simula

Simula

Posted almost 2 years ago Uncategorized

uuwi na ako baby

Posted 2 years ago Uncategorized

Uuwi ako ngayong March.

Matapos ang dalawang taon, uuwi na ako ulit, para magbakasyon. January pa lang, nakabili na ako ng ticket at nakapagfile ng leave. Mula March 5-30. Halos isang buwan na rin, pwede na. Medyo naawa nga lang ako sa katrabaho ko dahil wala syang day-off ng buong March. Oh well, sabi ko, papasalubungan ko na lang sya ng Halo-halo.

January pa lang, pero fully-booked na ang schedule ko para sa March. Makikipagkita sa mga kaibigan noong elementary, HS at college; mga blogger friends; naging ka-close sa trabaho; mga kamag-anak at syempre makikipagkita sa baby ko. Ngayon pa lang, inaayos ko na ung schedule ko, para pagdating ng March, gala na lang. Pero ngayon ko lang napatunayan na kahit pala isang buwan ang iyong bakasyon, kulang pa rin. Kulang na kulang. Iba talaga kapag artista. Syempre, biro lang.

Excited na akong makita ulit si Arvin. Grabe, sa wakas, makakasama ko na sya ulit, at hindi lang usap sa YM o telepono. May balak na nga ako paguwi ko eh – gagawa kami ng videoblog at ipo-post namin dito sa kundiman. At saka gagawa ng music video. At saka magpi-picture ng uber dami. At saka – holding hands, yakap, kiss.. hay.. The possibilities are endless, dahil kasama ko na sya. Ang saya. Nasabi ko na bang excited na akong makita ko sya? Sobra.

Sa ngayon, medyo maayos na ung ibang plano, may iilan na lang na hinahanap pa ng date, oras at lugar ang meet up. At medyo nas-stress na rin ako sa pagp-plano. Sa sobrang stressed pati si Arvin eh inaaway ko na. :| Hindi ko na lang siguro masyadong iisipin ung paguwi ko. Tamang enjoy dapat. At alam ko namang after ng pamomoroblema ng mga plano eh magiging masaya ako sa March. ^^

Oo nga pala, excited na rin akong makita ang aking pamangkin. Un naman kasi ang dahilan talaga ng paguwi namin (ng kapatid ko), manganganak kasi ung asawa nya. Baby girl. Weee. Kakaexcite. Tita na ako, officially.

Ang lapit na. Ilang araw na lang. Naririnig ko na naman ang kanta ng Orange and Lemons. Na medyo iniba ko ang lyrics.

Rebirth

Posted 2 years ago Uncategorized

Matapos ang ilang buwan ng hindi pagsusulat ng isang blog entry, eto na naman ulit ako’t nakaharap sa post editor ng wordpress. Nakailang palit din ako sa title, at ilang minuto rin ang inabot bago ko naisulat ang unang pangungusap. Ayan, makakabuo na ako ng isang talata. Sa wakas. Mula sa blog entry na ito ay sisimulan ko nang magsulat na magmuli, ang magblog at maging isang blogger. Ang hirap kaya:P Hindi ko man masabi kung bakit ako natigil sa pagbablog ay alam ko naman kung bakit ako magbabalik. Yun ay dahil gusto ko.

Tinanggal ko na ang crossposting ng aking mga entries sa Multiply at Facebook para hindi ko na masyadong isipin na lahat ng mga sasabihin ko’y mababasa ng aking mga kakilala. Dito na lang sa blog para ang mga makakabasa’y ang mga nakakakilala lang sa akin. Kung meron pa, hehe. Basta.

Hindi man ako makapagsulat ng isang makabag-damdaming tula o mala-romantikong kwento’y ninanais ko lang na may mailabas na mga salita mula sa aking mga iniisip. Magkaroon lang ng saysay ang mga tinatype ko ngayon sa keyboard ay ok na ako, dahil alam kong hindi ko maibabalik ang lahat sa isang blog entry lang ang isang bagay na hinid ko alam kung maakakaya ko pa.

Ito ang simula.

code-orange

code orange

Posted 2 years ago Uncategorized

Ngayon lang siguro ako nakaramdaman ng kaba. Well, ngayon na lang ulit.

Tumawag ang aming director, kakapasok ko pa lang sa shift ko dito sa trabaho. May Code Orange daw – Hazardous agent or chemical, biological, radiological, nuclear or explosive incident. Masyadong broad ang scope ng code na yan, basta nang makita ko ang salitang “hazardous” eh alam kong hindi na maganda. Sabi ng director namin, i-page daw ung mga supervisor, FYI page, na ginawa naman ng isa kong kasama. So ok na, akala ko’y dun na natapos un.

Magisa na lang ako dito sa trabaho, nagring na naman ang telepono, ung director ulit namin. Ang sabi nya’y i-page daw ung supervisor (na papasok ngayon) na pumasok ng mas maaga kesa sa schedule. Sabi pa nya’y papunta na rin sya ng ospital at ie-explain na lang nya kung anung nangyayari pagdating nya dito. Binaba ko ang teleponong hindi ko alam kung anung iisipin. Pi-nage ko ang aking supervisor at tumunganga.

Eh anung gagawin mo daw?
Ewan, maghintay?

Tinanong sa akin ni Arvin yan. Ano nga bang gagawin ko habang hinihintay kong dumating ang mga tao. Kinakabahan ako. Sana nama’y hindi masyadong seryoso ung nangyayari, pero kasi papasok ung director namin eh 1:03am na. Iba ito. Hay. Hindi ko mapigilang isipin na ito na ba un? Ganito na lang ba matatapos ang buhay ko? Sana nama’y hindi.

Ilang minuto na lang, magkakaroon na ako ng kasama dito. Sa wakas. Hindi na ako kakabahan, alam ko na kung anung dapat gawin.

 At sana hindi pa ito ang last blog entry ko.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.