i miss blogging.

Posted almost 4 years ago blabbers, contest, pakulo

before anything else (naks!), gusto ko lang magthank you (ulit) sa pagbanggit sa amin ni komski sa Okrayan Taym #5 ni Leyn. oo, kami un. ung conjugal blog na may K & K na initials. di kami filingera. kami ata un. hehehe. salamat Leyn at Don Romantiko, ikasisikat na namin ito! ^^,

pagkagising ko pa lang kanina, busy na ako agad. ang daming bagong bumoto, at nagverify ng mga boto para sa E[kwento]MO. actually, nawindang ako. di ko expected na ganon pala talaga kalawak ang blogospero. ang daming bagong blogs, mga bagong mukha. ang layo na ng narating ng pa-contest namin. salamat, super salamat sa inyo. :)

hanggang Oct. 17 pa ang botohan, at para nga pala dun sa mga bumoto, importante na MAGREPLY KAYO SA EMAIL NA IPAPADALA SA INYO. kapag kasi di kayo nagreply, wala, di maco-count ung boto nyo. sayang naman diba? nagsend na rin ako ng Second Notice para dun sa mga di pa nagrereply. hmmm, ayokong magtaray ha, pero kasi, kung boboto kayo, siguraduhin nyo naman na di namin (kami ni komski) mahahalata na may ginagawa kayong milagro.. :) tandaan na pareho kaming adik sa computer kaya nalalaman namin ang balak nyo. hehe.

kanina, katatapos ko lang magapprove ng comment, may nakita akong incoming link. pinuntahan ko ung link, at binasa ito. ummm, mejo, may di ata magandang nangyari. na-question ung isang nagpasa ng entry dito sa E[kwento]MO. binasa ko ang post at sa halip na magcomment, eh minabuti kong gumawa na lang ng post ukol dun.

ito lang ang masasabi ko, blog mo yan, kaya kahit ano pwede mong ilagay depende sa mood at gusto mo. pwede kang magdrama, magpatawa, mangyurak ng kapwa mo. blog mo yan eh, nakikibasa lang sila. hindi daw totoo ang kwento mo? keber. basta alam mo sa sarili mo na totoo un, at un ang mahalaga.

tsktsktsk. issue na naman. di na nga ata matatapos ang issue sa blogosphere.

gusto kong magbigay ng libreng domain at hosting bilang birthday gift ko. kaya nabuhay ang concept ng E[kwento]MO. ginawa namin ang E[kwento]MO para malaman ang ibang side ng isang blogista. ung side na hindi palaging naibabahagi sa mga mambabasa. mali ba na ginawang botohan ang pagjudge ng mananalo? hindi naman. pero di rin siguro maiiwasan ang mga ganitong issue. aminado ako na nagworry kami ni komski na baka maging “popularity contest” ang contest namin. at parang ganon na nga ang nangyayari. kung sino ung madaming mabibisitang blog, sya ang mananalo. pero hindi ganon ang mangyayari sa contest namin na ito. gusto pa rin naming manalo ung tingin naming deserving talaga, di lang dahil sa boto, kundi dahil na rin sa content. inuunahan na kita, wala akong pinapatamaan sa kahit na sinong kasali sa contest na ito. lahat sila deserving manalo, lahat ng mga kwento nila’y may kirot sa puso.

hay, stressful pala ang pacontest na ganito, pero masaya pa rin naman. at alam kong magiging worth it. :) basta, goodluck na lang sa mananalo. ^^,

di ko expected na masasabi ko ito pero, i miss blogging. at after ng contest na ito, back to normal na ang kundiman. back to normal na rin ang hits. hehe.

E[Vote]MO na!

Posted almost 4 years ago pakulo

this is it! matapos ang halos isang buwan na pangi-ispam sa mga forums at paggala sa blogosphere para ibenta ang kauna-unahanang Emo Writing Contest dumating na rin tayo sa punto nang pagpili ng inyong pinakapaboritong EMO-ment na kwento. gusto kong magpasalamat ngayon pa lang sa lahat ng mga nagpromote at sumali sa pa-contest na ito. mahirap magdrama alam ko, pero katulad nga ng sabi ni McRey, ‘there’s an EMO in everyone, I swear’.

