi ko na bang maganda? as in sobrang ganda ng Transformers?

pinapalabas pa lang ung trailer, gusto na syang panoorin ng kapatid ko.. ako, di masyado.. kasi naman, oo nga naging paborito ko si Optimus Prime pero ilang taon pa lang ako nun.. ni hindi ko na nga masyadong maalala ang kwento ng Transformers.. ang alam ko lang mga robot sila na nagiging kotse.. sabihin na nating napilitan akong panoorin un, dahil off naman ako at wala akong ibang gagawin sa bahay kundi ang humarap lang sa computer.. at heto ako ngayon, nakaharap sa computer ranting about how great the movie was..

everything was great about the movie.. effects, the actors, voice of the robots.. grabe, si Optimus Prime talaga un! simple lang ung storyline and mabilis ung andar ng kwento pero malaman ito.. kung di ka Transformers fan nung kabataan mo o kung wala ka talagang alam kung ano ang Transformers, at papanoorin mo ito dahil lang sa sabi nila maganda, maa-appreciate mo pa rin… hands down talaga ako kina Michael Bay, Steven Spielberg and the rest of Dreamworks and Paramount Pictures for making a great movie.. can’t wait for Transformers 2! ^_^

paglabas ng theather, nagiba ang tingin ko sa mga sasakyan.. feeling ko anytime pwede silang magtransform.. hahaha! wala pa kasi akong tulog nung nanood kami ng sine.. hay naku, wala na talaga akong ibang masabi kundi sobrang ganda nung movie.. kaya panoorin mo ha! ^_^

 

 

Autobots (got images from http://www.transformersmovie.com/)

i so love Bubblebee!!! :D someday I’m gonna drive a Camaro!! hahahaha……

spiderman 3: a movie review

12 Comments » May 4, 2007 » 792 days ago
movie buff

nice, seryoso ang title.. hehehe..

waaaaa… un lang!

nice.. sobrang nice! nakakaiyak na may comedy at puno ng aksyon! di expected ung ending pero maganda ang pagkakagawa.. ang galing ng graphics!! sobrang galing.. sa 3 spiderman movies na napanood ko, ito ata ung pinakagusto ko.. (naalala ko, 3 lang pala ung spiderman movies!!! :P)

nakakaaliw talaga.. basta panoorin nyo.. ayoko kasing magbigay ng spoiler dito eh.. basta panoorin nyo na lang, kahit sa pirated DVD lang! hehehe.. basta dapat panoorin nyo!!!! as in panoorin nyo….. (kulet ba?)

PANOORIN NYO!!!

sensya na, balak ko sanang gawing seryoso ang movie review ko na ito kaso wala akong maisip na matino.. kauuwi lang kasi namin at medyo may after shock pa ako dun sa movie.. kung papanoorin nyo man, i assure you, maiiyak kayo sa ending.. sobra!!! kung hindi man, hehehe, patunay lang ito na iyakin talaga ako.. :)

in everything we do, we ALWAYS have a choice.. un ang pinaka pinapalabas ng kwento.. na sa bawat gagawin natin, tayo ang laging pipili sa kung anong gusto nating mangyari.. tayo rin kasi ang may alam kung anong dapat gawin.. may mga magawa man tayong maling desisyon sa buhay natin, kailangan nating patawarin ang sarili natin para tuluyan nang makapag-move on.. mahirap man, ito ang dapat… once in a while din masarap maging masama pero tayo rin ang mahihirapan.. kaya pala ang tagline ng Spiderman 3 eh, “THE BATTLE WITHIN”..

ah basta, ganda talaga ng movie!!! (ilang beses ko na bang nasabi un? hehehe..)

**nga pala, kung manonood man kayo sa sinehan, siguraduhin nyong sa tamang restroom kayo papasok.. para di kayo mapapahiya kung sa paglabas nyo ng restroom eh may lalaki o babae kayong makakasalubong papasok at malalaman nyong mali pala ang napasukan nyong restroom!** :D

ang image ay nanenok ko sa http://www.yahoo.com

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.