salamat Chowking
Dear Chowking (Trinoma Branch),
March 9, 2010, bandang alas-dos o alas-tres ng hapon, kumain kami ng boyfriend ko sa inyong restaurant. Dalawang Chaofan at Nai Cha ang inorder namin. Medyo madaming tao sa loob ng resto, kaya naman sa labas kami pumwesto. Masarap naman ung pagkain, ito nga ung namiss ko sa Amerika eh – Siomai at Chaofan. Sana kasi magbukas kayo ng Chowking dito sa Texas eh, para di na ako dadayo pa ng Las Vegas kung gusto kong kumain ng Halo-halo o Kangkong with bagoong.
Pagkatapos naming kumain, umorder kami ng dalawang Halo-halo. Bumalik ang boyfriend ko sa table namin na may panibagong number na dala. Dumating ang Halo-halo, pero wala ang dalawang scoop ng ice cream. Ummm, ung dalawang Halo Petit with 1 scoop po ang inorder namin. Sinabihan na lang po namin ung isang crew na kulang nga ung inorder namin, nagrequest na rin kami ng dalawang baso ng tubig. Ilang minuto pa’y dumating ang aming ice cream, may isang bowl din ng gatas, pero nakalimutan ang tubig. Ayos lang, uubusin na lang muna namin ang Halo-halo, saka na lang kami hihingi. Nga pala, ang sarap ng Halo-halo ha, sana lang po sa susunod eh dagdagan nyo ang gatas, suggestion lang naman. :)
Naubos na ang Halo-halo, may sinabihan na din kaming ibang crew, wala pa ring tubig.
Siguro’y hindi nyo na kami naaalala. Madali lang naman kaming mapansin ng araw na iyon. Naka-couple’s shirt kasi kami ng boyfriend ko noon. Kami ung may suot na t-shirt na may mga puso. Ung nagli-light up. Nagpikturan nga rin kami sa labas eh. Malamang napansin kami ng crew nyo. Hehe.
Hindi na po siguro kayo nagtataka kung bakit ako sumusulat sa inyo ngayon. Umm, medyo nagiging makakalimutin po ata ung crew nyo. Ice cream, tubig. Naiintindihan ko po, busy kasi ng araw na iyon. Ang dami talagang tao, na kung iisipin eh hindi naman weekend. Madami lang siguro kasi talaga ang gustong kumain ng Halo-halo, mainit kasi. Pero kahit na ganun ung sitwasyon, sana naman ay hindi mawala ung customer service, ok naman kasi ung pagkain sa Chowking kaya binabalik-balikan talaga ng mga tao. Next times po ha. Sana hindi na ganon.
Sya nga pala, may isa pa palang nakalimutan ung crew nyo..
Salamat po sa remembrance ha. :)
– Mimay