15 entries. lahat madrama, may kirot sa puso. mga kwentong tungkol sa pag-ibig, sa buhay, pamilya, kaibigan at pati na rin hayop. mahirap pumili ng iisa lang na panalo, dahil may kanya-kanyang lalim at drama lahat ng mga entry. masasabi kong makakarelate ang bawat isa sa atin sa mga kwentong inyong mababasa. wag kalimutang maghanda ng panyo o tissue habang nagbabasang mga entries.

amin nang opisyal na binubuksan ang botohan para sa E[Kwento]MO. salamat kina IshyBitsy, McRey, Teresa, Prosetitute, Jem, Ice, Dramaqueen, Abou, Madjik, Miko, PonChong, Pmonchet, Ron, Yods at Enday sa pagshare ng inyong madadramang kwento. bisitahin lamang ang E[kwento]MO Entries Page at magiwan ng comment sa kung sino ang pinakapaborito mo. pwedeng bomoto ng hanggang sa tatlong entry. pwede rin namang kahit isa lang.

Sample comment entry:

I vote for these entries:

1. 3 tears
2. 2 tears
3. 1 tear

Kapag nakaboto ka na, hintayin ang e-mail na aming ipapadala sa email address na ginamit mo para bumoto. Kailangan mo ring magreply dun sa e-mail para maibilang ung boto mo. Kaya siguraduhin lamang na valid ung e-mail address na gagamitin. Mula Oct. 5 hanggang Oct. 17, 2008 ang botohan. Kung may iba pang katanungan tungkol sa voting process maari kang magiwan ng comment sa E[Kwento]MO FAQ page o kaya’y magiwan ng message sa chatbox namin.

ano pang hinihintay mo, E[Vote]MO na ang paborito mong E[Kwento]MO entry. :)

E[kwento]MO na!

Posted almost 4 years ago contest, pakulo

matapos ang isang linggo at isang araw na pagpopromote at pagi-ispam sa mga blogs at forum, officially na po naming binubuksan ang E[kwento]MO Emo Writing Contest. gusto rin naming magpasalamat sa mainit  na pagtanggap ninyo sa pa-contest na ito.kumalat ang E[kwento]MO hindi lamang sa blogosphere, kundi pati na rin sa friendster. napatunayan naming madami talagang emo/madrama sa mundo. :)

dahil masyadong mahaba ang nasa Mechanics page, eto po muli ang dapat nyong gawin kung gusto ninyong sumali sa contest namin na ito.

September 14, 2008-October 4, 2008 (Submission)*

Mayroong tatlong linggo para magsubmit ng entries. Maglagay ng part sa header o sa footer ng iyong entry na nagsasabing kasali ang entry mo sa E[kwento]MO. Pwede mong gamitin ang image sa ibaba, tapos ay  ilink sa Entries page.

i-send sa ekwentomo@gmail.com ang iyong entry kasama ang sumusunod.

  • title ng entry
  • permalink ng post
  • excerpt o maikling description ng iyong kwento
  • picture na may kinalaman sa entry mo (kung may nilagay ka)

Makikita sa Entries page lahat ng mga official entry na kasali sa E[kwento]MO. Hindi pa pwedeng bomoto habang submission week pa lang. Hihintaying matapos ang tatlong linggo, para naman maging fair sa mga ibang late nang makakapagpasa ng entries. Mas ok rin ito, para naman mababasa ng lahat ang lahat ng mga lahok.

Pwede mo ring i-follow ang official Twitter (http://twitter.com/ekwentomo) at Plurk (http://plurk.com/user/ekwentomo) accounts ng E[kwento]MO para sa mga updates. Doon namin ilalagay kung may bagong entry na kasali sa contest. kung may karagdagan ka pang tanong, magiwan lamang ng comment sa E[kwento]MO FAQ page o kaya’t magemail sa ekwentomo[at]gmail[dot]com.

o, ano pang hinihintay mo, E[kwento]MO na! ^_^

why not E[kwento]MO?

Posted almost 4 years ago contest, pakulo

emo ka ba? madrama?
o di kaya’y may nakakaantig na kwento kang nais i-share sa ibang tao.

pwes, why not E[kwento]MO?
malay mo, kapag napiling pinakanakakaiyak ang iyong blogentry, manalo ka pa ng domain at hosting. :D

sali na. ^^,

para sa mechanics page ng pa-contest na ito, i-click lamang ang litrato sa itaas o kaya’y ang link na ito.

Dahil ang pagiging emo, may kwento.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.