dahil wala naman akong masyadong ginagawa, naghanap ako ng mga video sa youtube… kung anu-ano lang.. mga shows sa pinas, mga artista.. nasabi ko na bang die-hard fan ako dati nila jolina and marvin? at ng GIMIK? yup.. 2nd yr highschool ata ako nun.. kaaway ko ang mga kaklase ko na mahilig sa TGIS.. korny oo, pero nakakamiss din pala..
tinype ko ang pangalan ni jolina magdangal.. ang dami ring lumabas na mga video.. naalala ko tuloy kung gaano ako ka-fanatic sa kanilang 2 ni marvin agustin.. may scrapbook akong ginawa.. bumibili ako ng mga magazine, ginugupit ko ang mga pictures nila.. sayang nga lang at nawala na ung ginawa ko.. gusto ko sila ang magkatuluyan dahil bagay naman sila eh.. happy ending ang gusto ko sa kanila.. kaso, tumanda rin ako, at nawalan ng interes sa kanila.. lumipat din si jolina sa channel 7, naiwan si marvin sa channel 2..
maraming nagsasabi na magkakaroon sila ng bagong pelikula.. inabangan ko rin un.. papanoorin ko syempre! hehehe.. pinanood ko ata lahat ng pelikulang pinagbidahan nila! FLAMES The Movie; Kung Ayaw Mo, Wag Mo; Labs Kita, OK Ka Lang; at Hey Babe.. kaya ko rin sinubaybayan ang GIMIK dahil sa kanilang 2… nakakamiss talaga! hehehe..
kaya naman, naaliw lang ako sa mga video na nakuha ko… enjoi! :)
ASAP – Jolina Magdangal, Rico Yan, Diether Ocampo, Bojo Molina – hahaha.. naaliw ako dito! mega-kanta talaga sila.. sayang nga lang at kulang sila..
Jolina Magdangal and Marvin Agustin – Kapag Ako ay Nagmahal – waahahahaha… halatang lipsync pero ok lang.. :) ang jologs ko talaga!!!
Labs Kita, OK ka Lang – famous lines.. ewan ko ba, sobrang naka-relate ako dati sa mga linya ni Jolina..
Budjoy: Kaibigan mo lang ako.. and i made the biggest mistake of falling in love with my bestfriend
hay.. nakakamiss talaga!!! nakakaaliw, balik-balikan ang nakaraan.. :) ang jologs ko pa rin talaga!!!!