awoooooo

Awoooooo!

Posted almost 4 years ago Litratong Pinoy, so random

awooooo

Ewan ko na lang kung anung mararamdaman ko kung ganyan ang makasalubong ko next time sa kusina namin. Parang nasira ata tiyan niya hehe:P

Ito ang ang aking lahok para sa ika-31 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Kadiliman, dahil hindi ko naman ito magagawa kung hindi madilim. Ang litrato ay kinuhanan ko kagabi gamit ang aking phone (with J2MEFlashlight) at CHDKed-camera. Bisitahan ang iba pang lahok ng mga miyembro dito.

dahil-hindi-mo-ako-mababatukan-belat

Dahil hindi mo ako mababatukan *belat*

Posted almost 4 years ago so random

Webcam

Alas-dose na ng gabi, pero tahimik pa rin dito. Tahimik hanggang sa patayin ko na itong PC matapos kong gawin ang post na ito. Imbis na boses mo’ng naririnig ko’y tugtog mula sa isang radio station ang lumalabas sa headset ko. Higit na mas masayang pakinggan ang tawa mo kaysa kay Angel Rivero.

Hindi ko matitigan ang mukha mong wala sa nakabukas na webcam. Ngayo’y hindi ka lang talaga invisible ngunit offline na talaga. Vanny, sana nga’y kapag online ako’y online din siya para naman ang pagngiti nitong smiley sa pagbukas ng YM ay dahil sa saya. Ay grabe, hindi naman ako nagdadrama dahil napansin ko lang naman, ibang-iba talaga kapag ganitong wala siya.

Natawa akong muli nang tignan ko ang litratong inilagay ko sa taas, dahil hindi naman kailangang makausap kita para mapangiti mo ako, kahit sa pag-iisip lang sa iyo’y napapasaya mo na ako. Masaya ako sa bawat alaala, bawat alaalang napagsaluhan nating dalawa. Ayan, ayan ang madrama:P

Kaya simula ngayong kahit sabihin mo pang miss na miss mo na ako’t gusto mo akong makausap, ay ‘di na kita pagbibigyan, dahil kagaya nga ng sabi ko sa iyo last year; Hindi dapat pinapalagpas ang pagkakataon para matulog. Ayan tuloy, nagkasakit ka dahil sa kakulangan sa pahinga.

At oo, kapag wala akong maisip na ipost ay magpopost ako tungkol sa iyo *belat!* hehehehe. Lalo na ngayong hindi ka makakapag-online:P Kaya pagaling ka na, para imbis na gumagawa ako ng ganito’y nakakausap mo na lang ako.

Tip: Masama sa blogging career ang online relationship:P

ang-dumi-na-ng-pc-ko

Ang dumi na ng PC ko.

Posted almost 4 years ago gadget and stuff, Litratong Pinoy, so random

copper wires

Ito ang aking lahok para sa ika-23 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Tanso (copper or reddish metal). Ang litrato ay kinuhanan kanina, dito sa tabi ko lang habang nakikipagvoice chat, hahaha. Bisitahin ang lahok ng iba pang mga miyembro dito.

ayoko-sa-madilim

Ayoko sa madilim,

Posted almost 4 years ago Litratong Pinoy, so random

csadako

takot ako sa mumu!

Ito ang aking lahok para sa ika-22 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Ayaw ko. Ang litrato ay kinuhanan sa may 2nd floor ng Computer Science Department ng UP Diliman, na napost ko na dati. Bisitahin ang mga bagay na ayaw ng mga miyembro dito.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.